read.cash Log in
@euhenceOnNoiseApp

Beautiful flowers Hellow noisematesss magandang gabi sa lahat ngayon lang ako makakapagpost dahil ako ay madaming ginagawa dito sa bahay ako lang kasi lahat yung kumikilos sa bahay dahil umuwi sa bicol yung bunso naming kapatid. Paggising ko sa umaga 4am magsasaing ako pangbaon nila ate sa trabaho pagkatapos nun magluluto na ako ng ulam namin para sa bfast pagkagising ng mga bata papakainin ko sila tapos maghuhugas ng pinggan na pinagkainan namin sa umaga, mag iigib ng tubig sa poso tapos papaliguan ang mga bata tapos magsasaing ng kanin at magluluto ng ulam sa tanghalian maghuhugas ulit at ganun nanaman gagawin ko kapag sa hapon iigib ng tubig para may pangpaligo sa umaga sila ate at magluluto ng hapunan kaya talagang halos hindi kona mahawakan ang cp ko dahil hawak siya ng anak ko para hindi siya iiyak kapag may ginagawa ako yung anak ko ko kasi may ugali gusto palagi akong nasa tabi niya pero kapag may hawak siya na cp wala yang pakialam sakin hahhaa Ayun maghapon kung ginagawa dito sa bahay palagi ngayon ay kakatapos ko lang maghugas ng pinggan pinagkainan namin sa hapunan kaya naman may oras na ako para humawak ng cp. Gusto ko lang din ishare dito ang mga bulaklak na kuha ng kapatid ko dun sa bahay nila sa bicol ang gaganda madami pa yan iyan lang muna sa ngayon dahil limang picture ang pinakamadaming pwedeng ishare yung iba bukas ulit hehe gaganda nila yung isa jan wild flower lang pero sobrang ganda pa din tingnan namimiss ko tuloy yung bahay namin sa bicol sobrang dami ding bulaklak ang tanim namin dun ni mama nung nabubuhay pa siya. Kamusta naman po kayong lahat? isa din ba kayo sa bigla nalang mapapangiti kapag nakakakita ng magagandang bulaklak? sana lahat kayo ay tapos na din kumain salamat kay god dahil nairaos nanaman ang araw na ito. #noisecashthebest #ilovebch

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.