read.cash Log in
@esciisc

Sa kalaliman ng gabi bigla na lang akong napabalikwas at nagising nang maramdaman kong wala ka sa aking tabi. Dahil di ko maramdaman yung init at kiliting nanggagaling sayo kaya pakiramdam ko kulang ako at di makakatulog pang muli. Ganito na lamang ba talaga kada gabi? Hindi ko alam simula't sapul kasi ganito na. Di ko alam kung kailan ko unang naramdaman na di ko kayang mabuhay at lalo na ang matulog nang wala ka. Ikaw ang kumukumpleto sa bawat gabi ko oh aking kulambo.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.