Kung bibigyan ka ng pagkakataon na burahin ang memories mo with a person na wala na sa buhay mo ngayon gagawin mo ba? Ako hindi. Bakit? Dahil kahit nasaktan man ako ng taong yun sa huli, there's this fact na naging masaya din ako dahil sa taong yun. I always believe na karamihan sa mga makikilala natin sa buhay ay temporary lang. Kumbaga, people come and go and as they go they will leave memories that we can remember for a lifetime, be it good or bad. So dahil nga temporary lang sila dapat seize natin bawat opportunity na meron tayo to create good and happy memories with them para kung sakaling wala na sila sa buhay natin, in a way or another pag nag reminisce tayo masasayang ala-ala ang babalikan natin. Maikli lang ang buhay sa ngayon so there should be no room for bitterness. Memories are like precious gems kaya naman dapat natin itong ingatan dahil katulad nga ng mahahalagang bato pwede itong magbigay ng kasiyahan sa atin depende sa pananaw natin sa buhay. Minsan naman merong memories na sobrang sakit at nahihirapan tayong i let go ito na kahit sobrang sakit ng naidulot nito sa atin hindi natin magawang makalimutan. For me, okay lang naman kung di mo makakalimutan yun, ang importante kapag naalala mo ang masakit na memory na yun, maiisip mo yung lesson na natutunan mo dahil dun. My point is, maganda man o hindi ang isang memory wag pa rin nating kakalimutan ito dahil part na 'to ng buhay natin. Learn from bad memories and treasure na good ones.
Naisip ko din yun. Hindi importante kung maganda o masama ang mga alaala na nabuo kasama ang isang tao. Oo nasaktanka nya, pero hindi ibig sabihin sakit lang lahat ng binigay nya. Wag kalimutan, na sa mga panahong gumagawa kayo ng mga alaala, may nabuo pa rin kayong masasayang alaala.