read.cash Log in
@errolmoako

Hoy gising na aasa ka pa sa crush mo hahaha. Bangon na at mag almusal para magkalaman ang tyan mo at magkaroon ka ng lakas ng loob na sabihin sa crush mo na gusto mo sya ayieee! Eto na naman po ako para mag pakita ng pagkain ko. Syempre dahil dukha lang tayo simple almusal lang ang nakahain yun na nga yung tuyo at itlog na may bonus pang sausage ewan. Ire-rate ko na naman yung mga breakfast ko lagi. 10/10 sa tuyo kasi mura na masarap pa yung tuyo na hindi maalat at maganda ang pagkakatuyo kasi nabilad ng maigi sa araw yung tuyo napaka versatile nya pwede sya sa almusal, sa tanghalian at syempre sa haponan. At in fairness sosyal na ang mga tuyo ngayon nasa garapon na minsan in olive oil or corn oil oh hindi ba sosyal pang mayaman na sya kasi parang spanish sardines naka garapon. Ire-rate ko ng 100/10 yung itlog kasi madami kang way to cook eggs, pwedeng sunny side up, pwedeng scrambled, pwedeng boiled, pwedeng egg omelette pwede rin sa eggplant omelette or tortang talong plus sobrang masustansya sya sabi nga ni Daniel Padilla "nasayo na ang lahat". Sausage naman ay irerate ko 9/10 kasi masarap siya kaso nga lang processed food daw ay nakaka cancer gawa ng may mga preservatives na carcinogenic. PS gumamit ako nung bilog na bakal para ma achieve yung perfect circle na sunny side up egg haha #Food #Photography #NoiseCash

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.