Maulang hapon sa inyo guys kumusta na kayo. Tinamad na ako maglaba kasi maghapon na maulan ayun naiwang nakababad yung labahin ko sa cr. Nanood na lang ako ng Netflix kanina at kumain ng kumain habang nakakumot kasi ang lamig. Dinner time na naglagay ako ng okra sa kaldero ng kanin pwede naman kasi isabay yung pag wala ng sabaw yung kanin nyo pwede nyo lagyan sa ibabaw ng okra madali lang naman maluto yun. Tapos nag prito ng tilapia na naman at boiled egg tag isa lang ang budget sempre madami kaming magkakapatid. May sawsawan ako na bagoong na nilagyan ko ng kalamansi at may kamatis din ako. Alam nyo ba na yung kamatis may vitamin c at lycopene na good for our heart at immune system? Yung mga buto itabi nyo at itanim sayang naman. Gusto ko tuloy mag inom ng mainit na inumin kasi ang lamig sobra at syempre sana may ka partner ako lalo na ngayong cuddle weather na! Good evening beautiful people of @noise.cash and #BitcoinCash community! To God be the glory. #NoiseCash
No comments yet