Eto na nga mga marites nagluto ako ng mani yung mahahaba isang kilo na miss ko lang yung may nginunguya habang nanonood ng movies kasi cuddle weather nga higa higa lang tayo sa bahay. Tamang nood lang ng mga series at movies sa Netflix or mga vlogs sa YouTube o tamang nood lang sa tiktok. Ngayon time na natin para irate ang mga mani. Yung normal na pulang mani 10/10 the best and original kahit saan meron nabibili gustong gusto ko talaga yung crispy fried bawang kaya nag rerequest ako lagi sa nagbebenta na isama yung mga bawang haha. Maning songsong 20/10 kasi nga bukod sa masarap eh healthy pa kasi steamed. Pampatalino daw sabi ng elementary teacher ko yung mani galing talaga mag sales talk kasi may sideline sya nagbebenta ng mani sa elementary school. Pero yung nga nabasa ko lahat ng nuts mayaman sa vitamins and minerals na kailangan para sa malusog na brain. Spicy na mani yung ordinary na pula ang balat 100/10 kasi sobrang bagay syang pulutan sa sobrang anghang nya mabubuhay katawang lupa mo at marerealize mo na di ka crush ng crush mo. Bagay tong maning to sa mga tagay, ibuhos na ang beer sa aking lalamunan! Not but not the least maning sugar coated 500/10 kasi mahilig ako sa matatamis. Ingat ingat lang kasi baka magka diabetes nasa lahi pa naman namin. May mga bago na ngayon yung may iba ibang flavor like garlic at barbeque yung mga typical na chicherya pero iba parin yung sa street binebenta kasi mas marami. #Food #Photography #NoiseCash
No comments yet