read.cash Log in
@errolmoako more from that month

Katapos ko lang mag workout syempre dahil may sakit ako sa baka pansin ko lang lumalaki tyan pero yung braso at dibdib ko ang payat lagi rin akong nanghihina at medyo violet yung kuko ko unlike sa mga healthy humans na mapula yung kuko at yung ilalim ng pilikmata sa baba. Ayun medyo masigla ako after working out tapos magana ako kumain kahit na minsan feeling ko yung ibang kinakain ko napupunta sa tubo na papuntang baga ko. Ilang araw na lang mauubos na yung gamot sa utak na pampatulog. Ayoko na mapanghinaan ng loob kaya ng Tita ko. Sabi nya improve ko daw sarili ko. Anyways tama na sa seryosong usapin balik tayo sa hilig ko ang kumain. Ngayong gabi dahil nga maulan at malamig dala ng hanging amihan, eto nag tinolang manok kami na nilagyan ko ng sandamakmak na dahon ng malunggay! Hahahaha sa katabing pader lang kasi namin ay elementary school na pero may space na pwedeng pagtamnan ng kung anong gulay so yun na nga dahil matangkad ako dali lang mag bali ng sanga di rin naman hilig ng mayari ang kumain nun. Kayo din kain ng masustansya at wag mag puyat gaya ng ginagawa ko nung kabataan ko pa kasi hihina resistensya nyo madali kayong magkakasakit. Pray nyo naman ako na mamayang gabi di ako magising sa ingay napuputol kasi mahimbing kung tulog. At para nadin po sa Tita ko na may sakit din, sama nyo na din kakilala ko na may seryosong sakit nangayayat na din sya gaya ko ayaw sabihin sakit nya eh pero natubuhan sya sa leeg dati kaya may peklat sya ngayon. Sa lahat ng may pinagdadaanan sa buhay tuloy lang para saan pa at sa darating na mga araw ay kaginhawaan ating mararanasan sa awa ng poong maykapal, ang ating Panginoong Jesus Christ! Good evening sa lahat to God be the glory. #NoiseCash

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.