read.cash Log in
e@elvic more from that month

Sa Gitna ng Pandemya

Simula ng kumalat ang pandemya at nagkaroon na dito sa ating bansa ay isang malaking pagbabago ang naganap. Merong negatibo at positibong epekto sa buhay ng tao. Subalit mas marami ang naging negatibong isipan ang nabuo sa isip ng tao. Lalo nang ipinatupad ang ECQ, wala kang maririnig na namumutawi sa bibig ng karamihan kundi ang reklamo kagad. Na dapat sumunod muna sa ipanatupad ng pangulo, Bagkus panay reklamo agad..di na nag isip muna. Ang di alam kasi ng karamihan kung bakit nangyayari sa buhay ng tao into. Simula pa lang nang pumasok ang taong 2020, dami nang nangyayari o nangyayari na di pangkaraniwan. Yan ay isa lamang paalaala ng lumikha sa kaniyang nilikha. Marami ng nakakalimutan ang tao, masyado ng abala sa pang araw-araw na kabuhayan. Kung papano sya makain, kung ano ang kaniyang daramtin at kung papano siya sasaya sa buhay pa lamang na into. Subalit merong isang bagay ang halos nakalimutan ng tao. Ang dahilan kng bakit nilikha ng Diyos ang tao, yun ang dakilang kaukulan ng tao, ang sambahin at paglingkuran ang lumikha sa kaniya. Subalit halos karamihan tao ay nakakalimutan na yun, ni ang magpasalamat ay di na makuhang gawin. Kaya ang Diyos na mismo ang gumawa ng paraan para ipaalaala sa tao. Marahil sa tingin ng karamihan at negatibo ang nangyari pag dating ng pandemya na into. Subalit kung babasahin mo mismo ang pangyayari, isang malaking positibo ang epekto nito sa tao na nilalang ng maylikha. Basahin nyo na lang po mismo ang ang epekto ng pangyayari na dulot ng epidemyang ito. Positibong pananaw.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.