Bawal ang utang
Noong isang buwan ay aking napag desisyunan na gamitin ang aking ipon upang masimula ng isang maliit na negosyo. Ang negosyong pinasok ko ay ang maging reseller ng frozen products ng Chooks to go. Siguro marami na din sainyo ang nakakakilala sa chooks to go. Nag simula ako sa maliit na puhunan na 5500 pesos. Ang minimum nila ay 5000 pesos. Marami rami din ang aking na order. Iba't ibang klase din. Nung una ay ako muna ang bumili ng sarili kong binebenta upang malasahan ko ito. At masarap naman talaga. Lalo na yung Fried chicken nila na may kasama ng breading at gravy. Meron namang bumibili pero kakaunti pa lamang dahil hindi pa alam ng mga tao na ngtitinda na ako. Dahil ito ay mga frozen products, meron lang itong shelf life na 2 weeks. May iba na umutang ng products at hindi pa ito nababayaran. Naiinis talaga ako kasi hindi naman ako ang ngpa.utang kundi yung pinsan ko na kasama namin sa bahay. Pati yung pinsan ko ay may utang din. Nanghihinayang talaga ako sapagkat hindi ko nabawi ang 5500 pesos ko. 5000 lang ang nabawi ko. Ngayon ay ng reorder ako pero worth 3000 pesos lang. Buti na lang pumayag sila. Ngayon nag iisip ako ng paraan para hindi ako ma.lugi at mapa.rolling ko ang puhunan ko? Any business advice po? Pa-help naman oh. May experience po ba kayo sa pagiging reseller? Thanks. :)ellimacandrea
9 comments
Ako ngrereseller ako noon, kaso hindi ako nagpapautang 😂 Pinaiikot ko lang kasi yung puhunan ko haha.
Yan din balak ko sis.. kya lng hirap kpg my iba kasama sa bahay..
yung kasi pinakamahirap sa negosyo yung utang utang haha.
Totoo sis. Ako nawawalan akong gana kapag ganun.. hahaha
yan talaga ang mahirap pag ka pumasok ka sa isang negosyo ang mautang ang mga produkto mo tapos walang kasiguraduhan kung kailan ka mababayaran hirap nyan lalo na sa panahon ngaun na pandemic at nag balik na naman ang metro manila sa mas mahigpit na community quarantine na mecq. Mas maganda sana sis kung hindi kana mag re seller try mo mag luto ng sarili mong mga produkto gaya ng mga meryenda or kakanin ang dami now na mga patok na negosyo na mapapanuod mo sa youtube at meron pa nkalagay na mga costing try mo kc hyun ang ping kaka abalahan nmn ngaung mag asawa hangat la pa me work.
Ai oo nga po ano. Sabagay. Maganda nga yan. Tatry ko po. Sana may mahanap akong madaling lutuin at mganda ang kita.. salamat sir sa advice.
always remember to set aside for bad debts. it is inevitable in business and have patience, don't expect to boom immediately, you have to start from humble beginnings. be determined and endure the possibility of losses along the way because from there you will learn.
Thanks for the advice. And encouragement. Actually, I was discourage to reorder due to the loss but then, i thought ill try to reorder and see how it will go. Again thanks.
You are welcome and Good Luck to your adventure. God bless.