Pagmamahal ng Isang Ina May kasabihan na Ang Isang Ina gagawin Ang lahat para sa anak. Bawat magulang ay iba iba Ang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa anak. Bilang Isang Ina sakripisyo sa kanya na iwan Ang trabaho para sa mga anak. Sa panahong maliliit pa Ang mga anak, Mahirap man na iwan Ang trabaho bagamat maganda Naman ang sweldo, subalit Wala namang makuhang Taga pag alaga. Hindi ba't Isa itong pagmamahal ng Ina sa kanyang anak? Ang isakripisyo Ang trabaho. Pagmamahal ng Ina sa anak na isakripisyong sila ay iwanan at mangibang bayan para mag alaga ng ibang bata. Lungkot at pighati di alintanana, maibigay lamang Ang kanilang pangangailangan. Habang lumalaki Ang mga bata, gagabayan at aarugain sila ng higit sa pag aalaga mo sa iyong sarili, kaya nasasabihan ka ng losyang. Ibig sabihin mas minahal mo sila kaysa sarili mo. Nasa ibang bayan ka man di mo talaga kayang tiisin na di masubaybayan Ang kanilang paglaki, salamat sa teknolohiya ngayon at naiibsan Ang pighati ng mga Ina na nasa ibang bayan. Tiis tiis pa Rin para sa kinabukasan ng anak. Sa paglaki ng mga bata at tumuntong sila sa edad na binatilyo o dalagita ,may sarili na Silang desisyon, ito Ang panahong higit na kailangan nila Ang pagmamahal at paggabay ng Isang Ina para sa aking sapantaha. Sa panahong ito pag di sila nagabayan ng wasto at Tama, malamang sa malamang ay mapariwara sila. Sa inang mapagmahal sila ay mapapabuti at magkakaroon ng kaalaman sa kung ano Ang dapat at di dapat na gawin, dahil iyan sa pangaral ni Ina. Salamat Kay ama, lola, o tita na siyang binilinan ni Ina na mag aruga at mag alaga Bago siya nangibang bayan. Magkaroon man ng Asawa at anak si anak, andiyan pa Rin si Ina na laging nakasubaybay. Hindi talaga matatawaran Ang pagmamahal ng mga Ina sa kanilang mga anak, iba iba man Ang ating pamamaraan.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet