SALAMAT O DIYOS KO. Eto ang katagang palagi kong sinasambit simula sa aking paggising, hanggang sa aking pagtulog. Isang salita, para ipaabot at ipadama sa ating Maylikha ang aking pagpapahalaga sa lahat ng biyayang walang sawa Niyang ipinagkakaloob sa akin at sa aking mga anak. Pasasalamat sa patuloy na pag-iingat at pagliligtas sa amin sa anumang karamdaman at anumang uri ng kapahamakan. Pasasalamat sa patuloy na pagpapatawad sa aming mga kasalanan. . Mangyari nawa ang lahat ayon sa Iyong kalooban. 🙏 . Salamat O Diyos ko. . Mapagpalang gabi po sa lahat. . . . #BuwanNgWika #WikangPilipino
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet