Larong Pinoy: Noon at Ngayon
Ibang iba na talaga ang panahon ngayon. Bihira ka nang makakita ng mga batang naglalaro sa kalye. Nakakalungkot mang isipin na tila unti-unti nang nakakalimutan ang mga tradisyunal na larong pamana pa sa atin ng ating mga ninuno.
NOON
Ang sarap balikan ang mga panahong ika’y naglalaro sa lansangan at nakikipaghabulan sa mga kaibigan. Yung ginagabi ka sa paglalaro at pag-uwi mo, jusko po! ang dungis at pawisan! Kay saya ng kabataan natin noon.
Heto ang mga tradisyunal na larong pambata na naranasan ko.
Tumbang Preso
Patintero
Tagu-taguan
Sipa
Luksong Tinik
Luksong Baka
Holen
Trumpo
Syatong
Sungka
Piko
Bangkang papel
Pero ngayon ang mga bata tila hindi na mga larong Pinoy ang nilalaro nila. Halos nasa loob na lamang ng bahay naglalaro sa kanilang mga kompyuter o kaya naman sa kanilang cellphone o tablet.
Share nyo naman kwento nyo noong kabataan nyo, mga experience at karanasan na hinding hindi nyo makakalimutan noong panahon na simple lang ang buhay ng isang bata.
Beautiful articles ❤️