TUESDAY IS LECHON MANOK Day! Dahil mahal pa rin ang isda sa market, napag'isipan kong mag lechon manok nalang muna. Haha! Epekto ng bagyo. Rason talaga ito na napapa'lechon manok ako. Parang pambawas stress ko nalang din. Pero nakaka stress ang mahal. Nag-i'stress eating kasi ako. Kaya tuloy tumataba ako lalo. Kapag stress kain ako ng kain. E' di mas na'stress dahil sa gastos. Hahaha! Happy lunch sa inyong lahat!
@deanny07 in November 2022
Ang saaaakit! Napaso ako sa kakahanap buhay. Gumawa ako ng popcorn pangtinda bukas sa canteen, pero sa kasamaang palad, nadikit yung balat ko sa may bandang kamay sa machine. Kaya ayan! Ganito siguro talaga kapag naghahanap ng pera galing sa marangal na pamamaraan.. Laban lang tayo! Mahirap maging mahirap ngunit mas mahirap manatiling mahirap.
Good morning pips.. Maaga na naman at ngayong araw ay balik eskwela ng mga kabataan at sa trabaho. Nakalimutan ko na tuloy gumising ng maaga dahil sa long weekend. Galaw-galaw na mga nanay.. Tara at maghanda na ng pang almusal at mga susuotin ni mister at ng mga anak.. #Wednesday
Pancit + Puto! Breakfast overload na, kasi daming carb. Minsan, pagkain nalang talaga ang nagpapasaya sa atin.. Agree ba kayo mga mommies? Hahaha 'wag na daddies, nai' stress kasi sila kapag kain ng kain ang mga mommies. Hehehe Kumusta? May natira pa bang biko at bibingka dyan?
Hapon na naman. Ang bilis ng oras. Maghahanda na naman tayo ng hapunan. Laban lang mga nanays.. Hehe lagi nating problema kung ano na naman ang ihahanda sa hapunan. Ang hirap maging super mom.. Daming obligasyon. Pero kayang kaya naman.. Tara na at simulan na nating mag isip ng hapunan. Hehe
Best combination! Bear brand milk + champion choco drink from energen.. Super love ko ang lasa at combination nga linamnam ng gatas at tamis ng choco drink nag ito. Kaso hinahati ko ang champion dahil sa sobrang tamis kapag inubos ang isang pack. Tipid tips na rin. Haha hirap kaya mag budget nuh! Lalo na mahilig tayong kumain.. Anong hapunan dyan mga sissy?
Viand for today. Fried marinated bangus. Mahilig talaga ako sa bangus, kasu minsan nalang namin ulamin dahil natatakot ako na baka matinik ang mga bata. Ang hirap pa naman kapag natinik sila. Nakakaphobia na talaga. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kasu namiss ko talaga bigla kaya kailangan kong sipagan sa paghimay. Hehe
Gamot namin sa ubo sa bukid. Kulabon or kalabo ang tawag namin sa tanim na ito. Kapag wala talagang pera panggamot sa baby na may ubo, pwede naman tayong gumamit nito. Dati nga wala namang gamot na iniinom ang mga ninuno natin. Tanging mga dahon2x lang gamit nila. Kaya sana kung wala tayong pambili ng gamot, huwag nating kakalimutan na gumamit ng mga alternatibong gamot. Yun lang po, salamat! 😁
Brown out is different from black out. Bakit daw kasi when we say black out, totally black lahat wala ng electric power.. Brown out kasi may mga places naman na may power. Dito kasi sa amin dahil daw walang kakayahan na pailawin lahat, kaya ang nangyayari, salitan ang pagkamatay ng electric power.. Na explain na to dati, inulit ko lang. Pa ulit2x din ang ang brown out. Hahaha kaya di ako maka move on.
Talbos ng kamote + pipino. Salad is life. Yung akala ko na pangit na ang lasa pero ang sarap pala. Mas piliin natin ang healthy foods para healthy din tayo. Puhunan natin ang ating katawan. Healthy talaga sa katawan ang mga green veggies, lalo na kapag green ang crypto world natin, healthy sa utak. Haha!
Sinagad ko na! Inubos ko nang lahat! Hahaha.... Tumaas kasi kaya naisipan ko nang i'sell. Birthday kasi ngayon ng mama ko kaya kailangan ko ng panghanda kahit kunti lang. So, bye2x na muna, kasi walang signal sa pupuntahan namin mamaya. Salamat sa maagang biyaya bch..
Thank you #BCH.. Dahil sa pagtaas mo, nakabili ako ng cake ni mother bells.. Iba talaga ang saya ng mga parents nila kapag naalala sila sa special day nila. Sana bigyan ka pa ng maraming birthday.. Pray lang na marami pang apo ang darating sayo.. Love2x!
Oh! Kay ganda! Oh kay ganda! Salamat Panginoon sa biyayang ipinagkaloob mo ngayong araw. Matatapos man ang araw, alam namin na may panibagong bukas na puno ng bagong pag-asa. Tara at maghapunan ng maaga para makapagpahinga rin ng maaga. Ingat po ang lahat..
Good morning everyone. Tara na at magluto. Monggo ulam namin ngayon. Lalagayan ko lang nitong malunggay, para mas healthy. Sarap talaga ng green leafy vegetables. Napaka healthy. Sigurading liliwanag at giginhawa ang buhay kapag may sinabawang gulay. Lunes na mga inay, tara! Galaw galaw na.. Asekaso na tayo ng pag agahan at pangbaon ng mga chikitong pa school..
Congratulations team ube! My super fav player.. Nakaka happy lang talaga kapag may iniidolo tayo, lalo na pagdating sa ka'cute'tan. Superbb! Haha ngayon lang naman talaga ako humanga sa isang kapwa babae. Pero ang cute talaga nitong baby D ko. Pinagseselosan na tuloy ito ng asawa ko. Haha sorry sya. Basta love na live ko to. Pampawala ng stress ko.
Dandandan!!! Sarap ng gulay. Siguradong buhay nyo ay magkakakulay.. Piliin natin ang kinakain natin. Dapat healthy palagi.. Para humaba ang buhay at umabot pa tayo sa pagtaas ng baby cyrptos natin. Hahaha hintayin nating maging milyonaryo na muna.
Captured earlier. Such a perfect view for a stressful day. Hanging out with friends is the best when you are stress with lot of works and stressful workmates. Haha! Pinaka nakaka'stress talaga yung kapag ang mga kasama mo ay nakakastress. Tsk! Tsk!
Dahil sa mahal ng halu-halo sa labas, naisipan naming maghalu-halo na version namin. Kasama ang barkada, kaya chaaraaan! O di bah! Want to sawa, controlado ang tamis at dami ng ingredients. Walo kaming kumain kaya devided by 8 din ang gastos. Tag 78 lang kami. Nakakain ako ng 3 big cups na halu-halo. Sulit na sulit..
Tawang tawa nan ako sa trending ngayong araw. Sigurado akong lahat ng government employees ay makaka'relate kung ano nga ba ang trendong ngayong araw. Oh! Ano na.. Nakapila na ba lahat? Bukas o sa weekend ay sabay2x tayong magpapa'rebond. Hahaha! Akala mo may bunos din ako nu? Wala ako nun? Pero si asawa ko meron at sa akin nya niririmit. Parang ako na rin kasi nagbunos.. #15thDay #NovemberDeFifteennn..
Hanggang ngayon ang haba pa rin ng pila. Hindi pa siguro nauubos ang bunos ng mga government employees. Sana all nalang talaga tayo. Sana all maring pera. Sana all malaki ang bunos. Kaya tayong ultimong tao na hindi pinagpala, tara! More kayod lang. Hehe Ang dami ko ring what if's sa buhay. Nakapagtapos naman ako ng kurso. Hindi nga lang pinalad na makapasa. Tapos nagka anak pa agad ng tatlo.
Mapapagod sa kakabilang sa barya at bente2x ko ang taga J & T. Dumating na ang dalawa kong parcel na pangbenta sa canteen. Salamat nalang talaga sa shoppe. Dahil dito nakakatipid at nakakadiscount ako sa mga paninda ko. Isang magandang araw, lalo na kapag nagbibilang ako sa mga barya2x.. Barya man ay naiipon din.
1,900 na barya ang naitabi kong kita for the whole week. Binawasan na lahat sa gastos at puhunan. Binawas na rin dito ang pang araw2x na ulam ng mga anak, pang ulam at pamasahe. Sa awa ng Diyos, malaki rin naman ang kita sa canteen. Dahil dito, hindi na ako nakaka utang, kasi solved na ang problema sa araw2x. Basta galaw2x at hanap lang talaga ng paraan kung paano kumita. Tiyak na giginhawa ang buhay..
Sunset.. Such a beautiful day indeed. Napakagandang pagmasdan ng sunset. Nakakawala ng problema. Nakakarelax ng isip. Ang sarap sa pakiramdam magkaroon ng moment with self. Charizzz.. Mas ramdam ko ang sarap kapag kasama ang sarili ko. Haha picture ko yan kanina. Ngayon ko lang na'post..
I always get victimized by financial scams online. I repeteadly get attracted to scams and I know I am no longer different from someone who always gets into relationship with wrong person who abuses me. The higher the return, the higher the risk. Invest wisely!