Oras ng pagmamahalan, isang tula.
Tiktak tiktak tiktak, tunog ng orasan Bakit ba ikaw ang gusto nitong paglaanan Paggising at pagtulog mo ay wag mag alangan. Pagkat oras ko para sayoy walang hangganan. May dalwang daliri na tila bang naghahabulan. Ayaw matapos, pagkat gustoy tuloy lamang Isang direksyon lang ang tanging pinupuntahan Patungo sa puso mong bunga ay kasiyahan. Paikot sa mga numero, walang katapusan. Parang pagmamahal na di mapigilan Pagkat baterya nitoy gawa sa lambingan. yiee. Wala na ko masabi kayat atin nang umpisahan Di maaaring ibalik, mga oras na dumaan Ngunit pedeng ipagpatuloy para sa bagong kasaysayan. Kung saan tayo ay masayat nagiibigan. Sa oras na tama at wala nang katapusan. Ang bateryang di namamatay pagkat gawa sa pag ibig Ang syang magsisilbing suporta sa daloy ng ating daigdig Kayat goodnight na at wag sana mahulog sa sahig Pagkat ikay magising at ang ating paglalambingan ay lumawig.
No comments yet