Kabataan Noon at Ngayon

9 37
Avatar for damelindz
4 years ago

Kung ikukumpara ang kabataan noon at ngayon, sino nga ba ang masasabi natin ang may mas masayang henerasyon?

Proud ako na sabihin na ako ay batang 80s. Masasabi ko na masaya ang naging kabataan ko. Lumaki kami na extended family kaya halos lahat ng pinsan ko eh kasama ko lumaki. Hindi ko makakalimutan ang mga kakulitan namin noon. Madalas kami pagalitan ng Tita namin dahil mahilig kami tumakas sa hapon lalo na pag pinapatulog kami. Isa sa mga hindi ko makalimutan na karanasan noon, minsan tumakas kami para pumunta sa plaza para manguha ng makopa. Nakasakay kami noon sa bike na may sidecar, yung pinsan ko ang nagmaneho tapos kami ng mga kapatid ko ang sakay kasama yun dalawa pa naming pinsan na maliliit. Tuwang-tuwa kami dahil madame kami nakuhang makopa, pero ng pauwe na kami hinabol kami ng aso, sa sobrang bilis na patakbo ng pinsan ko, sumemplang kami. Tawang tawa ako sa itsura namin noon lalo na doon sa 2 pinsan namin na maliliit pa. Kasi habang umiiyak eh sabay pulot din sa makopa na nagkalat sa kalsada, HAHAHAHAHA! Hanggang ngayon pag napag-uusapan namin yun pag may pagkakataon, tawang tawa pa din kami.

Madalas din kami noon maglaro sa ulanan, tapos maglalaro ng lutu-lutuan gamit ang putik kaya panigurado pag uwe namin, may pingot kami sa tenga, at kung mamalasin ay kurot sa singit ng terror kong Tita.

Hilig din namin laruin noon ang "shato, patintero, matayataya, chinese garter, 10/20. Doon sa larong chinese garter lage ako napipiling "mother" at hindi ko alam kung paano ko natatalon yung langit na level, HAHAHAHA!

Shato
Chinese garter
Patintero

Meron din kami nilalaro noon na "dampa", ewan ko lang kung pamilyar kayo sa larong yun. Palulundagin yun lastiko gamit yung mga palad mo, kung sino yung unang makakadikit or makakapatong sa lastiko ng kalaban, sya ang panalo. Madame kami noong naipon na lastiko, at ang dialogue lage ng lola ko noon ay "Ilalaga ko yan lastiko nyo at ipapakain ko sa inyo! "

Sa gabe naman, habang nanonood kami ng tv, hindi pa din mawawala sa amin ang laro. Nag-uunahan kami na makahula ng ipaalabas na commercial, ang matalo, may kaltok.

Eto yung kinalakihan ko na pinagbasehan ko sa kabataan noon.

Punta naman tayo sa mga kabataan ngayon. Dahil na din sa maunlad na teknolohiya, paunti-unti ng nawawala yung mga larong nakalakihan natin noon. Halos lahat ng kabataan ngayon ay may hawak na gadget. Pagkagising sa umaga hanggang sa pagtulog, cellphone or gadgets ang hawak. Hindi na din halos mautusan.

At dahil na din sa impluwensya ng mga nakikita nila sa internet ay lumalaking palasagot sa magulang, hindi ko nilalahat pero halos karamihan ay ganun. Madame din sa kabataan ngayon ang nalulong sa masasamang bisyo. Napapariwara sa buhay.

Kaya kung ako ang tatanungin, mas bet na bet ko talaga at mas masaya ang mga kabataan noon.

Gayun pa man, importante na eenjoy natin ang buhay natin habang tayo ay bata pa. Hindi na siguro importante kung alin ang masayang henerasyon. Ang mahalaga ay naging masaya at makabuluhan ang buhay natin habang tayo ay bata pa. Hindi natin maibabalik ang panahon, kaya maging masaya dahil minsan lang tayo bata.

Alaala na lamang ang pwedeng balikan, hindi ang panahon ng ating kabataan.

lahat ng larawang ginamit ay galing sa google

8
$ 0.58
$ 0.53 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @esciisc
Sponsors of damelindz
empty
empty
empty
Avatar for damelindz
4 years ago

Comments

I was born mid 1980s and I would say that being born on my time is more fun compared today.

$ 0.00
4 years ago

I agree with you, 80s kids are more generous, kind and respectful to the elders.

$ 0.00
4 years ago

Ako naman po ay batang 90s, masaya naman ang pagiging bata ko esp. nung nakatira pa ako sa lola ko, pero nung kinuha na uli ako nila mama dun na hindi naging masaya haha. From grade 2 onwards kasi puro aral, basa at housechores na lang ang inatupag ko. Nakakapaglaro din naman sa school pero di kasi ako sporty na bata kaya instead na makipaglaro tuwing recess or lunch time sa library talaga ako tumatambay kaya lumaking ignorante sa mga laro. Nalaro ko nga yang karamihan ng 'laro ng lahi' nung nasa 4th year na ko sa college and sobrang tawang tawa sakin mga kaklase ko kasi di ko alam kung paano laruin yung simpleng tumbang preso 😅

$ 0.00
4 years ago

Iba talaga ang saya pag lumaki ka sa poder ng lola.

$ 0.00
4 years ago

Agree po ako dito eventhough I'm not a 90's kid. I can say na mas masaya pa din dati. Kasi nung bata pa ako (2003 po ako pinanganak) ang mga laro lang namin is habol-habulan mga tumbang preso tapos bihira pa may gadgets nun. Masasabi ko din na mas maganda nung mga araw na yun kasi nageenjoy ka na paglalaro nakakapagexercise ka pa.

nakakalungkot na halos lahat ng mga bata ngayon hindi nararanasan yan kasi puro gadgets na yung hawak nila

$ 0.00
4 years ago

Wala na kong maidagdag pa dyan, lahat ng sinabi mo ay totoo..

$ 0.00
4 years ago

Hehe opo

$ 0.00
4 years ago

Napakasaya talaga ang kapanahunan na yan.masarap balik balikan

$ 0.00
4 years ago

True, lalo na pag nagkakaedad ka na. Gusto mong balik balikan yung mga panahon na yan.

$ 0.00
4 years ago