Join 81,880 users already on read.cash

Unexpected Talent

2 24 exc
Avatar for cxrxlxrts
Written by   44
7 months ago

“Ala ang galing mo!"

“Hoy ang bilis ng improvement mo"

“Hoy bakit ang bilis mo matuto? Yung iba 5 years bago makagawa ng ganyan na artworks tapos ikaw wala pang one year?"

Iyan ang mga narinig ko sa mga kaibigan kong artist din. Noong Grade 11 kasi kami alam nila na hindi talaga ako maalam magdrawing, tapos nagulat sila nung isang beses na nag my day ako ng portrait. Di ba mababa lang confidence ko noon, kaya noong nag my day ako hindi sya nakapublic, nakahide siya sa maraming friends (haha).

Hindi naman po sa pag yayabang pero nagresearch din po talaga ako tungkol sa ibang artist at ang nakita ko nga po ay matagal at madaming taon nga din bago sila nakaguhit ng isang magandang artwork. Pero yung artwork ko naman ay hindi talaga pulido pa. Napakarami pa ng kailangang iimprove at napakarami pa ng lapis na bibilhin bago makagawa ng isang maayos at magandang artworks.

Para lang po makita ang improvement, hayaan nyo po akong ipakita ang mga naging drawing ko simula March 2020. At maikling kwento na din sa bawat drawing. Nagsasabi po ako ng totoo, hindi ko po talaga inexpect na magkakaroon ako ng ganitong talent.

Pinakaunang guhit (March 28, 2020)

Diyan sa drawing na po na yan talaga ako nagsimula. Tulad ng lagi kong sinasabi, nadala ako ng pagiging mainipin kaya humanap ng mapaglilibangan. Freehand siya at satisfied naman ako kasi okay naman yung kinalabasan. Hindi na masama sa unang subok. At sumunod na dyan ay sumubok na ng portrait.

My love Sung Jae 😂 (04/01/20)

At ang aking mahal na si Sung jae na yung sumunod. Hindi po sya freehand. Gumagamit talaga ako ng grid lines sa mga portraits. Noong una, noong mga paapat na drawings ko na siguro, nawalan ako ng gana kasi sinasabi ng iba na daya daw ang grid lines. Pero may nabasa ako na hindi talaga daya ang grid lines kasi ginagamit yun para makuha ang tamang sukat at pwesto ng idradrawing. At naisip ko din na kung daya ang gridlines, edi lahat pala dapat ay marunong na magdrawing, kasi lahat ay pwedeng gumamit ng gridlines. Kapag may magsasabi siguro sa akin na madaya ka naman, gumagamit ka ng gridlines, gridlines lang naman ang dahilan kaya ka nakakadrawing, sasabihin ko siguro ay sige nga kung nakakadrawing lang ako dahil sa gridlines, itry mo nga din na magdrawing nang gumagamit ng gridlines.

Kahit kasi may gridlines mahirap pa din magdrawing, ay ako ba perfect na agad ang drawing? Di ba hindi naman? Kung daya talaga yung gridlines edi sana perfect na yung drawings namin. Malalaman mo na hindi sya daya kapag sinubukan mo na.

Siningit ko lang talaga yung gridlines pero ito na yung sunod.

Captain Ri (04/21/21)

Ito na yung next drawing ko, ang tagal din bago nakasubok ulit kasi 04/01 pa yung huli tapos ito, 04/21. Nakita ko naman yung improvement dito, yun nga lang nagkamali ako sa pag-aayos ng reference kasi akala ko okay lang pero napalapad pala yung pagshape ko. Dati kasi Microsoft word pa ang ginagamit ko sa paglagay ng gridlines, nung wala pa akong cellphone.

Liza Soberano (April 2020)

Kung sa mukha yung pag-uusapan, mukha namang nag-improve ulit ng kaunti. Medyo maayos naman yung mata at labi at noong WIP pa sya, sobrang saya ko na, ang ganda kasi ng mukha pero noong natapos, ayun na ayoko na magdrawing babae. Simula dyan hindi pa ako nakakapagdrawing ng babae na may mahabang buhok, kahit hanggang ngayon. Puro lalaki ang nadradrawing ko, kasi naman, ang hirap hirap ng buhok. Pero magkaroon lang ng oras, iyan naman ang aaralin.

Tito (May 2020)

Oo tama ka, ganon ako katamad magdrawing! Isa o dalawa lang ang nagagawa ko sa isang buwan. Tuwa din ako sa drawing na ito dahil nung mga pakulubot sa jacket, medyo ayos na kaya, ewan ko lang sa paningin nyo pero sa akin talaga, masaya na ako kasi medyo natututunan ko na sya. Ewan ko lang din pero yung improvement ko hindi ko maintindihan, minsan maayos na yung gawa tapos sa sunod biglang hindi na. Yung mas maganda pa yung huli kaysa sa latest na drawing, dapat kasi paganda sya nang paganda kasi improvement nga. Pero ewan ko nga lang din.

Darren (05/24/20)

Tulad nito oh, halata tuloy na pabasta na. Ito kasi ay sinimulan ko ng mga 12pm noong May 24 din. Birthday nya kasi nun tapos gusto ko din naman na kahit yan lang ay may maipakita (haha) minadali talaga kaya yung improvement ko parang value ng BCH. Alam nyo na yun.

Vince (08/01/20)

From May to August. Grabe no? Ang tamad. Pero nagsisi talaga akong sinayang ko yung ilang buwan. Napag-aralan ko na sana ang buhok. Kapag dinali ka talaga ng katamadan, wala kang magagawa. Pero masaya naman sa pagbabalik, nakasubok ng may kulay. Yung mga pangkulay na ginamit ko dito ay yung mga tira-tira lang, wala pa kasing pambili noon. Wala pa si pareng noise. May improvement naman di ba? (Haha)

Harry Styles (August 2020)

Saka ko lang narealize na anemic si harry, ang putla pala, pati kilay kulang sa pagkadark. Pero nako, ilang buwan itong nakatago sa drawer, hindi ko talaga maituloy tuloy dahil ng buhok, ang hirap kaya kulot-kulot pa. Pero kung shadings naman ang pag-uusapan ay tingin ko naman ay may kaunting improvement, dun sa leeg na part at sa damit nya.

Shawn (8/12/20)

Parang mas gusto ko kapag colored, tingin ko lang naman ay mas maganda sa paningin. Kahit di talaga nasunod ang skin tone. SATISFIED! Kayo na lang bahala humusga ah (haha)

Lee Min Ho (August 2020)

Yung buhok pinakagusto ko dito eh. Para sakin, para sakin lang ah, nag-improve na ako dito kasi medyo maayos na yung buhok tapos yung labi, tingin ko naman kumpara sa iba ay mas maayos pati yung kilay nya. Tapos yung shadings ko naman dito yung hindi maayos, masyado kasing mahirap ang skin tone ng mga koreano.

Tita sa twitter (September, 2020)

Oh di ba? Ang sakit sa mata nung buhok. Ayus lang, yung damit naman yung nagdala, sumakit kaya ang kamay ko dyan. Hindi man nakuha nang maayos ang buhok pero satisfied ako dito kasi nakuha ko nang maayos yung mukha (haha)

Swift (September 2020)

Ang tanda ko dito ako nagsimulang magseryoso. Yung hindi na ako nagmamadali sa pagguhit, yung hindi na ako nagseset ng oras na kailangan matapos sa loob lang ng apat na oras. Maaaring hindi maganda sa paningin ng iba pero para sa akin talaga maayos na ito . Ito kasi ata yung drawing na medyo nakuha ko nang maayos yung mata nya. Basta ang saya ko dito, seryoso (haha)

Harry Styles (October 24 2020)

Oh, sa dating Harry tsaka ito, may improvement naman diba? Ito talaga yung drawing na satisfied na satisfied ako. Sa sobrang satisfied ko sinulatan ko pa yung likod ng papel nyan ng “First drawing na satisfied" Gabi ko kasi yan ginawa at muntik ko nang hindi ituloy kasi sa mata kasi ako nag istart tapos noong una talaga tinatawanan ko lang kasi yung drawing ko mukhang nasuntok yung mata pero tinuloy ko pa din, at doon ko narealize na hindi porket hindi maayos ang simula ay magiging masama na ang magiging artwork. Hindi mo pala talaga makikita agad, dapat pala hintayin na matapos. Simula non, kahit nagdadalawang isip ako kung itutuloy ba yung drawing o hindi, tinutuloy ko na din kasi umaasa ako sa maayos na drawing.

Lola (December 2020)

At dito na nagsimula magdrawing ng hindi famous. Birthday gift ko sa lola. Noong nagdrawing ako nito, dun pa ako pumupunta sa bahay ng tita kasi walang tao dun, nakakahiya kasi magdrawing kapag may nakatingin. Pwede na to, maganda damit eh. Hindi, seryoso, satisfied din ako dito kasi noong una feeling ko puro artista at mga singer lang ang kaya kong idrawing. Malilinaw kasi ang picture nila, mahirap kaya pag malabo.

Baylosis Fam (December 2020)

Nagkamali ako sa tita, pero yung sa tito at pinsan naman ay okay lang. Birthday gift din ito, namali lang din ako kasi tatlo lang yung may borders huhu. Noong araw na din kasi ng birthday ng pinsan ko di pa ako natatapos dyan, minadali na din yung sa tita at sa background.

Cousin (January 2021)

At minadali na naman. Birthday gift ulit, at dahil masyadong tamad, saka na naman tinapos noong araw na din ng birthday, kaya ayun nagulo na ang skin tone dun sa braso. Pero gusto ko yung mukha, nakuha ko naman nang maayos tsaka yung sa cocomelon tsu tsu (haha)

At para sa huling drawing, Birthday gift para sa Lolo, grabe daw ako kasi hindi ko man lang daw inayos ang damit ng Lolo, naku sorry, hindi ko alam kung paano aayusin dahil baka magulo lamang at iba ang nasa reference. Ginagaya ko lang talaga yung reference pero aralin na din ang pag-iiba ng idradrawing para sa mga ganitong pictures.

Mula sa pinakaunang drawing hanggang dito, ang unexpected talent ay patuloy na nag iimprove. May oras man na tatamadin, madidisappoint at panghihinaan ng loob pero patuloy pa rin guguhit. Kapag artist may time na, satisfied ka pero yung mga makakakita ay hindi, meron naman na ikaw yung hind satisfied pero yung audience satisfied. Depende kasi yun, kasi minsan sa bawat guhit mo, matutuwa ka sa pagbabagong nagawa mo na minsan ay hindi mapapansin ng audience, pero ang mahalaga ay natututo ka at kahit unexpected yung talent, ay pinagpapatuloy pa din.

Aspiring ARTist, magpapatuloy hanggang maging successful!

4
$ 5.44
$ 5.29 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @rektflip
$ 0.05 from @Maestro02
Sponsors of cxrxlxrts
empty
empty
empty
Avatar for cxrxlxrts
Written by   44
7 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Yeah, totoong matagal ang process but it's worth it.

Naalala ko pa nung JHS palang ako ang hindi pa ako isang visual artist. Hindi marunong magdrawing ang teacher namin but napakagaling nya magcriticize ng artworks and through that natuto ako sa tulong ng aking sarili. The realizations and the experience itself can be our teacher.

You got the talent. I know mas malaking opportunity pa ang dadating sa iyo. Sayang hindi nga lang face-to-face and interactions ng mga tao ngayon but you can share your talent sa internet or through this platform. Naalala ko yung una kong article dito about arts din hanggang sa mga rants nalang kasi sobrang busy na sa studies. Isa ako sa naniniwala. Ang gaganda ng gawa mo at may mas igaganda pa iyan. Go for it. 🤗

$ 0.10
7 months ago

Hala, salamat Maestro. Pero yeah, laking tulong naman po ng noise, read and juungle, napapakita at nasheshare ko pa din ang artworks. Tsaka with bonus na kasi kumikita hahaha pandagdag din pambili ng art materials. Malapit na naman po ulit ang bakasyon, balik ka na po ulit sa arts hahaha galing mu diiiinnn💝

$ 0.00
7 months ago