read.cash is a platform where you could earn money (total earned by users so far: $ 771,197.32).
You could get tips for writing articles and comments, which are paid in Bitcoin Cash (BCH) cryptocurrency,
which can be spent on the Internet or converted to your local money.
cxrxl's screenshot of specimen zero on playstorecxrxl's screenshot of specimen zero on playstore
Specimen zero is a new trending multiplayer horror game. Yes, it is horror game but I actually find it funny. Especially when you're in multiplayer and you're with your friends, cousin or siblings.
For you to win the game you need to escape the place. But it's not that easy because you need to find some keys, key card, codes, dart, guns and etc in different rooms. There's a lot of rooms so it's difficult to find one. And of course, there are monsters.
In this article, I want to share the different kinds player that I encountered while playing haha!
The Matapang
The tago sa kama
The laging patay
The patintero player
The laging naliligaw
The CCTV
The kabado
The flashlight
The sigaw
The Matapang
Actually ako talaga ito eh, yung akala mo immune, pagkuha ng key, labas agad tapos kung saan saan pupunta tapos ending naligaw na din. Matapang na haharapin talaga yung monster tapos makikipaghabulan.
The tago sa kama
Sila naman yung nasa pinakaunang kwarto pa lang nagtatago na. Aba! Hindi pa nga nahahanap yung susi nasa ilalim na agad ng kama hahaha. Tapos sila din yung ang ingay sa laro, message ng message palibhasa nagtatago lang. Yun tuloy naaabala yung naghahanap ng baril. Ito pa, sila yung pagkalabas ng pinto, diretso agad dun sa sunod na pinto at hindi para maghanap ng keys or what pero para ulit magtago sa ilalim ng kama. Hays.
The laging patay
Sila yung hindi marunong tumakbo, makarinig lang ng monster, panic na agad. Akala mo naman ay kung aanuhin nung monster. May choice naman na tumakbo pero nauuna talaga yung gulat kaya ang ending, boom surprise, I'm dead hahaha.
The patintero player
Ang mga patintero players naman ay ang mga player na puro pakikipaglaro sa monster ang alam. Yung lalabas sila hindi para hanapin ang mga kailangan pero lalabas sila para hanapin yung monster at makipaglaro ng patintero, yun bang kanan, kaliwa sa pagtakbo na hindi malaman kung paano makakalusot sa monster.
The laging naliligaw
Puro message din talaga ang mga ito.
“Hoy nasaan na kayo?"
“Hoy saan ang daan papunta dyan sa kwarto nyo"
“Hoy balikan nyo ako, di ko alam saan pupunta"
Ganyan linyahan nila eh, ang babagal tumakbo at kung saan saan pa tumitingin kaya napagiiwanan at naliligaw. Ang ending mabubulok na sa isang kwarto kapag hindi nabalikan ng kalaro. Palagi na nga naliligaw, takot pa hahaha.
The CCTV
Ang mga player na ito naman ay yung taga bantay na lang ng CCTV, yung hindi na naeenjoy ang laro kasi pabalik balik na lang sa Cam 1 to 6. Tamang bantay lang sila tapos report. Kaso yung iba, hindi naman pala maalam magtingin. Sasabihin nila, “hala nandyan na yung monster, ayan na papasok na sa kwarto mo, dyan sa cam 1" tapos yun naman pala, wala sa room na yun ang monster kasi akala nya nasa cam 1 yung kakampi, ay nandon naman sa loob pa na kung saan walang CCTV.
The kabado
Sila naman yung mga hindi mapakali kung paano cocontrolin yung katawan nila, yung kakapasok pa lang din ay nakasunod na agad sa kakampi na akala mo'y maiiwan at mamatay agad. Yung wala pa nga ang monster pero kung makapagtago at makatakbo ay wagas. Haha.
The flashlight
Akala nila unlimited battery yung hawak na flashlight hindi alam na nalolowbat din. Napakatakot sa dilim, akala mo lagi may hinahanap pero ang totoo, natatakot talaga. Yung minsan kahit maliwanag na yung daan hindi pa rin nagpapatay ng ilaw haha.
At ang huli, The Sigaw
Kapag kasama mo lang sa bahay yung kalaro mo, mga pinsan or kapatid, matatawa ka talaga at hindi matatakot. Yung nakakita pa lang ng monster sa CCTV, sumisigaw na agad. Tapos mas malala pa kapag kaharap na talaga yung monster, akala mo may sunod kung makasigaw. Yung halos maibato na yung cellphone hahaha. Parang yung kanina lang, ilang beses kami napagalitan, kasi naman yung mga kalaro ko todo sigaw ay alam na may natutulog. Hindi na raw nakatulog ang nanay ko dahil sa ingay, tatawanan at sigaw namin haha. Sorry na po.
At iyon nga ang mga naencounter kong uri ng mga player kapag naglalaro ng specimen zero. Marami pa sigurong uri ng manlalaro, hindi ko pa lamang nadidiskubre dahil kagabi lang din ako nagsimula maglaro. At honestly hindi pa ako nakakaescape haha.
Nako, kung inyong susubukan, talagang napakasaya niyang laruin, di na sya nakakatakot kapag nakailang laro ka na. Lalong masaya kung kasama mo lang yung makakalaro mo dahil sa mga mukha at sigaw nila hahaha. Kaya naman, kung gusto mo rin maranasan sumaya sa isang horror game, aba ay magdownload na!
Sana makaescape ka! At kapag nakapaglaro ka, baka pwedeng bumalik ka rito at ishare kung anong klase ng player ka.
Pwedeng gawing online landing yan eh hahaha tiny ko maglaro pero di ko alam pasikot sikot, tapos nspaligiran pa ako ng 3 alien hahaha mga 5 minuto ako sa kama bago sila lumabas haha. Mweon pang isang laro eh ung The ghost maganda yun kase open mic, kaso lag kapag may magsasalita sa mic, ang maganda dun malawak mapa.
Nag-enjoy ako sa pagbasa ng artikol mo. LT HAHAHAHAHHA. Actually, di ko pa siya nalalaro haha pero sagabal lang sa akin yan sa memory ko wala man akong kalaro
Pwedeng gawing online landing yan eh hahaha tiny ko maglaro pero di ko alam pasikot sikot, tapos nspaligiran pa ako ng 3 alien hahaha mga 5 minuto ako sa kama bago sila lumabas haha. Mweon pang isang laro eh ung The ghost maganda yun kase open mic, kaso lag kapag may magsasalita sa mic, ang maganda dun malawak mapa.