Join 83,005 users already on read.cash

Philippines Mythical Creatures

13 35 exc
Avatar for cxrxlxrts
Written by   44
6 months ago
Topics: Creatures, Random

Naniniwala ba kayo sa mga aswang, kapre, dwende, manananggal at iba pa?

O minsan na ba kayong nakaencounter ng mga nilalang na iyan?

Kung curious ka tungkol sa mga yan, aba ay ituloy mo na ang pagbabasa.

Pero bago ang lahat, ikwento ko muna kung bakit nga ba ako nakapagsulat ng ganitong klase ng article. Kanina kasi paggising ko, nabalitaan ko na puro patay daw ang manok na inaalagaan ng tatay ko. Kaninang umaga akala namin labinglima lamang ang napatay pero naghanap pa sila tatay at bente pala ang nadali. Imagine, sobrang tagal bago mapalaki ang isang manok tapos yung naipuhunan pa dun ng mga tita at tsaka yung mga patuka pa, di ba nakakapanghinayang? So yun nga kanina ko pa iniisip yung tungkol dyan tapos habang nag-iisip ako, narinig ko yung kapitbahay namin na pinag-uusapan din yang mga manok na yan tapos narinig ko din na baka daw aswang yung may gawa nun. Aso na aswang daw, kasi noong isang araw lang daw ay may hinabol yung taga dito sa amin na aso pero parang di daw sya totally aso, para daw aswang. Kaya ayon, habang naririnig ko usapan nila, nagkaroon ako ng ideya kung ano ang isusulat haha.

So ang Mythical Creatures ay yung mga creatures which possess supernatural abilities na malayo naman talaga sa normal na realidad. Sila yung mga creatures na mahirap paniwalaan kung nag- eexist nga ba. Hindi ko alam kung naniniwala kayo ah, pero ako 50 50 haha. May time na naniniwala at may time na hindi. Minsan ay naiisip ko yung to see is to believe eh.

Ano nga ba yung mga iba't ibang creatures na yun? Ito alamin natin.

  1. ASWANG

Sa paniniwala ng mga Pilipino, ang aswang ay ang nilalang na kayang magpalit ng anyo, pwedeng aso o baboy o iba pa. Sila ay ang mga nilalang na kumakain ng lamang loob ng tao o hayop. At base sa aking source, may iba't ibang uri pa ang aswang.

  • Bangkilan- Ang mga bangkilang aswang daw ay ang mga aswang na magagandang dilag. Katulad ng nasa deskripsyon sa taas, sila ay may kakayahang magpalit ng anyo.

  • Karaniwang aswang- ang mga karaniwang aswang naman ay yung mga aswang na aakalain mong tao dahil mukha naman talaga silang tao haha pero kumakain sila ng lamang loob. At para malaman kung aswang ba o tao ang kaharap mo, tingnan mo lang sa repleksyon ng mata at kapag baliktad ang nakita mo, aba ay tumakbo ka na at aswang yan. Haha katakot.

  • Mananaggal- actually akala ko iba ang aswang sa mananaggal pero base sa naresearch ko, uri pala ng aswang ang manananggal. At ano nga ba ang mananaggal? Sila naman yung parang paniki sa gabi na putol o hati ang katawan. Ang alam ko ay, kapag bilog yung buwan nahahati yung katawan nila tapos yung babang part, yung kalahati ay naiiwan sa isang tagong lugar tapos yung taas na kalahati ay lilipad at hahanap ng bibiktimahin. Kung nakapanood kayo ng Pedro Penduko, may nakalaban si Pedro na mananaggal kung di ako nagkakamali ah tapos para ata mamatay yung manananggal ay kailangan mong lagyan ng asin yung naiwang katawan.

  • Tiktik- kagaya ng sa manananggal, akala ko rin ay iba ang tiktik sa aswang pero isa din pala itong uri ng aswang. At ang tiktik ay sila yung kayang pahabain ang dila at ang pinakatarget nila ay ang mga buntis dahil gusto nilang makuha yung sanggol. At napanood ko rin sa Pedro Penduko na kaya nitong makabutas ng bubong at doon nila sisimulang kuhanin ang sanggol sa loob ng tiyan. Ang kailangan daw gawin kapag ganon ay putulin ang dila ng tiktik

Actually marami pang uri ng aswang pero iyang apat na lamang ang isinama ko since hindi naman uri ng aswang ang title ng article haha. At syempre hindi nga pala ako bumase sa lung ano lamang ang alam ko, nagresearch din ako para makasigurado sa isusulat ko. Ito nga pala ang source.

Source: https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Aswang

  1. Kapre- Siguro naman pamilyar ang iba dito ano. Pero para sa mga hindi, ang kapre ay yung mga nakatira sa malalaking puno, mga higante sila, at may mabaho din na amoy haha. Common na sa mga tao na kapag nakarinig ng salitang "kapre" ay puno at usok o sigarilyo agad ang maiisip. Bakit? Kasi tulad nga ng nabanggit sila ay nakatira sa puno at duon naman sila nagpapausok o nagsisigarilyo.

Share ko lang since usapang kapre na din naman haha. Naalala ko lang sinabi ng nanay ko, pinuntahan nya kasi ang tatay dun sa may kubo, kasi nagbabantay ng manok si tatay tapos madilim na dun sa part na yun pero pumunta pa rin sya. Edi nakapunta nga tapos nung pabalik na bigla daw may bumato galing dun sa puno ng mangga. Haha kinikilabutan ako, 2:30am nagsusulat ako ng ganito haha. Tapos ayun nga natakot din ang nanay ko kaya ang ginawa, tumakbo na daw simula dun sa may puno hanggang sa bahay na ata namin haha.

  1. Tikbalang- Ang tikbalang naman ay yung nilalang na mukhang kabayo pero mukhang tao. Haha basta may pagkatao at may pagkakabayo kasi yung katawan nya ay parang sa tao pero ang paa ay parang sa kabayo. Ayon sa naririnig at napapanood ko, ang mga tikbalang ay minsang dahilan kung bakit naliligaw ang isang tao sa gitna ng kagubatan. Ang sabi-sabi ay pinaglalaruan ka daw ng tikbalang kapag ganon at ano ang dapat gawin upang mawala sa pagkaligaw? Pwede mo raw na baliktadin ang iyong suot at makikita mo na daw ang tamang daan at titigilan ka na ng tikbalang. Isa pa uling share haha. Bata pa lang ako ay naririnig ko na ang tikbalang at alam nyo ba na kapag mainit o maaraw tapos bilang umulan, tumitingin kami sa langit at sasabihing may kinakasal na tikbalang haha. Ewan ko ba pero ganyan talaga mga pauso dati eh.

At dahil kinikilabutan na nga ako, hanggang tatlong nilalang muna ang ibabahagi ko. Ipupublish ko na din sapagkat napakarami pang mga nilalang at kung pagsasama-samahin ko agad dito lahat ay baka magsawa kayo. Ito na lang munang tatlo since yung nakasama naman na uri ng aswang.

Hindi ko alam kung naniniwala kayo o hindi pero maganda na rin na may alam tayo sa mga ganito. Para matakot tayo haha kidding pero maganda talaga na aware na din tayo. Hindi tayo sigurado sa mga posibleng mangyari at hindi natin alam ang katotohanan pero maganda na yung handa, ika nga.

Sa ngayon ay, aswang na may mga uri tulad ng bangkilan, karaniwang aswang, manananggal at tiktik, Kapre at Tikbalang. Hanggang sa susunod na mga nilalang kaibigan. Wait for Part 2!

11
$ 2.89
$ 2.76 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Oz_
$ 0.05 from @dziefem
+ 2
Sponsors of cxrxlxrts
empty
empty
empty
Avatar for cxrxlxrts
Written by   44
6 months ago
Topics: Creatures, Random
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Tiktik ang madalas kong naririnig dito samin lalo na kapag may buntis, parang wak wak sila kapag malakas ang sigaw nila ibigsabihin daw nasa malayo pa pero kapag mahina na yung pag sigay nasa taas na ng bubong.

$ 0.00
6 months ago

Ganon din po dito kapag may buntis, lagi pa naglalagay ng mga bawang sa mga bintana😂

$ 0.00
6 months ago

Hahaha ganyan din samin tapos naglalagay panng ting ting 😅 pero nanghinayaanh talaga ako sa manok niyo 20 ang namatay. Makakadalawang handaan na yan sa birthday ei

$ 0.00
6 months ago

Kaya nga eh, hanggang ngayon di pa makamove on. Sayang panghanda na sana sa birthday kaso nauna na sila hahaha charot

$ 0.00
6 months ago

Ako sinasabihang dwende dahil sa height ko HAHAHAA. Hindi ako naniniwala sa mga yan kasi hindi pa ako nakakakita 😂

$ 0.00
6 months ago

Awit sa height haha. To see is to believe nga naman😂

$ 0.00
6 months ago

Yes yes. Hahaha

$ 0.00
6 months ago

Naku sayang naman nung mga manok nyo dami pa naman, ano pala ikinamatay?

$ 0.00
User's avatar Oz_
6 months ago

Aso po ata ang nakadali haha. Madaling araw po nung pinatay tapos ang lagi lang namang pauli-uli dun ay yung aso ng kapitbahay haha

$ 0.00
6 months ago

Pababayarin nyo ba yung kapitbahay? Kasi yung aso namin dati pinagbintangan rin pumatay sa mga alagang pato ng kapitbahay at ayon pinagbayad kami

$ 0.00
User's avatar Oz_
6 months ago

Hindi ko na po alam ang pulong nila eh pero mukhang hindi dahil yung may aso pa ata ang matapang HAHAHAH

$ 0.00
6 months ago

Abay pagbantaan nyo na ipa blotter para matakot rin, sila pa naka perwisyo sila pa galit😤 Anong gagawin nyo sa 20 namatay na manok nyo?

$ 0.00
User's avatar Oz_
6 months ago

Ay wala na po ganon na, sa tito naman po talaga sya actually pero si tatay po ang nag-aalaga. Hindi naman po kami yung sadyang may-ari kaya di kami ang magdedesisyon. Yun nga lang sayang yung oras na ginugol para mapalaki yung mga manok

$ 0.00
6 months ago