Join 81,877 users already on read.cash

Most Productive Week

2 9
Avatar for cxrxlxrts
Written by   44
1 month ago

“Ayoko na"

“Pagkatapos nito, quit na”

“Wala naman nangyayari, tama na”

Ang mga iyan ay ilan sa mga linyahan ko bago mag November 12. Tipong sobrang down na ako at naisipan na talagang magquit sa portrait pero habang nagscroll ako sa Pinterest, ang paboritong tambayan, may nakita akong picture ni Louis Tomlinson, isang member ng isang boy band group. Isa akong medyo fan ng One Direction, medyo lang haha. Ayun, nakita ko yung reference at nagandahan ako, sabi ko, pwedeng-pwede talaga ito at magandang idrawing. So ni-save ko yun at naghintay ng oras na wala nang kailangang gawin bago sinumulang idrawing.

Bago ko ipakita yung naging drawing, gusto ko muna na ipakilala ang One Direction, so katulad ng sabi ko kanina, sila ay isang boy band group from London, may lima itong members at yun ay sila, Harry Styles, Zayn Malik, Niall Horan, Liam Payne at Louis Tomlinson. Pero noong 2015 ay umalis sa grupo sa Zayn Malik. So ayun lang, mabilisang pakilala lang.

At nauna ko nga na idrawing si Louis kasi sya lang naman talaga ang balak kong idrawing noong una, at ito na nga.

Louis Tomlinson (November 12)

Ayan, medyo proud talaga ako dyan kasi after ng ilang palpak na portraits, ay nakaguhit din ako nang maayos. Hindi sya ganon kaperfect kasi may mga mali pa din ako pero syempre hindi naman kailangan na maging perpekto lagi, ang mahala ay yung nasisiyahan ka sa ginagawa mo. Ang kapal ng mukha kong sabihin to, samantalang dati lang palagi ako disappointed, pero ayun, hindi ko na ibabash ang sarili ko sa nagawa ko haha. (Simula ngayon habang nagsusulat ako) At yun nga, sinimulan ko sya ng November 11, mga 8-9pm siguro and natapos ng November 12, madaling araw.

Pagkatapos ni Louis, dahil nga natuwa ako sa nagawa ko, naisipan ko nang iguhit na rin yung apat pa na members, medyo kinakabahan talaga ako kasi baka bigla akong tamadin at hindi ko matapos yung lima pero ayun, nung November 12 ng 7pm, excited kong kinuha ang sketchbook ko at iba pang gamit. Kinuha ang phone at pinatugtog ang Equals na album ni Ed Sheeran. Yun talaga ginagawa ko bago magstart ng drawing, wala lang para siguro mawala ang katamaran. And then ayun, nag-grid na nga ako (yes po, ulitin ko ulit kung hindi mo pa po nababasa yung iba kong articles, nag grigrid po ako) Tapos yun, nagdrawing na ako at ito ang naging result. Natapos sya November, 13 ng madaling araw na ulit.

Liam Payne (November 13)

At hindi ko na alam kung ano pa ang mga sasabihin sa susunod pa na mga guhit dahil buong linggo naman ay yun lang ang naging routine ko haha. Pero ito may idadagdag na lang siguro ako, yung experience ko sa bagong drawing na hindi ko naexperience sa previous drawing. Ang sumunod kasi ay si Zayn Malik, ay si zayn kung kilala nyo, ang ganda ng mata at pilik nun di ba. So nakakagana syang idrawing, ganado ako haha, nauna yung mata tapos satisfied naman, hanggang sa itinuloy ko na ang buong mukha tapos ang saya saya ko na nang bigla akong napaisip kung paano ko iguguhit yung damit kasi naman, ang detailed mare. Hirap ako sa details, parang naiirita ako at naiinip haha. So ayun, ang ginawa ko, nilagyan ko ng lang ng charcoal yung buong damit dahil ang plano ko ay gamitan ng lang ng white pen yung mga kailangang i-white, pero, mas lalo akong nainis, ang hirap pala haha. Edi pinatungan ko ulit ng charcoal at naisipan na lang na burahin yung parts na kailangang i-white gamit ang electric Eraser at yun natapos din naman. At sa tulong ng Lord, naging maayos naman ulit. At ito yung result hehe. Sinimulan ko nga pala sya ng November 13, 7pm ulit at madaling araw ulit ng November 14 natapos.

Zayn Malik (November 14)

So ayun, sayang-saya na ako kasi di ako makapaniwala na tatlo na agad ang natapos ko, kasi ba naman, dati bago ako makatapos ng isang portrait, ilang buwan ang inaabot tapos ngayon, tatlong araw pa lang, tatlo na agad. O di ba ang productive.

November 14, sinimulan ko muli gumuhit. Ang pang apat na member naman ang sumunod. Dito, walang masyadong bago, kabado pa rin gawa ng mata, una pa lang feeling ko di na magiging maayos pero dahil nga ayaw kong umulit, pinagpatuloy ko lang. Joke, humiga na pala ako nung mga 11pm na kahit hindi pa tapos. Pero, hindi ako makatulog, parang pinipilit ako ng sarili ko na tapusin yung drawing para maachieve ko yung goal ko na makatapos ng isang portrait sa isang araw kaya ayun, bumangon din haha. So ayun, Kagaya ng mga nauna, una kong tinapos ang mata at sumunod ang buong mukha tapos yung buhok naman. Habang natatapos ang buhok, lumalawak ang aking ngiti (yun naman) haha kasi akala ko talaga di na sya magiging okay pero ayun, isa pa pala sa naging paborito ko sa lahat ng naiguhit ko.

Niall Horan (November 15)

Yown naman, isa na lang! Pero isa na nga lang ba talaga? Parang hindi eh.

Ang sumunod na iginuhit ko ay si Harry. Sinong harry ba? Si Harry Styles syempre pero bago ko yun ishare ay unahin ko na itong isa.

Harry Roque (November 16)

Ang Harry ng Pilipinas! “Wrong Direction” sabi sa isang comment.

Wala lang haha, natanong kasi ng pinsan ko after ko iguhit si Niall kung si harry na lang ba ang kulang, kaya ayun naisipan ko na lang na iguhit na din ito, pang aliw lang haha. Di ko na ito inayos kasi... Basta inaantok na ako, 4am na kaya ako natapos dito tapos dalawang oras at kalahati ko na lang sya ginawa kasi wala naman talaga akong balak na seryosohin ang drawing nato pero sa huli, medyo ayos pa rin naman at kamukha yung naging result. Pagkatapos na pagkatapos ko sa tunay na Harry saka ko yan iginuhit. Kabog, dalawang portrait sa isang araw.

Tapos ito na, ang tunay na Harry. Sa tunay lang din, ang hirap hanapan ng reference ni Harry, I mean, madami naman pero yung mata may hinahanap talaga na iba, (yung madali, joke) haha. Ang hinahanap ko kasi talaga ay yung dark ang damit para bagay sya sa nga previous na drawings at may nakita naman ako na ganon pero hindi ko naman gusto ang mga pose kaya sa huli, ayun parang hindi ko pa rin gusto ang reference.

Habang iginuguhit ko naman ito, doble yung kaba, ganon talaga kapag di mo ganon kagusto yung reference eh, parang feeling ko magkakamali talaga ako, hindi ko magagawa nang maayos at hindi magiging maayos yung result. Kasi iba talaga kapag gusto mo yung reference, parang may gana ka na tapusin or gawin nang maayos yung drawing. Basta ganon haha. So ayun nga, mata pa lang parang sabi na (dati pa 'tong panglalait sa gawa ko ah, yung sinabi ko na di ko na ibabash sarili kong gawa, magstart lang yung ngayon haha) So ayun, kita ko talaga na may mali pero dahil sa naranasan ko dun sa drawing kay Niall, sinabi ko na, hini ako uulit dahil hindi ko makikita kung ayos ba talaga o hindi kung hindi ko natatapos, kaya ipinagpatuloy ko lang hanggang sa matapos at sa tulong ulit Ni Lord, ayun sabihin ko na maayos pa rin naman yung drawing kasi nga di ba, hindi naman palaging perfect hehe. Sinimulan ko 'to ng November 15, 7pm ulit at natapos ng November 16, madaling araw. At ito ang result.

Harry Styles (November 16)

Hindi ko talaga akalain na sa loob lang ng isang linggo or limang araw pala, ay makakatapos ako ng anim na portraits. Grabi yun, from down na down to sayang-saya. Humingi talaga ako ng sign Sa Lord eh, sabi ko Lord, kung di talaga para sa akin to, ,bigyan Mo na lang ako ng sign para tumigil na, pero ito yung nangyari, so feeling ko naman, gusto Nya na ituloy ko lang ito. Dati sabi ko, matatapos na naman ang 2021 pero yuh portraits na nagagawa ko ay apat pa lang ata, pero dahil sa One Direction at one week na pagiging productive at syempre dahil Kay Lord, nadagdagan yung apat, ngayon ay sampu na. Hoping na yung ibang portraits na pinaguguhit ng mga taga rito sa amin ay matapos ko rin bago matapos ang year na ito. Para naman wala na akong problema next year (joke haha) Pero seryoso, gusto ko na yun matapos kasi nakakahiya naman kung isang taon na silang nagpapadrawing haha. Gusto ko rin kasi na maidrawing na yung nagpapadrawing sa noise.

So ayun, pray for me din po na patuloy na sipagin at next year ay makapag commission na rin kasi gusto ko po magkapera (sino ba naman ang hindi) haha. Gusto ko po magkapera para naman makabili ulit ng art materials kasi gusto ko rin po matutunan ang paintings so hopefully talaga na makapag commission.

Ayun lang po para sa limang araw na pagiging productive. Salamat po sa pagbasa at Sana ay na appreciate nyo oo ang aking guhit. God Bless!

5
$ 3.37
$ 2.95 from @TheRandomRewarder
$ 0.42 from @rektflip
Sponsors of cxrxlxrts
empty
empty
empty
Avatar for cxrxlxrts
Written by   44
1 month ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Praying for you..

$ 0.00
1 month ago

Thank you po 💞

$ 0.00
1 month ago