Join 91,772 users already on read.cash

Mga Estudyante sa Online Class

2 16
Avatar for cxrxlxrts
Written by   45
8 months ago

Hirap na hirap akong magsulat dahil hindi ko alam ang isusulat, nagpost pa ako sa noise.cash na wala akong masulat tapos biglang pumasok sa utak ko ang topic na ito. Kaya naman para sa article na ito, ibabahagi ko ang mga iba't ibang uri ng estudyante kapag online class. Ito yung mga napansin ko lang ngayong unang linggo at yung iba ay mga napansin ko noong ako Grade 12. (Nagtagalog na ako, baka tamadin pa ako pag english haha)

IBA'T IBANG URI NG ESTUDYANTE SA ONLINE CLASS

• “The palaging naka on cam”

• “The never nag on cam”

• “ The savior”

• “The pabibo”

• “The multitasker”

• “The kunwari nakikinig”

• “The laging late”

• “The nawawala kapag recitation”

• “The Good morning at Thank You po lang ang ambag”

THE PALAGING NAKA ON CAM

Sa title pa lamang alam mo na agad kung anong klaseng estudyante ito, syempre sila yung malalakas ang internet at hindi naka data lang. Sila yung gandang-ganda at gwapong-gwapo sa sarili haha joke lamang. Malalakas ang loob na mag on cam tapos maya maya ay may gagawing kakaiba na nakakatawa. Basta mataas ang confidence nila.

THE NEVER NAG ON CAM

Kabaliktaran naman ito ng nauna, kung merong matataas ang confidence, syempre meron din na sobrang baba naman ng confidence tulad ko haha. Kami yung kahit sabihan na ng professor na mag on cam, ay hindi pa rin mag o-on cam. Maliban na lamang kung sobrang strikto haha.

THE SAVIOR

Ang mga savior ay ang mga matatalinong nilalang na handang magvolunteer para sumagot. Sila yung taga basag ng katahimikan after magtanong ng teacher/professor. Sila yung makakapagpaluwag sa pakiramdam mo at makakapagpawala ng kaba sa tuwing may klase. Salamat savior, nang dahil sayo hindi na kami nagleleave sa meet kapag oras na ng tanungan haha.

THE PABIBO

Kahit online class na, hindi pa rin nawawala ang mga nilalang na ito, papansin sa online class tapos magjojoke pa waley naman. Ang daming alam na kalokohan makapagpabibi lang pero sa oras ng recitation, nagpapaalam na hindi aattend kasi nawalan daw ng kuryente.

THE MULTITASKER

Sila yung nakikinig daw sa klase habang naglalaro ng mobile legends, o habang nakikipagdaldalan sa messenger, o habang nag t-twitter. Sila yung kaya daw pagsabay-sabayin ang klase at iba pang gawain pero tanungin mo naman kung anong sinabi ni ma'am/sir ang isasagot ay di raw naintindihan. Salamat na lang kaibigan.

THE KUNWARI NAKIKINIG

Naka on cam habang nagkaklase si ma'am/sir tapos todo tango pa na akala mo'y naintindihan talaga ang sinasabi ng prof pero ang totoo'y hindi na naiintindihan at nakatitig na lamang sa screen, tamang hanap pa ng kaklaseng gwapo/maganda sabay pin at titig. Ayun talaga yun, nakatitig lang sa kaklase at hindi nakikinig.

THE LAGING LATE

Ari naman ay ang mga napakaagang gumising, mga 7:30am pa lang gising na, oh di ga'y kaaga. Pero yung klase talaga niyan ay 7am, papasok yan sa meet mga 8am na tapos pagpasok nyan, “Good bye po” at “Thank you po” na ang naririnig. Buti na lang matino pa ako ngayong week.

THE NAWAWALA KAPAG RECITATION

Sila naman yung medyo nawawala na kapag tapos na magdiscuss ang prof, yung bigla na lamang magleleave kapag nagtanong na ang professor. Halos kalahati ng klase nawawala kapag sinabi na ni ma'am/sir na oras na ng recitation. “Ma'am sorry po nawalan ng internet”. “Ma'am nagloko po kasi ang laptop ko”. Meron pang nasa meet naman pero kapag natawag ang pangalan, hindi umiimik na kunwari ay mahina ang internet at hindi narinig yung professor.

THE GOOD MORNING AT THANK YOU PO LANG ANG AMBAG

Sa umpisa ng meet, pagpasok, “Good morning po” tapos never na ulit umimik. Hindi mo alam kung nakinig pa ba. Karamihan sa estudyante ganyan, sa una at huli lang iimik, pag tapos na ang klase tamang “Thank you po” lang yan. Yun na yun, yun na ang ambag nila sa klase. At kung ako ang tatanungin mo? Aba! Ako yung walang ambag, yung kahit Good morning, po at opo, thank you po ay hindi ko nasasabi. Basta lang pumapasok at lumalabas ng meet.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin magawa na tanggalin ang hiya ko. Akala ko nung nagpandemic, nawala na ang hiya ko pero pagdating sa mga bagong kaklase biglang mahiyain na ulit. Nakakahiya ang tatalino nila, nakakahiysng magkamali. Pero sana maranasan kong umimik man lang o makasagot sa tanong ng professor ngayong first sem. Ayoko rin naman mabuhay ng puro hiya kasi alam kong kailangan ko rin makihalubilo sa iba.

Ikaw ba? Sino ka sa mga uri ng estudyante na nabanggit? Sana ikaw yung savior haha. Yun lamang at pasensya na po rito, susubukan ko ulit umisip ng maayos na tooic at susubukan ko rin mag improve. Let me know your thoughts in the comment section, that would help me a lot.

Hindi lang po makakatulong ang read.cash financially but makakatulong din po ito sa akin ngayong college para sa mga essays at iba pang activities in English and Filipino. Thank you po!

LEAD IMAGE FROM UNSPLASH ❤️

6
$ 5.94
$ 5.89 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @ZehraSky
Sponsors of cxrxlxrts
empty
empty
empty
Avatar for cxrxlxrts
Written by   45
8 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Tawa ako nang tawa sa description mo ng pabibo HAHAHA buti yung samin nalipat na ng ibang block. So wala na yung makapag on lang ng mic kahit wala naman kwenta saaabihin

$ 0.00
8 months ago

Sa amin, kami na po ang nag adjust hahaha, kami na ang lumipat ng block😂

$ 0.00
8 months ago