Join 82,431 users already on read.cash

Hiya noon, Tawanan ngayon

0 11 exc
Avatar for cxrxlxrts
Written by   44
7 months ago

Sa buhay natin, never mawawala yung pinaka nakakahiyang nangyari sa atin. Yung sa sobrang hiya, gusto mo na lang magpakain sa lupa. Yung halos tawanan ka na ng lahat dahil sa nangyari, magtitinginan sila sabay bulong sa katabi. Nako, buti na lang at pandemic, mukhang wala naman nakakahiyang nangyari sa akin ngayon taon. Pero gusto kong ibahagi yung iba't ibang kahihiyan na nangyari sa akin noon.

Mga Nakakahiyang pangyayari (wala akong maisip na title haha)

  1. “Manong Para, ay bayad pala"

  2. Ay! Saglit, sumabit

  3. Akala ko ikaw, hindi pala

  4. Naiuwi ang takip

  5. Nasiraan ng sapatos

  6. Ha? Nang Ha? Hindi naman pala kausap

“Manong para, ay bayad pala"

Grade 11 na ako noong nangyari ito. Alam nyo kasi, sobrang dami kong ginawa nung gabi kasi nagsabay-sabay din yung mga research at ibang activities tapos hindi na ako nakatulog nang maayos. Mga 2 hours lang siguro nakatulog, 4am na ata nung natulog ako eh tapos nagising ako mga 6am na, grabe dali-dali ako kasi malelate na ako. Mabilis naligo, kumain, nagtoothbrush at nagsuklay tapos takbo na para magintay ng jeep. Nung may nakita akong paparating na jeep, pinara ko agad tapos yun nakasakay na ako. Siksikan na sa jeep kasi tanghali na nga. Kumuha agad ako ng pera sa wallet ko para magbayad, tapos inabot ko dun sa manong sabay sabing manong para ho, biglang nagtinginan sa akin yung mga pasahero baka inisip nila, kasasakay pa lang nito, bababa na agad? Edi sabi ko kay manong, ay bayad po pala. Yung mga pasahero napatawa ng di medyo obvious pero kita ko yung pagpipigil ng tawa nila haha. Kakahiya, dami pa naman pasahero.

“Ay, saglit sumabit"

Ay, saglit sumabit, yan ang sabi nung isang pasahero nung time na bumaba ako ng jeep. Haha, bet na bet ang mapahiya sa jeep eh. Yung payong ko kasi nakalagay dun sa lagayan ng tubig sa bag. Yung nasa tabihan, diba may dalawang lagayan dun? Ay nung pababa na ako, hindi ko namalayan na nakasabit pala yung payong ko dun sa may bakal, nasa dulo kasi ako tapos pagbaba ko bigla akong napaatras pabalik dahil nga nung sumabit na payong. May dala pa nman akong laptop nun, buti hindi ko nabitawan hahaha tapos buti na lang hindi agad umandar yung jeep. Ang ginawa ko para matanggal yung sabit, umakyat ulit ako sa jeep nang paatras hahah grabeng kahihiyan na yun. Pagkatanggal sa sabit, dali dali akong tumakbo papuntang bahay pero yung mga tita ko nagtanong bakit dahil ako sumakay ulit sa jeep pagkababa haha, umay. Tapos naalala ko, yung kaklase ko pala kasabay ko sa jeep, buti na lang hindi tumawa hahaha.

Akala ko ikaw, hindi pala

Ito alam ko meron din sa inyo nagawa to haha. Yung magkakasama kayo ng kaibigan nyo tapos bigla kang napahiwalay ng di mo namamalayan tapos todo kwento ka ng kung ano-ano, tatawa tawa pa tapos pagharap sa kabila, napaakbay sabay tingin tapos tanong kung bakit hindi sumasagot, yun pala hindi sya yung kaibigan ko. OMG nakakahiya! Una, para akong baliw na nagsasalita mag-isa, pangalawa, inakbayan ko pa si ate tapos parehas kaming nagulat hahaha. Sorry ate, akala ko ikaw, hindi pala. Dali-dali kong hinanap kaibagan ko tapos kinuwento ko sa kanila yung nagyari sabay sisi sa kanila kung bakit nangyari yun haha, sila naman mauutas na sa pagtawa. Akbayan ko ba naman daw yung babae.

Naiuwi ang takip

Haha, alam nyo kasi, paboritong-pabirito ko ang fishball at Ice scramble noong bata ako, kaya pag may dumadaan na manong na nagtitinda ng fishball, tatakbo na agad ako. “Manong limang piso pong fishball" syempre lima lang, bata pa ako nun at di lagi binibigyan ng pera haha. Edi tinusok ko na yung fishball tapos sabay bukas nung lagayan ng sauce. Sa sobrang excited ko na isawsaw sa sauce yung fishball, hindi ko na naibaba yung takip ng sauce. Hawak hawak ko lang yun habang kumakain tapos umalis na ako dun sa bilihan kahit di ko pa nauubos yung fishball, sa daan ko na lang kinain. Tapos di ko pa rin namamalayan na hawak ko pa din yung takip haha. Nung paalis na yung magtitinda, hinahanap daw yung takip tapos nakita nila ako, sabi nila, bakit may balak ka pa ata na iuwi yang takip? Hindi naman yan nakakain. Sa sobrang hiya ko, binalik ko na lang yung takip tapos takbo na ako pauwi. Hindi man lang nagpaliwanag haha bata pa ako nun eh.

Nasiraan ng sapatos

Medyo may pagkahabol din ako sa galaan eh. Lalo na kapag pupunta sa mga kamag-anak tapos may kainan haha. So sumama ako sa mga lola ko na pumunta dun sa kamag-anak namin tapos ang sinuot kong sapatos ay yung galing ata ng ibang bansa. Kulay brown sya tapos yung ilalim ay black. Nung una okay pa naman, hindi nga ako naramdam ng sign na masisira ang sapatos eh. Pero pagdating namin dun sa kamag-anak namin, habang naglalakad, bigla na lang natanggal yung black, yun ilalim. Jusko, basta lang ata yun dinikit eh haha.Nagtawanan mga kasamahan ko tapos ako hindi ko na alam gagawin ko, kung huhubadin ko ba yung sapatos or what. Tawa pa din sila nang tawa tapos sinasabihan ako na hindi na daw ako makkauwi. Tapos napaisip ako, hala paano nga ako maakauwi nito? Alangan naman mag paa ako haha. Pagdating namin dun sa bahay ng kamag-anak, tinitingnan nila ako, siguro napapatanong sila kung bakit hawak ko yung ilalim ng sapatos ko haha. Pero buti na lang may extra silang slippers, yun muna sinuot ko. Tapos paano ako nakauwi? Yung sapatos pa din ang suot ko, hawak ko lagi yung black haha.

Ha? Nang Ha? Hindi naman pala kausap

Feel ko kayo din haha. Yung may kumaway na tao tapos may sinasabi sya pero hindi mo maintindihan kaya nag "ha" ka. Tapos nung lumapit na sya, biglang lumampas sayo tapos kinausap yung nasa likod mo. Hala lupa kainin mo na ako, sobrang kahihiyan na ito. Grabe akala ko talaga ako yun, mukha akong ewan dun nung time na yun like nakakahiya talaga. Feel ko kaya din lumapit yung lalaki dun sa nasa likod ko dahil napansin nya na nagreresponse ako sa kanya kahit hindi naman ako yung kausap nya hahah. Simula nun, hindi na talaga ako agad nagreresponse, tinitingnan ko muna kung may tao sa likod or sinisigurado ko muna na ako yung kausap haha.

Ayun nga yung anim na kahihiyang naaalala ko. Syempre marami pa yan pero hindi ko na lang matandaan yung iba. Ganon talaga, hindi nawawala sa isang tao ang kahihiyan. Pero that day lang naman talaga yun nakakahiya kasi alam nyo, after ng mga yun, kapag naalala mo ang mga nangyari, matatawa ka na lang talaga at mapapasabi ng bakit ko nga ba ginawa ang mga yun?

Kayo ba? I'm pretty sure na madami din kayong embarrassing moments, feel free to share it.

________________________

Here are my previous five articles, alam ko po na hindi pa ganon kaayos at kagaganda ang mga articles ko kaya naman po pakiintindi muna haha. Hoping pa din na soon, matuto at makapagpublish pa din ng maayos.

https://read.cash/@cxrxlxrts/a-day-with-darren-espanto-e8b6060d

https://read.cash/@cxrxlxrts/specimen-zero-different-kinds-of-players-2a63dafa

https://read.cash/@cxrxlxrts/idleness-equals-zero-bch-03f63b92

https://read.cash/@cxrxlxrts/2-years-of-being-a-member-of-gods-words-group-chat-8384c835

https://read.cash/@cxrxlxrts/im-still-into-you-80b98e6b

4
$ 0.13
$ 0.05 from @kli4d
$ 0.05 from @Cineholic
$ 0.03 from @dziefem
Sponsors of cxrxlxrts
empty
empty
empty
Avatar for cxrxlxrts
Written by   44
7 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments