Join 82,436 users already on read.cash

Excited to Exhausted

3 34 exc
Avatar for cxrxlxrts
Written by   44
7 months ago

Hindi mawawala ang excitement tuwing unang pasukan. Mapa-normal classes or Modular man, may excitement pa din. Excited sa bagong uniform, bagong bag, bagong lapis, papel at ballpen, bagong kaklase at kaibagan, lahat nakakaexcite. Nitong pandemic naman nakakaexcite kasi first time mafefeel yung modular. “Ano kayang feeling ng sa bahay nag-aaral?"

Photo from Unsplash

📆Week 1 and 2 of the first quarter

✏️Sa sobrang excited, bumili pa ng isang pad na papel, maraming kulay ng ballpen at highlighters. Excited sa pagkuha ng Learning Activity sheets at sabado pa lang nagsasagot na ng activities. Ala, sige todo effort. Ruler dito ruler duon. Highlight dito highlight doon. Sinagutan lahat ng tanong tapos hindi naman pala kailangan sagutan lahat. Kinopya ang tanong sa ibang subject hindi naman pala kailangan kopyahin. Sa ibang subject naman sagot lang ang inilagay, kailangan pala kopyahin ang tanong. Grabe ang excitement nung mga panahong yun.

📆Week 3 to 8

✏️Ganon pa din sa ibang subject, masaya at todo effort pero sa ibang subject, ayun bastahan na ang sulat kasi kinukulang na sa oras. Hirap na sa mga tanong at hindi na magkaintindihan pero go pa din. Matutulog ng 3am matapos lang lahat at makapagpasa lang ng complete. Pero nung mga week 7 na, hirap na talaga at halos tinatamad na pero wala, bawal sumuko kaya tuloy lang.

Natapos ang first quarter, Thanks God at nakasurvive. Noong kuhanan ng card, syempre nag effort kaya nageexpect ng medyo okay na marka. At ito yung nakuha ko sa lahat ng effort.

My first quarter grades

Disappointed sa Personal Development kasi sobrang nag effort ako dun tapos yung mga sagot ko kaya ang hahaba pa, ineexplain ko talaga lalo na yung mga weaknesses ko, ang hirap kaya iexplain nun tapos yung mga impressions pa ng kaibigan ko sa akin. Ang hirap kaya magtanong sa iba kasi nahihirapan din sil sagutin haha. Yung Physics at Chemistry naman ay di na ako nagtataka, di kami bati ng mga subject na yan naku po. So ayun, nakakuha lang ako ng average na 89.375. Sayang siya eh kasi kaunti na lang with honors na.

After niyan, nagkaroon kami ng isang linggo na pahinga. Sinulit ko na yun pero nainip din ako kaya ayun naexcite na naman akong magmodule kasi iniisip ko din kung paano ko pa pagagandahin at aayusin ang gawa at sagot ko. Inisip ko din kung pano ko mas pagagandahin pa ang sulat ko. Edi pagkatapos ng buong linggo na yun, balik module na naman kami

📆Week 1 and 2 of second quarter

✏️ Ayun nag-effort na naman ang estudyante ni maam, more effort pa lalo na sa Personal Development. Tsaka sa MIL, as in ginagandahan ko talaga ang drawings at portraits ko dun, buti na lang worth it yung sa MIL. Sa ibang subjects naman tulad ng Chemistry at Physics, medyo nagiging madali kasi salamat sa mga mababait na kaklase na nagsesend ng sagot. Nako, hindi na kailangan ang pataasan dahil ang magtulungan na ang mahalaga sa panahon ngayon. Ang tulungan ang mahinang kaklase na makaangat at makasabay sa pagpapasa dahil hindi lahat ay pare-pareho ng way ng pagsasagot at pare-pareho ng way of learning. Yung iba, hindi agad maintindihan ang topic, tulad ko sa Chemistry at Physics hahaha kaya kailangan ko o namin ng tulong para makapagpasa pa din ng complete. Palitan lang naman yan ng subjects eh. Hindi naman sya totally na panunulad kasi iniiba naman namin yung sagot, ang maganda lang talaga ay hindi na kailangang isearch pa or pag-isipan pang maigi kasi may idea na which is maganda kasi hindi na sya makakaconsume ng mas madaming oras.

📆Week 3-8

✏️Syempre tinatamad na talaga tayo niyan, lalo pa at may research tapos leader pa di ba? Pero buti na lang at masisipag ang kagroup ko sa reserch nung 1st sem. Tapos sa weeks na to patuloy pa rin ang tulungan, ewan ko lang kung may naitulong pa din ako sa kaklase ko, basta nagsesend lang din ako ng sagot hahaha.

At mas pinatamad pa kasi may mga sayaw pa at documentations sa pe plus yung experiment pa sa Chemistry pero yun nga hindi tayo pwedeng sumuko dahil walang mangyayari kung susuko.

Natapos din ang 2nd quarter at Thanks God ulit at nakasurvive. Sa kwento ko sa taas mukhang madali lang akong nakasurvive pero hindi talaga eh. Hindi ganyan kadali basta sobrang pagod at sobrang puyat ang dinanas ko sa pagmomodule. Pero minsan ay kasalanan din naman kasi mas inuuna ang ibang bagay. At ito nga pala ang naging bunga ng lahat ng pagod at puyat.

1st Sem Grades

Thanks God kasi nakabawi sa grades nung 2nd Quarter. Wala na yung line ng 8. Salamat sa kaklase dahil tumaas ang Chemistry at Physics hahaha. Pero alam nyo, hindi talaga ako totally masaya sa naging grades ko kasi feeling ko hindi ko deserve hahaha. Grabe no? Kanina hindi masaya dahil mababa tapos nung tumaas hindi pa rin masaya. Sorry pero wala kasi akong natututunan, parang lahat nakalimutan ko na. Yung iba, salamat google. Feeling ko kung face to face hindi ganyan ang marka ko. Ewan ko pero baka namiss ko lang pumasok sa school at pumasok ng normal.

Anyway, hindi ko nga po pala ibinahagi ang aking marka para magyabang kasi wala naman ipagyayabang, ibinahagi ko lang po para makita nyo yung result ng pagod at puyat ko at para na rin may mainspire kung sakali man hahaha pero sana meron kahit isa.

Edi panibagong sem na ngayon. Panibagong subjects pero yung chemistry at Physics ayaw ata kami tantanan kaya nandiyan pa din. Sa tunay lang kinabahan ako at parang ayaw nang magpatuloy pumasok kasi yung dalawang teacher namin feeling ko ang strict. Parehas pa naman na research hahah pero salamat naman at mabait pala. As in, di ko inexpect yung ugali nila lalo na yung lalaki, iniintindi pa din kami at dati pa sa tuwing magchachat ako, todo na yung kaba pero mapapalitan yun ng saya dahil sobrang bait nya kausap.

Pero hindi talaga masaya ang naging simula at hanggang pagtatapos ng 2nd sem first quarter ko. Lahat ng pagod andyan na. Puro rants na nga ako sa noise dati eh. Magiging madali lang sana kung walang research kaso sobrang hirap gumawa ng research lalo na kapag tatanungin mo yung mga kagroup mo at ang isasagot sa iyo ay “ayos na yan" “ikaw na bahala”. Seryoso ba sila? Alam mo yung pagod na pagod ka na tapos ganyan yung mababasa mo, sobrang nakakaiyak promise. Pero okay lang, ayos pa din ako magreply sa kanila, ay anong magagawa ko? Hindi naman ako yung tipo ng tao na sasabihan sila ng kung ano-ano dahil lang nireplyan nila ako ng ganon, pero ang nagagawa ko ay sa mga kaibigan ko ako nakakapaglabas ng sama ng loob which is mali kasi hindi ko dapat sinasabi sa iba yung problemado ko sa ibang tao kasi parang ang kinalalabasan ay sinisiraan ko sila. Pero sorry hindi ko talaga mapigilan na sa iba magrants kasi hindi ko kaya na direktang sabihin sa kanila na may problem ako sa kanila.

Hahaha napunta na dun ang usapan, so balik tayo sa modules. This sem iniyakan ko talaga to, hindi ko na alam ang gagawin sa capstone Research, halos malate na lagi kami ng pasa tapos ako pa yung gagawa nung output namin na dust pan with mini fan na hindi ko alam kung pano gagawing effective. Tapos may modules pa, sayaw sa pe, experiment plus yung mga posters pa tapos isa pang research. As in iniyakan ko talaga. Yung pagiging excited ko talaga napalitan ng pagiging exhausted. Yung halos gusto ko na lang magsuicide kasi feeling ko yun na lang ang sagot sa lahat. Seryoso naisip ko yun, pero hanggang isip lang kasi takot din naman ako. Palagi kong naaalala yung kwento ng kaklse ko na kapag nagpakamatay ka, never na maliligtas yung soul mo.

Never kong naramdaman yung ganong pagod kasi dati naman pachill chill lang ako at okay lang na malate. Pero ngayon kasi graduating at gusto ko talaga magkamedal kaya nag eeffort ako. Pero habang tumatagal, mas narerealize ko na hindi na importante ang mga yun, ang mahalaga ay yung sulitin ko ang mga araw at basta maging masaya lang ako. Ang dami kong nasayang dahil sa paggawa ng modules. Yung pagtulog na maaga hindi ko na alam kung ano yun kasi ang alam ko lang ay pagtulog sa madaling araw o kaya naman ay umaga or wala talagang tulog. Mapapagamot ba tayo ng grades na yan kapag nagkasakit na? Hindi naman diba? So better na gawin na lang natin ng normal at wag na mag effort pa ng todo. I'm not telling this para pagawain ka ng walang effort or bastahan na, ang sa akin lang, isipin mo din yung health mo tsaka yung mga nasasayang na oras. Okay lang naman na mag effort basta nagkakaroon pa din ng time sa sarili at hindi napapabayaan ang health.

To end this article, gusto ko lang ishare yung natutuhan or narealize ko sa halos sampung buwan na pagmomodule. Okay lang maging excited kasi normal naman yun pero wag lang sana na sa sobrang pagkaexcited ay itodo yung effort at mauwi sa pagiging exhausted.

Mas mahalaga ang health at time sa sarili, family at friends kaysa sa grades. Grades are just a number charot hahaha. Syempre mahalaga din ang grades pero mas mahalaga talaga ang health at time.

Narealize ko din na sa panahon ngayon, hindi na mahalaga ang pataasan dahil ang mahalaga ay ang tulungan at sabay sabay na pag-angat ng bawat kaibigan at kaklase. Kaya kung may kaibigan ka man o kaklase na mahina, subukan mong tanungin kung kaya nya ba o kailangan nya ba ng tulong kasi panigurado nahihirapan na yan at nakakaramdam na ng sobrang pagod. Hindi man yan nagsasabi pero yan yung nararamdaman nya.

Congratulations nga pala sa mga Grade 12 Students na grumaduate at gragraduate pa lang. Congrats at natapos o matatapos na natin ang napakahirap at nakakapagod na school year na ito. Hoping pa rin sa pag-akyat ng stage. Di ko talaga bet ang virtual graduation hahaha. And Goodluck to our next journey! Habang tinatype ko to nararamdaman ko na naman ang excitement, kaba, at lungkot. Lungkot kasi natapos na yung school year na di man lang nakita ang kaklase at teachers. Hindi man lang naenjoy dahil puro module. Hoping na matapos na ang pandemic! Congrats ulit and Goodluck!

3
$ 0.01
$ 0.01 from @Fanny77
Sponsors of cxrxlxrts
empty
empty
empty
Avatar for cxrxlxrts
Written by   44
7 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Matataas naman ang marka mo ahh. Good luck sa future!

$ 0.00
7 months ago

Okay naman po hehe nung first lang nagtaka lang ako na sa Personal Development ay ganon, todo effort naman ako hahaha

$ 0.00
7 months ago

hehehe okay lang yan, sabi mo nga grades are just numbers. It won't define who you are and after all your future don't depend on it, your perseverance and desire does. :)

$ 0.00
7 months ago