Join 82,436 users already on read.cash

Electronics Engineering vs. Architecture

12 13 exc
Avatar for cxrxlxrts
Written by   44
7 months ago
Topics: Life, Decisions

Bata pa lang may kanya-kanya na tayong pangarap. Yung iba, yun talaga yung pangarap pero yung iba naman, nakigaya lang sa katabi noong tinanong ng teacher kung ano ang gusto paglaki.

Natatandaan ko pa noong ako'y nasa ikalawang baitan, nagtanong ang teacher

Teacher: O mga bata, isa-isa ko kayong tatanungin kung ano ang gusto nyo paglaki.

Ako: *kinakabahan at hindi alam ang sasabihin.

Katabi ko: Teacher po ang gusto ko paglaki

Teacher: O, ikaw naman Carol, ano ang gusto mo paglaki?

Ako: Hmm, teacher din po.

Ang totoo'y ginaya ko lamang ang katabi sapagkat hindi ko talaga alam ang aking gusto. Wala talaga akong gusto noong mga panahon nayon. Wala naman kasi akong alam pa. Pero dahil nga sa katabi ko pagiging Teacher na ang naging pangarap ko hanggang noong maging Grade 7.

Pagdating naman ng Grade 8 ay naging interesado ako sa pagiging Inhenyero, ngunit hindi ko alam yung partikular na gusto ko. Inhenyero oo, pero hindi ko alam kung anong klase ng pagiging Inhenyero dahil wala din akong alam pa sa mga yon. Ang alam ko lamang yata ay ang Civil Engineering.

Noong Grade 8 din ay pinapili kami ng major na gusto namin, yung para sa STVE ba. Ang totoo'y gusto ko ang Technical Drafting, ngunit wala akong kumpiyansa sa sarili at puro negatibi lamang ang nasa isip.

“Hindi ko kaya masyadong madaming ginagawa duon"

“Hindi ko kaya, puro drawing"

“Hindi para sa akin yun, tamad ako"

Palagi akong takot at puro negatibo ang nasa isip kaya sa huli ay napagdesisyonan na gayahin na lamang ang kapatid. Ang kunin ang major na EPAS o Electronics.

Sa totoo lang ay nagagalit at naiinis ako sa sarili ko noong mga panahong yun dahil hindi ko man lang kayang magdesisyon nang maayos para sa sarili. Lagi ko na lamang ginagaya ang iba. Parang buong buhay ko puro na lang pagsisisi dahil sa mga bagay na tingin ko ay mali ang naging desisyon ko.

Pero ayon nagpatuloy ako sa pagiging electronics at habang tumatagal, nagugustuhan ko ang major na yun. Ang cool lang gawin ng mga pcb board na may iba't ibang kulay ng ilaw. Yung paghahanap ng sirang electric fans sa buong campus para gawin tapos kapag nagawa bibigyan pa ng teachers ng pang miryenda. Yung paghihinang, pagcoconnect ng wires para mapagana ang washing machine, lahat ng yon naenjoy kong gawin. At kung noon ay nagsisisi ako, ngayon hindi na dahil nagpapasalamat na ako na dun ako napunta.

At ngayong magcocollege na, pahirapan na naman sa pagpili ng course. Nakakabaliw haha. Yung tipong gabi-gabi mong iisipin at ipagdadasal yung tamang course. Noong G10 kasi nasa isip ko ay mag Mechanical Engineering tapos naisipan ko din ang Civil Engineering. Tapos noong nagpandemic natuto akong magdrawing at dahil don parang pumasok din sa isip ko ang pagiging Architecture. Dumagdag pa yung mga nakikita kong Plates ng Architecture students, napakagaganda at parang napapangiti ako kapag iniisip na balang araw makakagawa din ako ng ganon.

Papalapit nang papalapit ang Admission sa Batangas State University at hindi ko pa rin napagdedesisyonan ang kukunin. Halos araw araw pinagkukumpara ko ang Civil Engineering, Mechanical Engineering, Electronics Engineering at Architecture pero tinanggal ko rin sa pagpipilian ang naunang dalawa dahil una, wala naman akong backgrounds sa Civil Engineering at Mechanical at pangalawa, mas nakikita ko ang future maalin sa Electronics at Architecture.

Natira ang dalawa, gabi-gabing nagdadasal, Lord, alin ba ang para sa akin, Lord bigyan mo naman ako ng sign. Lord hindi ko alam kung alin dito, Ikaw na po ang magdesisyon para sa akin.

Pinagkumpara kong muli ang dalawang kurso.

Electronics Engineering

  • Masaya ako dito, naeenjoy ko ang ginagawa ko dito

  • May backgrounds na ako dito kahit papaano, alam ko na yung mga basics at matututunan pa naman siguro yung iba

  • Mas madami siguro ang opportunity ko dito

  • Mas boto dito ang nanay ko, para daw hindi na mahirapan

  • Matagal ko na itong alam

Yung pumipigil lang talaga para piliin ko ito ay ang pagguhit ko at ang Architecture haha

Architecture

  • Masaya rin ako sa pagguhit at naeenjoy ko rin

  • Maalam naman akong gumihit pero hindi lahat ng medium ay nagagawa ko, lalo na sa painting, kahinaan ko iyon

  • Hindi ganoon kadami ang opportunity, lalo na dito sa Pilipinas

  • Ngayon ko lamang natutunan ang pagguhit

  • At isa pa ay, hindi naman ang pagguhit ang pinakakailangan dito. Kailangan kong mag isip ng mga disenyo ng mga bahay at gusali. At yun ang hindi ko rin gaano gamay. Mahina ako sa disenyo

Ang nagtutulak lamang talaga sakin na piliin ang kursong ito ay ang pagguhit at ang panghihinayang kung sakali mang marealize ko na ito pala talaga ang gusto ko.

Pero sa huli, eto

Nanalo ang Electronics Engineering, masaya naman ako kahit papaano dahil sa wakas, nakapagdesisyon din ako at yung desisyon na ako talaga ang pumili at yung gusto ko talaga. Ilang buwan na lamang ay magsisimula na ang journey ng Engineer ng inay.

Sa buhay natin, napakalaking parte ng ating desisyon. Dapat bago tayo magdesisyon ay pag-isipan muna atalagang mabuti at hindi yung magdedesisyon agad dahil nadala ng kung ano o kung sino man. Palaging pag-isipang mabuti dahil nasa huli ang pagsisisi

Sponsors of cxrxlxrts
empty
empty
empty

5
$ 2.27
$ 2.15 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Laurenceuuu
$ 0.02 from @Caroline17
Sponsors of cxrxlxrts
empty
empty
empty
Avatar for cxrxlxrts
Written by   44
7 months ago
Topics: Life, Decisions
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Ang galing mo naman talaga pinag isipan at sinigurado sa sarili mo kung ano ba talaga ang gusto mo pag aralan.hindi madali pero pag may panagarap ka talaga kakayanin kahit anong hirap at dami sagabal na dumaan.proud of you good luck sayong bago simula.

$ 0.00
7 months ago

Ay kakatuwa naman po ito. Yes po, talagang pinag-isipan po at nahirapan po talaga sa pagpili kasi mahirap na baka magsisi kapag nasa kalagitnaan na ng college HAHAHAH Salamat pooo

$ 0.00
7 months ago

Good Luck po alam kong kayang kaya mo yan basta may pangarap at nag pupursigi lahat matatagumpayan. Ako ang pangarap ko nung ako bata pa ay maging abugado ngunit hanggang pangarap na lamang iyon dahil wala kaming sapat na pera para makapag araw ako hehe pero ngayon pangarap ko nalang ay makapag tapox ng college ang aking mga kapatid . Dahil tinapos ko lamang ay K to 12

$ 0.05
7 months ago

Salamat pooo. Mahirap po talaga kapag ang kalaban ay ang financial problem pero good thing po nakakapag-aral yung mga kapatid mo. Masarap na din po yun sa pakiramdam

$ 0.00
7 months ago

Tama ka po dyan gustuhin ko man mag aral pero kapag nakikita ko ang kapatid ko ng nakakapag aral naman sarap din sa pakiramdam 😊

$ 0.00
7 months ago

Goodluck to your chosen course! Maganda talaga dahil pinag-isipan mo ng mabuti. Sana all BSU!

$ 0.05
7 months ago

Thank youuu hahaha. Yaaasss buti nagkaroon ng slot hahaha. Goodluck din sayoooo

$ 0.00
7 months ago

Sana all may school na, wala pa ako Hahahaha sa 15 pa malalaman pag di ako nakapasok di na ako mag-aaral joke hahahaha

$ 0.00
7 months ago

Hahaha ganyan din sabi ko dati nung nagiintay pa lang ng result😂 Pero for sure naman makakapasok ka dunnn

$ 0.00
7 months ago

Kinakabahan nga ako, late kasi ako nakapag-inquire kasi matagal magbigay ng card sa school namin. Eh dapat paunahan dun limited lang kasi slots.

$ 0.00
7 months ago

Aw, prayer is the key💝 Wala talagang imposibleeee

$ 0.00
7 months ago

Yes hehe😄

$ 0.00
7 months ago