Why Don’t Jehovah’s Witnesses Celebrate Christmas? Mga maling akala Maling akala: Hindi naniniwala kay Jesus ang mga Saksi ni Jehova kaya hindi sila nagpa-Pasko. Ang totoo: Mga Kristiyano kami. Naniniwala kami na ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ni Jesu-Kristo.—Gawa 4:12. Maling akala: Pinaglalayo ninyo ang magkakapamilya dahil pinagbabawalan ninyong mag-Pasko ang mga tao. Ang totoo: Napakahalaga sa amin ng pamilya, at ginagamit namin ang Bibliya para patibayin ang buklod ng mga pamilya. Maling akala: Hindi ninyo nararamdaman ang “diwa ng Pasko”—ang pagbibigayan, kapayapaan, at kabutihang-loob. Ang totoo: Sinisikap naming maging mapagbigay at mapagpayapa araw-araw. (Kawikaan 11:25; Roma 12:18) Halimbawa, kapag nagpupulong kami at nangangaral, sinusunod namin ang tagubilin ni Jesus: “Tinanggap ninyo nang walang bayad, ibigay ninyo nang walang bayad.” (Mateo 10:8) Bukod diyan, itinuturo namin na tanging ang Kaharian ng Diyos ang magdudulot ng kapayapaan sa lupa.—Mateo 10:7. visit jw.org for more information or pwede mo po akong i message! thnkyou! ❤️
No comments yet