morning morning ano ba to bigla na lang umulan buti nalang at mahina lang. tapos na akong magluto ng uulamin para sa aking mga estudyante, ang tanyag na ham at scrambled egg. gising na rin ang mga estudyante naliligo na kahit malamig ang tubig. balik ako mamaya ha aasikasuhin ko mula sila, sumaglit lang ako😀
@chellzplenos in October 2022
GISING GISING NA sa mga parents at students diyan naka-alis na ba kayo? bilisan niyo na ang kilos para hindi matraffic sa daan. chocolate moist cupcake nga pala ginawa ko kagabi para pandagdag sa paninda ko 6 pesos lang yan at sa improvised oven ko lang siya niluto, hindi na sila lugi ako ang lugi ata hahaha. pero ok lang malilibre naman ang snacks ng mga junakis ko. ako muna ang tatao sa tindahan dahil si panganay ay maliligo at kakain pa yun😀
HAPPY TEACHER'S DAY🥰 good afternoon. happy teacher's day to all the teachers out there. ito nga pala ang paninda ko kanina naubos agad mura lang yang mga bulaklak yang walang pink sa gitna 1 piso tas yang may pink 2 piso lang. pati mga chocolate ko na choco mucho ubos din. tulog muna ako kunti kasi napagod, kahit walang pasok bukas magbubukas ako ng tindahan pero hindi na maagang maaga
BIG BITE IN 711 morning morning. kamusta mga kaingay? kagabi pala yan pumunta kami ng 711 ng mga bata. binigyan ko sila ng rewards yan lang kasi wala pang budget para jollibee😀. masaya at kuntento naman sila kasi isa din naman yan sa paborito nila, enjoy enjoy lang pag may time. laba mode muna ako mga kaingay
NAKAGALA SI BUNSO gandang gabi kaingay? kamusta kayo diyan? ano sagot ko diyan, ako ay napagod sobra. sumama kasi si bunso sakin para bumili ng kunti para sa tindahan. naisipan kong palaruin siya dito kasi maraming bata baka makikihalubilo na siya sa iba. yun ang akala ko habang nagfifill-up ako ng registration ayaw niyang pumasok nagtatakbo siya sa labas kasi ayaw niyang pumasok. nag-alala na si ate kasi nga nagstart na akong magfill-up, pwde siyang gamitin bukas pero need…
MIXED VEGGIES gandang gabi. hay naku sobrang busy ngayon lang nagkatime dumaan dito. ito nga pala ang ulam namin kanina niluto ng anak kong pangalawa mahilig kasi itong magluto. ginisa lang yan sayote, pechay at repolyo na may kunting sahog na baboy. solve na ang tanghalian namin kanina
good morning kaingay morning morning. habang papunta ako sa tindahan nakita ko itong mga guard nagform para sa pagready ng shift nila. ito ang mga guards dito sa subdivision malapit samin. ako ang magbabantay ngayon kasi may pasok na silang lahat.
INOM TAYO😀 grabe na ang init. sus maryosep nakakauhaw talaga. inggit ba kayo sa juice ko sarap nito may ice pawi ang uhaw nito ng ilang segundo😀. 10AM palang pero ang init para nang tanghali kaya naman eh napatimpla tuloy ako nitong juice
AFTER NG ULAN gandang gabi kaingay. sino ang taga Cebu dito? tanong ko lang kasi grabe kanina ang lakas lakas ng ulan. tiyempo naman na ako ang kumuha sa anak ko at wala akong dalang payong kasi wala naman ambon. mga 4 PM plus ay umulan sakto naman nasa gate na ang anak ko. bumuhos ang malakas na ulan at wala kaming masilungan kasi full pack agad sa mga parents, lolo't lola, ate at kuya na naghihintay sa mga estudyante nila. buti nalang at wala akong dalang cellphone kasi…
SIBUYAS BOMBAY morning morning. I'm back mga kaingay. ano tawag sa inyo niyan? dito samin sibuyas bombay tawag meron ding sibuyas dahon hehehe. back to my photo, grabe na mga kaingay ang mahal-mahal na una ng nawala ang puting sibuyas dahil sa tumaas ang presyo nito ito naman ngayon. akalain mong 5 pesos yan pero no choice eh need isahog sa ulam kaya pikit mata nalang mga kaingay. kelan kaya bababa ang presyo or may chance pa kayang bumaba. anlamig sarap pa sanang matulog
maulan na hapon umuulan ba sa inyo ngayon mga kaingay? dito samin tumila na. at dahil busy ang mudra sa paglalaba ang anak kong lalaki si @robertryan ang nagluto ng ulam namin kaninang tanghalian. ang walang kamatayang sardinas with egg hehehe, at siyempre pinartneran ng ice cold coke para busolve talaga. grabe ang mahal2x na dito samin 55 pesos ang 1 litro sa iba naman ay 60 pesos. sa inyo mga kaingay magkano ang Coke? baka dito samin lang ang mahal
KAINAN NA tapos na ba kayong kumain? sure ko pag nakita niyo ulam ko maglalaway kayo. fried kyampi at utan bisaya perfect combination ito. kilalang kilala ito ng mga kababayan kong bisaya diyan yung iba mas gusto nilang ipartner ay mais na bigas pero ako hindi ako sanay diyan. LET'S EAT GUYZ😀
RAIN RAIN grabe ang ulan napakalakas may hangin pang kasama. pumunta kami ng anak ko sa pinapasukan ng aking asawa kasi kumuha ako ng pera pambili ng kakailanganin para sa school, hindi kasi siya uuwi mamaya sunday bukas karamihan sa mga tindahan ay sarado. kain sana kami sa jollibee para may toys ulit kaya lang wala silang toys transfer kami ng place at papunta na kami sa sakayan ng jeep biglang bumuhos ang malakas na ulan. hindi pa kami makaalis kasi ang lakas2x talaga…
JOLLIBEE TIME malamig na gabi. kakarating lang namin sa bahay, kuha yan kanina habang napakalakas ng ulan nasa jollibee naman kami kumakain sayang at wala ng toys. ang saya-saya ni bunso kita naman sa mukha di ba at nakakain na naman siya ng jollibee matagal-tagal na ding hindi siya nakagala eh.
morning all gandang umaga mga kaingay. nahatid niyo na ba mga students ninyo? ako hinatid ko ngayon ang aking grade 5 kasi may hinatid akong bayad para sa janitorial at sa project ng room namin para sa ikakaganda ng pagtuturo sa aming mga anak. basta para sa kapakanan ng estudyante at kung may maitulong gorabells talaga ako. nakikita ko naman kasi ang effort at malasakit ng adviser para sa kanyang mga estudyante. hiningal ako pag-akyat diyan nasa 4th floor kasi room niya da…
cold rainy morning morning mga kaingay. paggising ko kaninang 3:30 AM ay umuulan pala, ginigising ko kasi ang asawa ko kasi 5am pasok niya. at ngayon nag-open na kami ng tindahan kasi may pasok pa 4 days na pasok dito. yan nga pala ang panganay ko wala kasi siyang pasok kaya diyan muna siya aasikasuhin ko pa kapatid niyang may pasok ngayon. balik ako later pag makabalik alamz niyo na buhay ina maraming gawain sa bahay😀
BAGONG RAKET kamusta tayo diyan mga kaingay? may time pa akong magbabad ngayon dito kasi andito ako ngayon sa tindahan tinutulongan ko anak ko ay siyempre dotdot na rin sa mga raket di ba. ito ang bago kong raket isa akong agent dati ay player ako ngayon agent/player na rin. subok2x lang di ba wala namang mawawala. sa mga mahilig maglaro diyan feel free to comment
UWIAN NA andito ako ngayon sa school ng aking grade 5. hindi niya alam na susunduin ko siya ngayon kasi mula ng tuesday siya nalang mag-isa ang umuuwi pero ngayon ay sinundo ko kasi parang uulan eh mababasa na naman yun
CHOOKS TO GO gandang gabi kaingay. grabe tinamaan ako kung tawagin samin ay "subaw" yung bigla nalang aagos ang sipon sa ilong mo, ang sakit-sakit ng ulo ko hatsing ako ng hatsing hindi bababa sa 5 beses. kaya naman after ko sundoin ang aking anak bumili nalang ako ng manok para ulam sa hapunan. hindi ko na kayang magluto pa. pahinga muna ako ng maaga sa ngayon. habang ako ay sumusulat nito nakaupo lang kasi pag ako ay hihiga hindi ako makakahinga
cold morning hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko may sipon pa din ako at masakit ang aking ulo. pero gumanda kunti ang aking naramdaman ng makita ko ang laman ng aking bch wallet naka 25.97 ako kahapon laki ng smile ko dito yan yung sa 1st photo, ang 2nd photo naman ay ang total kita ko. A BIG BIG THANK YOU🥰 sa aking mga fellow kaingay na nagshare ng kanilang mga blessings. pahinga muna ako mga kaingay
SHAREit good morning good morning mga kaingay. may gising pa ba or sa di pa natutulog diyan? ginising ako ni alarm kasi nga may pasok asawa ko gigisingin ko siya tapos titimplahan ng kape at yung babaonin niyang kanin at ulam. 4 AM kasi pasok niya. sa mga gumagamit ng SHAREit pansin niyo guyz paliit ng paliit ang mga coins nila dati ang lalaki niyan ngayon jusko ko ang liliit na mas lalo akong matatagalan sa pag-ipon ng coins, pero maiba naman natanggap ko na ang 15 pesos…
good morning Saturday🥰 morning sa lahat noise.app friends. flex ko nga pala itong ginagawa ng panganay ko sa tuwing siya ang nagbabantay ng tindahan. lagi siyang gumuguhit lalo na ngayon at sumali siya ng ART CLUB sa school nila. practice practice lang para lalong mahasa ang talento
baboy ano kaya masarap iluto dito? ito na ang ulam para sa tanghalian. siguro ay imarinate ko nalang tas para yung adobo ba yun. bahala na si batman nito mamaya
CHARAN!!! andito na po ang naluto ko may version pork adobo simpleng-simple lamang po. hindi pala para sa pananghalian pangbreakfast po pala hehehe. sa tingin ko naman ay masarap naman siya ang anak ko ang pinapatikim ko kasi wala akong panlasa may sipon pa kasi ako kunti. kayo mga kaingay ano sa tingin ninyo? 1st time ko pala magluto ng tulad nito kasi kadalasan si mama ko ang nagluluto talaga
BIHON gandang hapon mga kanoise.app andito ang mga classmates ng anak ko samin kasi gumawa sila ng project nila nagfilming sila. nilutoan ko ng bihon at puto flan para sa snacks nila at amin na rin free na snacks nila save na ang money nila di ba busog pa.
PAMPAGOOD VIBES good morning and HAPPY SUNDAY noise.app. while scrolling my FB nakita ko ang post na ito and since mahilig kaming family sa milk tea napasmile ako bigla sakto na to samin. kaya lang ang problema ay iba-iba kami ng flavors na gusto so tig-iisa pa din kami ng ganyan kalaki. kidding aside mga kaingay ilang oras kaya mauubos yan no? kaya niyo yang ubusin kaingay?
PAHELP PO morning po. sino po gumagamit ng brave browser? patulong naman po kung papano magpaverified dito. yang sa 2nd photo ay yung mga wallet na pupuwede lang eh hindi ko naman kabisado kung alin ang maganda at madaling gamitin, yung pagkatapos eh madali ding maitransfer sa coinsph wallet. salamat po
halu noise.app🌙 gabi na ano ulam ninyo? ready na bukas ang uulamin at babaonin ng aking mga estudyante. dumaan kasi si suki ko yung mga nagpapautang ng snacks at frozen foods. umutang nalang ako kasi hindi naman ako umalis pag umalis pa ako at yan lang din ang bibilhin same lang naman sila kasi 2 rides ako eh 40 pesos din ang pamasahe ko balikan mapapagod pa ko di ba
BAON PARA BUKAS gandang gabi noise.app! meryenda ng aking mga junakis at baon na rin nila. paboritong bunso ko yang rosquillos at biscocho naman ang akin. ilalagay ko lang yan sa plastic bukas at hati2x silang 4 na estudyante. kung sino ang may gusto na magbaon exam day ng 2 estudyante hanggang 12PM lang sila bukas at sa martes 1st Periodical Exam nila.
MAULAN NA GABI grabe ang lakas ng kidlat at kulog dito samin nagising ako bigla kasi bumuhos din ang malakas na ulan. ito na siguro si bagyong Obet exam day pa naman ng mga estudyante ko bukas. pag kumukulog ay nagigising ako kasi matatakot si bunso. sana lang ay makatulog ako ulit hirap pa naman akong makabalik ng tulog pag nagising ako. kayo din ba mga kanoise.app ganyan din kayo pag magising?
mommy duty monday morning kanoise.app. tapos ko ng lutoin ang ulam ng junakis ko. actually po ay hindi na ako nakatulog mula nung umulan ng malakas kanina nanood lang ako ng shopee live nagbabakasakali na antukin sa kakapanood. at nung nakaidlip na ako ay tumunog naman ang alarm ko gigisingin ko na si hubby ng 3:30AM kaya ayun naudlot. nagluto nalang ako ng makaalis na si bunny sakto namang natapos ko na ang pagluluto nagising si bunso. hay naku
HUHUHU😭😭 nakow po papano ko ba matatapos ito ang bibilis ninyo mga friends hindi ko mahabol-habol. pag nagising na si bunso kukunin na naman itong phone hindi na naman ako makakagamit. hindi kaya ng powers ko grabe ang bilis niyo. pero sige lang bahala ng matagalan ang unread basta madadalaw ko din kayo😁 #fighting #kayayan
mainit na hapon noise.app kaninang umaga to mga kaingay dumating ang bunso ko sa tindahan ito ang uubos sa aking paninda. late na napost kasi ngayon lang ako nakahawak ng phone umalis kasi si ako kaya nakatsansang manghiram. tulog din si bunso pag-alis ko, magwild yun panigurado pag wala ako
ANTOK NA AKO🥱🥱🥱 gandang gabi noise.app grabe ang pagod ko inaantok na tuloy ako pero di pa dapat kasi nga alive na alive pa and kicking si bunso. grabe ang nilakad namin ng anak kong lalaki kanina tas biglang sumakit ang balakang ko. at ngayon nagsasara na ng kusa ang mata ko kaya naman ay good night in advance sa inyong lahat sa mga friends ko or hindi ko pa friends basta friends ko kayo. hindi ko na alam ang sinasabi ko😁 #goodnight #earlytobed
GOOD MORNING🥰 helo noise.app! pasensiya na kagabi at iniwan ko kayo ng maaga grabe talaga antok ko kagabi di ko kinaya. at dahil ako pa nga ang naunang matulog ngayon paggising ko si bunso hindi nila nalagyan ng diaper kaya umihi sa higaan. hindi na rin siya nagising napasarap na din ang tulog kasi malamig hinihigaan niya kala siguro niya water bed hehehe. balik ako later ha magsasaing na muna ako. #goodmorning
What's up mga kanoise ishare ko lng kinain ko kahapon matapos bumili ng mga ititinda ko ngayon. Nagutom kasi ako andami kung nabili kaya stop by muna tayo sa mall at kumain sa food court. Madami kasing pagpipilian don nabili ko is gulaman na inumin sa master siomai tapos squid roll, lumpia tsaka puso ( yan yung kanin na nilalagay sa coconut leaves sguron yun hhaha basta bisaya lng nakakaalam niyan). Kaya ayun umuwi akong busog the end hahaha. Kayo dyan mga kamars anong ulam…
BACKBONES naghahanda palang ako ng uulamin namin sa tanghalian biglang umulan dito samin. kaya naman sa nakikita niyong photos ko jan may alam na kayo kung anong ulam namin later. kalahati lang diyan ang lulutoin ko
LATE POST gandang gabi sa lahat. grabe ngayon lang ako nakahawak ng aking phone kaya naman ang resulta now ko lang din mapopost ang ulam ko kanina. ito na yung tinolang backbone na manok. ang sarap-sarap grabe lalo na pag mainit-init pa andami kong nahigop na sabaw kanina. balik ako later kinukuha na naman ang phone
RAIN RAIN GO AWAY at dahil umuulan at walang pasok ang 2 kong estudyante dito ako sa bahay magbabantay kay bunso. ang 1 bata nagbabantay ng tindahan, ang lalaki ko naman ay pinabili ko ng ulam sa merkado 1/2 kilo chicken feet at 1/2 kilo ding backbone. magsasabaw na naman kami ngayon, may bagyo daw eh hanggang friday pa dito raw sa Central Visayas. buti nalang at last day na ng pasok bukas pero yun lang matumal ang benta. at habang andito sa bahay practice2x si bunso kasi…
COLD MORNING kamusta tulog natin mga ka noise.app? thank God at wala ng ulan perl malamig pa rin ang panahon, ok na ako diyan kesa yung umuulan kawawa mga estudyante. nalate ako ng gising buti nalang at 1 lang estudyante ko ngayon exam pa naman nila hanggang bukas. hindi rin natuloy ang suspension of classes today kasi wala namang ulan. saing muna ako at after nito itlog na naman ang lulutoin ko.
GANDANG GABI magandang gabi noise.app. kakarating ko lang galing namili ng mga ititinda sa tindahan at bumili ako ng tab para kay bunso advance birthday gift niya. birthday niya this coming november 10 at 4 years old na siya. makakatambay nako dito pag tapos na ako sa gawaing bahay kasi hindi na manghihiram si bunso ko.
good mornite noise.app hay naku umulan na naman samin ngayon, kahapon whole day ay mainit naman dito samin kaya akala ko wala ng bagyo. nagising ako kasi ang sakit ng ulo ko at tsinek ko rin ang anak ko kasi masama na pakiramdam niya kahapon. uminom naman siya ng gamot sinamahan pa niya akong mamili, pag uwi namin pina-inom ko agad siya ng gamot. nilagnat siya at ngayon pagcheck ko ang init-init niya parang nasa 39 degrees ata ito. wala akong thermometer nasira eh kumuha…
cold morning nakow umulan na naman last day of exam pa naman ngayon wala pang announcement kung suspended ba ang klase. nalate ako ng gising kasi ay binabantayan ko si @robertryan may lagnat kasi. 1 lang ang estudyante ko ngayon ang aking grade 5 exam nila hintay-hintay na muna ako sa announcement
ULAN AT HANGIN wala na atang hinto2x ang ulan eh may hangin nang kasama. pansin niyo ang kahoy naubos na ang mga dahon hehehe (joke lang) pag ganitong buwan ay naglalagas talaga ang dahon nila may mga bunga yang maliliit. hindi ko alam kung ano ang pangalan ng kahoy na iyan. maulan din ba sa inyo?
wazzz up kaingay malamig na gabi sa lahat. ito nga pala ang partner ko sa pagbabantay kay @robertryan busy siya sa pagdodrawing sa kanyang tab. papainumin pa namin ng gamot mamayang 10 sana lang eh hindi ako makatulog nagsisimula na akong maghikab. icharge ko muna itong phone
maulan na morning pa din grabe ang ulan hanggang kelan kaya ito. ang happy ni bunso kasi marami siyang cereals gustong gusto niya yan tulad ng koko krunch. pero ayaw niya lagyan ng gatas ewan ko ba sa batang ito. masarap din ito kasi ay baked cereals at apple pie flavor pa ang bango-bango nakakatakam.
tinamaan din ako ito na nga ang ayaw ko eh ang matamaan din. inom agad para hindi na gumrabe nag sakit sakit ng ulo ko. dalawahin na agad para hindi na siya makapuwesto di ba hindi na siya makaka-apekto sakin kasi si bunso medyo mainit din kunti eh. uminit siya kaninang madaling araw kaya pina-inom ko agad ng gamot
scrambled egg ito lang muna sa ngayon ang naluto ko tinamad ako eh. nagbabakasakali lang na kakain na si @robertryan kasi paborito niya ito eh. umulan na naman aalis pa naman ako bibili ng gatas at diaper ni bunso. laban lang tayo mga kanoise.app go go go
mag BISAYA sa ko ha maayong gabie sa tanan nakong mga friends dre. magbisaya sa ko kay grabe kalabad sa akong ulo murag mabuak dili ko makamao motagalog. galuha-luha akong mata napay akong ilong mokalit lag tulo. naokay na si @robertyan ako naman ang nipuli murag nibalhin sa akoa. pero pagkakita nako sa akong bitcoin nalipay ko kay mao ni akong naani from Monday-Saturday. daghan kaayong salamat sa mga malumoy ug kasing-kasing. may maidadagdag na akong pambili ng gamot namin🥰
I AM NOT OK😔 cold evening guyz. kamusta ang mga friends ko diyan mag-ingat kayo ha. yang nasa photo ganyan ang nararamdaman ko ngayon at pati posisyon ganyan. parang matutulog akong nakaupo ngayon gustong-gusto ko ng matulog kaya lang pag humiga ako hindi ako makahinga. mag-advance goodnight na ako sa inyo. pag hindi ako makatulog mamaya sisikapin kung tapusin ang mga unread at discussions. keep safe everyone🥰 CTTO: image I got is from Google
TIME CHECK: 2:14 AM ang sarap ng matulog mga kaingay. hindi na kinaya ng powers ko yan ang position ko ngayon. 1st time in history na natulog akong nakapajama, naka jacket na makapal with hoodie pa yan at kumot. last kong gamit sa jacket na yan ay 3 years ago nung ako ay nagtatrabaho pa. at umabot na ng 39.8 degrees ang temp ko, juice ko LORD andito pa naman si bunso sa tabi ko ayaw humiwalay. hindi kinaya ng bioflu at rexidol ano kaya iinumin ko baka naghahanap ito ng red…
GOOD MORNITE PO kamusta na po wala na pong bagyo? samin kahapon ay sumikat na kunti si haring araw. grabe hindi ako nakagamit ng phone whole day kahapon kasi ang sakit2x ng katawan ko natulog lang ako buong araw kahit kain ng kanin wala. tinapay at kape lang, naglugaw pa nga si mama ko para saming dalawa ni @robertryan. nung saturday okay-okay na siya kunti ako ang sumunod grabe yung alam niyo yung tatayo ka at lalakad natutumba ako walang lakas ang mga paa ko. ang…
PRITONG SAGING meryenda na tayo noise.app. uminit na dito samin kahit pa sabi nila ay may malakas na ulan daw na dadating mamaya dahil kay bagyong Queenie. mainit naman dito samin ngayon sana eh magtuloy-tuloy na. nagprito ako ng saging para meryenda namin tipid na sa pera pambili ng tinapay di ba
PAMPAGOOD VIBES gandang morning in advance kaingay. ako ay nagising dahil need kong gisingin si hubby may pasok kasi siya ng 4 AM. wala naman siyang motor or bisikleta kaya commute to the max talaga siya, dati stay-in siya at tuwing linggo ang uwi may 5 siyang kasamahan na kasama kaya lang eh may mga tao talaga na maeepal or kung inggit ba ang tawag din dito. back to the photo nakita ko lang ito sa aking FB habang ako ay nagscroll2x. natawa ako sa caption kasi ang nakalagay…