read.cash Log in
@cheann2020 more from that month

Balang araw

Noon! Noon sayo ako nababaliw, noon ikaw ang dahilan sa pag buo ng araw ko. Ngunit ngayon ay iba na! Dahil iba na din ang Turing natin sa isat isa Pareho na din tayo sumuko na.. Masaya ka sa kanila habang ako nalu lungkot Nalulungkot sa mga taong pilit akong pinaiikot. Dadating ang araw na ang dating kumikinang na mata ay twing tayo ay nag kikita ay maglalaho na! At sa mga araw na ito ay dadaan ka sa harapan ko na wala ka ng halaga at parang Hindi na kita kilala... Yung araw na kahit makita kitang may kasamang iba ay walang sakit na madarama... Dahil meron na akong "sila" at masaya ng kaming mag ba barkada.. Malilimutan din kita! Mga araw na tayo ay masaya ay magigiging isa na lamang ala ala.. Balang araw makikita mo din ang aking halaga! At sa araw na yun ay meron na akong iba Mga huli Kong sasambitin bago kita kakalimutan ay ang mga salitang "Salamat" "Patawad" at ang huli ay ang "PAALAM"

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.