read.cash Log in
@charol09 more from that month

I want to give you a short story in my 3rd post. Kaso tagalogin ko na lang at baka abutan pa ako ng bukas bago maipost. Hindi ito kalokohan, promise kwento ito. May aral kaso hahanapin mo kung nasaan. Once upon a time, may isang babaeng hindi kagandahan na nagmula sa isang hindi kagandahang pamilya (nanawa na ako sa perfect na bida) ang masikap na nag-aaral ng husto para maabot ang mga pangarap niya. Nasa eskwela sa umaga at sa gabi naman ay tumutulong sa ihaw-ihaw ng ama at ina. Ang pangalan ng babae ay Carol (alay ko ang pangalan mula sa isang kaibigan na tyak na natatawa na ngayon mabasa pa lamang ito, oo ikaw yun) Dahil si Carol ay pursigidong maabot ang pangarap niya malayo sa isip nito ang salitang pag-ibig. Tinuon lamang niya ang kanyang pansin sa pag-aaral at pagtulong. Hanggang makilala niya ang isang lalaking hindi kagwapuhan na nagmula sa hindi rin kagwapuhang pamilya. (Sabi ko sa inyo sawa na ako sa perfect) Ang pangalan nito ay Jomier. (Ganda ng name) Si Jomier ay tulad ni Carol puno pangarap at pag-asa na balang-araw aahon sa buhay kasama ang pamilya niyang kapos. Mula sa malaking pamilya si Jomier , labindalawa silang magkakapatid at panganay sa lahat. Batid niya ang pasanin sa kanyang mga balikat na nakaatang anupa't nagsisikap na makasuporta sa mga magulang na tumatanda na. Isang araw pinagtagpo si Carol at Jomier ng landas. Sa unang tagpo ng mga tingin nila ay natapilok na ang puso nila sa isa't isa. Tinamaan ng pana ni kupido ang puso nila isang araw na maulan. Nasa waiting shed noon ang dalawa nag-aabang ng masasakyan pauwi. Hawak ni Jomier noon ang sira na niyang payong na pinagtitiisang gamitin dahil sa kakapusan. Inalok niya si Carol upang sumalo sa payong niyang sira, magalang na sumagot ito ng sige , dito nagsimula ang kwento ng kanilang pag-ibig na walang lebel at nasa kategorya ng mutual understanding ang kanilang feelings. Isang araw nag-usap si Jomier at Carol. Nagpaalam na maghiwalay na lamang ng landas. At mas inuna ang pangarap kesa pag-ibig taglay ang katwirang makakapaghintay pa naman ito at sa tamang panahon na lamang durugtungan. Ano ang aral: Huwag magmadali sa pag-ibig. Sabi konsa inyo seryoso ako. Salamat sa katyagaan. Sinulat pampa good vibes lamang. 12:35 pm October 23, 2022 3rd post Si Carol at Jomier @Carjomier

44 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.