read.cash Log in
@charol09 more from that month

Maulan dito ngayon mga friends. Ang lamig ng hangin feeling ko sisipunin ako sa ginaw. Nakatapat pa kase ako s bentilador dahil yung bunso ko gusto naka elektrikpan lagi. Ok na din dahil malamok ngayon. Pansin ko pati lamok ngayon lumalaki na at ang taba nila. Hindi ka maghihirap na patayin dahil mabagal lumipat sa taba. Ewan ko kung sa inyo ay ganun din ba. Halfday nga ang pasok ni bunso ngayon, si ate whole day kaya sinundo ng papa niya ngayon. Sabi ko bili ng meryenda dahil aalis kami mamaya magugutom ang mga bata. Ang hirap ng bibili ka sa labas. Kuripot kase ako bessie. Hanggat makakatipid ginagawa ko. Sinasanay ko rin ang mga bata na wag masyado nagpapabili sa daan. Kapag binili minsan lang at dapat maging mapagpasalamat sila kahit simple lang. Natutunan na ng panganay ko kaso ng bunso ko hindi pa. Kailangan pang turuan pa hindi matiisin gusto makuha agad ang gusto. Hiling ko lang mabago. Sana wag namang abutin ng pagkabinata dahil ang hirap ng ituwid kapag teenager. Iba na kase ang isip kapag panahon ng adolescent. Daming impliwensya nila kaya hanggang bata sanayin na.

14 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.