read.cash Log in
@charol09 more from that month

Flex ko lang itong convo namin ni titser. Nag chat ang titser ni bunso dahil may test sila bukas. Gusto ko sana siyang papasukin dahil 4 days na siyang absent kaso pinakita ko kung paano ubuhin si bunso. Iniihit ng ubo talaga. Health protocool ngayon na kapag may ubo at sipon hindi pwedeng papasukin. Noon pa man ganito na itong ubuhin. Kaya hindi pwedeng pabayaan, gagastusan mo talaga ng gamot. Ito nga ng makita ni titser kung paano, e, nahabag. Sobra talagang ubuhin. Buti nga nakakatulog pa siya sa magdamag. Haiist, na iistress ako talaga kapag naririnig ko. Ganito din magkasakit ang panganay ko lalo na noong maliit siya, suki na kami ng pedia. Nakuha din ng bunso ko kung paano magkasakit ang ate niya. Ang ate naman niya noon sobrang lambing kapag nagkasakit, tipong hindi ka matutulog sa magdamag dahil ang gustong posisyon ng tulog ay buhat. Kaya sa magdamag natutulog siyang kalong ko habang nakasandal ako sa pader. Kapag binabalikan ko nga tinatanong ko sarili ko kung paano ko nagawang maka survive sa ganoong sitwasyon. Monthly may sakit talaga siya. Nakatulong sa akin noon nang magpalit kami ng pedia at dahil na rin sa kakakain nila ng unlimited na malunggay na dahon. Lahat ng pagkain nila merong malunggay, mula sa gatas, kainin, sabaw at lahat ng ulam. Nakatulong ito dahil naging madalang na lang sila sumpungin ng sakit. Kaso kapag nasumpong ng sakit, ay, sasakit din pati kilay mo. Ahehe 8:58 pm October 13, 2022 Illness

10 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.