read.cash Log in
@charol09 more from that month

Hindi maiwasang mamangha at matulala Sa sigla na nakikita ng mga mata 1755 na ang mga nakaabang Sa unread post na aking tinitingnan Binawasan ko na ito simula pa lang pero tila ba hindi nababawasan Bakit ba ganyan? Sige lang pag-igihan ninyo Kahit pagod ako basta masaya kayo Hahayaan na lamang mapuno ito Basta lahat kayo nakikita ko. Binigyan ninyo ako ng bagong pangarap Ang malinis ko lahat ng notification box Kahit gaano katagal ang abutin o kahit malabo pa nga ito, akin pa ring sisikapin na subukan kahit pa ang kilay ko ay malagas hanggang bukas. (Ka O.A naman ni chucha) Kamusta ang lahat? Nawalan kami ng karga ng gasul 710 ngayon ang kuha ko. Mainam na ang presyo kesa sa 900 pesos noon. Kasakit sa bulsa ang mga presyuhan ngayon mga friend. Hanggang buntong-hininga na lang ako, no choice e. Ang gamot sa panahon noon ay tiis. Ang gamot sa panahon ngayon ay tiis din at maging hanggang sa hinaharap. Kaya sanayin na ang loob kakatiis. Kung nais ng pagbabago gora lang basta kaya pa ng loob pero huwag lalampas sa paggawa ng mali. Nasa proseso ang lahat unti-unti lamang hanggang umangat. Anumang estado ang gusto simple, sakto o magara ng husto nasasaiyo basta malinis at wala kang maaagrabyado. 7:20 am October 21, 2022 2nd post for today Pangarap at Pagtitiis

39 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.