Ito ang ilan sa mga pangunahing pangangailangan natin sa tahanan. Liban sa bigas at ulam hindi maaaring isa-walang bahala ang pagbili ng mga gamit sa paglalaba at gamit para sa panlinis ng ating mga katawan. Laging kasama sa budget ang lahat ng ito. Sa pagtaas ng petrolyo, bigas, mantika, asukal at iba pa, kabilang din ang sabon at ilang gamit sa paliligo ang sumabay sa pagtaas ng produkto. Kaya naman ang ilan sa mga mamimili ay hindi maiwasan ang mapabuntong-hininga sa kakapiranggot na natitira sa tinitipid na budget ng pamilya. Laging nararanasan kapag sahod ng mga trabahador ang mag bye-bye sa kita nila sa ilang araw nilang pinagpaguran sa pagtratrabaho. "Isang linggong pag-ibig"ay hindi akmang paglalarawan dito. Isang "kisap-mata" ng Rivermaya ang bagay dito. Grocery ni hubby ito kanoise, yung iba inayos na nya sa kabinet. Tatlong plastic lang ang uwi niya pero ng mahal ng presyo.
17 comments
Mahal nabyan lahat ngayon.
Nadagdagan ng presyo, kaya yung konting taas kapag napagsamasama lumalaki
Ganiyan rin ako mate. Kaya kada sahod ng asawa ko sa grocery store na ako bumibili ng mga daily needs namin para mas mura , Kasi kung sa tindahan ako aasa bumili mas malaking gastos kasi mataas na patong pagdating sa tindahan...
Oo , yung dos na taas ng tindahan kapag pinagsamasama mo malaki din
Buti pa siya nakapag grocery na ako bukas pa sis tamad na tamad kasi ko ngayon.
Pakihagis na lang yung pang grocery mo ngayon sissy sinisipag ako e,😉
Bukas na sissy at gabi na ahaha.Tulog na ko sis night night.
Gudnight!
Sobrang nagtaas na mga bilihin kaya..minsan cost cutting ako..but thanks God dahil kahit papaano ay nakakausad din at may biyaya kahit sakto sakto lang..
Totoo naman yun sissy, kahit papaano hindi tayo pinababayaan
Daming grocery friend
Salamat sissy, sana umabot sa next sahod
Abot iyan friend. Tipid tipid lng. Hahaha
True, ang bilis maubos ng sahod lalo pag ang daming gastusin. Sakin wala pang isang linggo hahaha.
E bagay ang isang linggong pag-ibig sayo sissy
dito sis mahal n den bilihin Pag may sale at bagsak presyo don kami bumibili para may stock sa bahay.
Talagang palang pandaigdig ang epekto ng pagtaas ng produkto