read.cash Log in
@charol09

Need ko ng magpacheck up sa sabado dahil yung urine ko kulay pula. Habang wala pang Saturday inom muna ako ng herbal made sa pandang lalaki, miracle tree leaves at sambong. Kahit konti lang ang sambong grabe ang tapang ng amoy. May palo din ng lasang sambong. Minsan sinubukan ko na sambong lang ang inumin nahirapan ako ubusin 🤣. Ang tapang kase ng lasa at amoy. Ang dami ko pang pinakuluan noon. Kaya ngayon nadala ako, kinuntian ko lang tas hinaluan ko ng ibang dahon ng enjoy namang inumin. May back pain na nga rin pala ako. Yung ibang cake tub ngayon ko na ginawa dahil may kukuha bukas ng maagang maaga. Mejo kinakabahan ako sa Sabado uso ngayon ang sakit na CKD o Cronic Kidney Disease, dami content creator na nag she share ng experience nila kaya parang kinakabahan ako ngayon ahaha. Ang hilig ko kase sa tuyo mga ses, tipong hindi ko ipagpapalit sa fried chicken ang tuyo. Hilig ko pa sa patis, at sawsawang toyo. 8:06 pm September 14, 2023 Thursday 1st post Tea

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.