Sana araw-araw matibay ka Hiling ng puso habang ang sakit damang dama, Habang ang pait gumagapang at lalong lumalala, Na kahit pilitin mong huwag maramdaman pero kusang dumarating kahit hindi mo hilingin. kahit ibaling sa iba ang pansin pero naiisip pa rin, At kahit pagod ka na pero yung sakit hindi pa. Ang sabi mo sa sarili mo "kaya mo pa" pero ang totoo yung sarili mo "umaayaw na". Hahanap ka ng maraming dahilan para utuin ang sarili mong kaya mo pang lumaban, kahit unti-unting nasisira na ang loob mo at alam na alam mo ito. Ilang beses mo na bang nasabi na "okay ka lang?" Ilang daang beses mo na rin bang nasabing "lilipas lang yan?". Makailang libong beses ka bang paulit-ulit na mag-isang lumuluha na laging sinasabing "sige lang, iiyak mo lang?". At kapag nakaramdam ng kaunting ginhawa nagkukunwari kang masaya pero sa loob-loob mo yung lungkot ayaw pa ring mawala. Ang miserable ng buhay na ganito, Paulit-ulit kang nasasaktan na kahit ang sarili mo ay hindi mo na maintindihan. Tipong yung luha mo mag-isang tumutulo at ang isip mo kusang aandar at ayaw ng huminto. At yung sakit madarama mo ulit, nang paulit-ulit. Kaya kung tunay kang kaibigan at tunay kang nagmamahal pakisuyo ingatan mo ang bawat salitang ilalabas ng bibig mo dahil baka may isang damdamin kang masaktan ng hindi mo namamalayan at konting sakit nalang ay gusto ng bumitaw ng hindi mo nalalaan. 8:01 am July 3, 2023 1st post Monday Bawat isa ay may Pinagdadaanan
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Stays strong