read.cash Log in
@charol09 more from that month

Alugbating magaling Sa katawan ay mahusay panggiling Sustansya ay sagana Lalo na kung kakainin Kung ang alugbati ay magaling Ako naman ay may hiling Sana may isang gwapong robot na dumalaw sa aking wallet, este, piling. Hindi ko na ginawang banyaga ang ginamit na salita dahil baka sayo ay biglang mahiya. Nais ng puso ko sana ay maging lihim ito sa madla, Pero hindi ko na maitago dahil dalawang araw ka ng nawawala. Gwapong nilalang ako'y nag-aabang na sana kahit minsan ay silipin mo man lamang , ang wallet kong inaamag na at wala nang laman. Kung iyo mang mabasa ang sulat na akda, tandaan mong sayo nakaalay itong likha ng makata. Umaasa at umaasam na baka sakaling iyong pansinin at pagbigyan ang munti kong hiling.. Na ikaw ay magpakita ng araw ko ay mabuo na. 9:11 pm October 12, 2022 Miss you Mr. Anonymous

14 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.