Karaniwan si hubby ang namimili ng uulamin namin pero kanina nasilip ko ang palengke. Nalula lang ako sa presyo ng gulay at karne, huhuhuhu Sabi ng tindera ang kangkong niya 100 kilo tapos nabubulok lang. Bumili kase ako ng luya, nakipag chikahan muna ako dahil sabi ko pakihati yung luya at igigisa ko lang pero 40 pesos na ang halaga. 😅 So, ayun hinati niya. Nakwento nga niya yung tinda niyang kangkong na tinanggalan na niya ng bulok na dahon. Sabi ko, "ba't di nyo po ibabad sa tubig?" Sabi nya, " ayoko, nag-aamoy utot". Natawa ako. Nasabi ko ko tuloy, "nga naman". Nakakastress palang mamalengke ngayon. Ano kayang ulam ang mailuto na swakto sa budget pero masustansiya? Kaninan ulam namin ginataang langka at dilis. 70 pesos na ang kilo ng langka ngayon na dati rati ay 40 pesos lang. At yung 1/4 na dilis ang halaga eh 60 pesos. May gata pa na 50 pesos, sibuyas at bawang. Ibig sabihin sa maghapon mahina na ang 300 pesos na gastos🤔. 5:53 pm January 3, 2022 3rd post Tuesday Kwentong gastos
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
14 comments
Hindi na po ako mabibigla sa presyo ng bilihin haha
Huhuhuhu, buti na lang si hubby na uli bibili bukas ng ulam
Stress nman yarn. Kaya yoko mamalengke ih😅😂
Kakastress nga po mamalengke ngayon,lahat tumaas ang presyo
Hi friend. Have a good day
Nangangamoy utot nga ya kapag nababad sa tubig. Hejeje
Kaya pala ayaw ni lola, ahaha, may point siya🤣
Grabedad tlga ano sis
Oo sis, gulat ako isang pirasong luya, 50 pesos kaagad
Buti nalang sa Amin.. sobrang dami ng kangkong na tumutubo sa ilog...malulusog at malilinis...pero para lang yun sa mga alagang baboy noung mga may ari noun.. May nagbibinta din naman..10peso per tali sa palengke...pero madalas libre lang kami... Sobrang mahal na nga jan..yung padala ko na 17k per month..hindi na umaabot ng 1month..😅nakakatakot na tuloy umuwe jan..baka magutom boung family ko..
Ahaha, abay mag tira ka din sa iyo friend, nagkakaedad tayo
Yun na nga po sinasabi ng mga friends ko..pero sadyang lage ko napapadala yung savings ko...
kahit papaano friend kailangan mong turuan ang iba na mangisda. Hindi ka habang buhay na malakas, habang buhay na malusog at habang buhay na may trabaho.
Doun po sa probinsiya namin..walang magandang palaisdaan...lahat inuutang kahit kasisimula mo palang sa bizniz.. tapos matagal magbayad.. pag hindi pinautang ..magagalit at mawawalan ka ng customer...