Continuation.. Sa mahinang buhos ng ulan, binuksan ni Carol ang payong na luma. Habang naglalakad mula sa di kalayuan may nakita siyang isang pamilyar na mukha na nakatitig sa kanya. Mabilis na kumabog ang dibdib niya at hindi maiwasang manginig ng bahagya. " Si Jomier ba yun?" Tanong niya. Natawa siya sa sarili. Ganito na lamang ang parating nangyayari kapag nasa labasan siya, laging naghahanap ng isang pamilyar na mukha. Inaasam lagi ng puso ni Carol na baka isang araw magtagpo uli sila ng landas. Nilahad niya ang kamay sa ulan. Nililibang ang sarili upang hindi na nito maisip pa ang binata. Habang naglalakad isang pamilyar na tinig ang tumawag sa pangalan niya. Paglingon niya nakita nito si Jomier na nakangiti at kumakaway sa kanya. Tinanong ng binata kung maaari ba siyang sumukob sa payong nito habang tinuturo ang tindahan na pupuntahan din niya. Sa tagpong ito muling nadugtungan ang kahapong naudlot dahil sa inunang pangarap at pag-ibig. Ilang taon ang nakalipas nagpakasal ang dalawa at unti-unting nagplano at bumubuo ng isang pangarap para sa kanila. Ngunit ang istorya ng pag-ibig nila ay maging isang trahedya. Isang gabing maulan, sabik na umuwi si Jomier dala ang pasalubong kay Carol na ubas at mangga. Nangako sa kanya ang asawa na meron itong magandang balita para sa kanya. Nakangiti nitong pinaandar ang motorsiklo at pinatakbo sa kalsada. Madilim noon at may kalakasan ang ulan, isang lalaking lasing ang agad na tumawid sa kalsada ang dagling iniwasan niya anupa't naging sanhi ng malalang aksidenteng tumapos sa buhay ni Jomier na puno ng pangarap. Lesson learned: walang por eber! Biro lang, ang aral ay: sa maiksing buhay natin may mga trahedyang hindi natin kagustuhan pero nangyayari. Ano ang title ng kwento? A. Ulan B. Payong Ang sagot: Si Carol at Jomier pa rin Stick lang tayo sa title Note: Ginawa ng may akda pampa good vibes lang. Salamat! Image source Unsplash.com 3:20 pm October 28, 2022 4th post Carol at Jomier 3
42 comments
sobrang haba naman at continuation pa lang to?😁
Tapos na friend ang kwento, tinapos ko na. Ang hirap gumawa ng kwentong mas maiksi pa jan, ahehe
maeffort ka nga sa mga kwento.
Para malibang kahit bahagya lang
kung ano forte natin, yun tutukan natin.
Ano yung forte friend?
kung saan ka magaling
Ahh, ganun pala. Mangulet friend,
kayo siguro magaling gumawa ng mga kuwento kwento. ako naman sa photography
Ang ganda nga ng photo na pinupost mo
may nagsabi nga dati dun sa kabila na lagyan ko daw ng watermark at ginawa ko naman pero later on hindi na
Wow, ang husay!
maeffort pa kung lagyan ko pa ng watermark. bahala sila kung grab nila ang picture
My point naman yung nagsabi friend sayang din ang earnings kapag may nagkagusto
ganyan ang case dati sa kabila. Dito parang iba din naman
Paanong iba?
mahabang kwento.🤣 Snacks muna tayo
Sige, makikinig ako pag balik mo
tatapusin ko pala yun?🤣
Oo naman friend
pasensya nanood ako ng youtube
Umbrella 😆
Ahehe, parang MMK may pahula sa title
Nyahahaha parang kdrama walang happy ending ahaha
Wala friend, ang hirap ng happy ending ayaw maniwala ng marami sa por eber
Uso kasi ang walang forever kaya huwag bukangkang ng bukangkang nag-aaral pa gusto ng maging nanay ahaha ke bata bata na mumula ang nguso😆
Need talaga e educate sila na ang buhay asawa hindi madali
Dapat tinuturo sa School yarn yong kilig dapat kilig lang kasi pagsineryoso yarn may kaakibat na responsibilidad yan.
Yes! Tsaka huwag ipapasok sa isip ng isa yung tuksuhan, ganun.
Minsan pa yong teacher ang nanunukso eh.Dapat talaga ituro yarn.Isa isahin sa kanila kaya ba nilang bumukod,umupa,magwowork sila once na nabuntis nya yong babae sa halip na nag-aaral may pambili ba sila ng gatas, bayad tubig koryente ayan dapat idikdik sa isip nila yan.
True! May pinagdadaanan ka ba friend? Gigil ka e.
Kasi nga ang hirap na nga ng buhay buntisan pa ng buntisan tas isisi sa presidente kung bakit sila naghihirap eh hindi naman yong presidente ang bumuntis sa kanila 16palang ang dami ng naanakan iba-ibang babae yong inuuwi stu..di yong mga babae
Hindi kita masisisi nakakagalit nga, sabi ko lagi kung gusto mo nang maligayang buhay umiiwas kang gumawa ng sakit ng ulo
Oo nga common sense nalang umpisa palang alam mo na ang magiging reulta bakit mo pa papasukin divah tao talaga ang gumgawa ng problema.
Agree, minsan tayo tlaga
Hehe ganda nmn
Salamat Sissy, maulan na dito ngayon lang
where's the part 1 hehe
Scroll mo lang sissy sa profile ko salamat
Ang galing naman..
Salamat friend
Youre welcome friend..