read.cash Log in
@charol09 more from that month

These 45 days chickens are walking around in the backyard of my neighbourhood without a fence. They are looking for food freely walking everywhere. They are very lucky chickens if there is no one will pick them up to make them "tinola" or "adobo" for dinner. I once live on a farm where there is a lot of chickens that are taken care of. Usually, ay mga manok panabong. Kaya kadalasang iniluluto noon ay manok na matigas ang karne dahil tandang na o kaya ay doble dead na galing sa sabungan, minsan kapag pinalad-palad ay reject na manok na may tama/sugat o pilay ang iniluluto nila. I used the word "nila" because at an early age I didn't learn to cook viand. Tanging kanin na "hilaw at lata" palang ang expertise ko noon. Balik tayo sa manok, ayun nga, ito ang kadalasang bidang ulam noon na hindi naging bida sa akin. Mag uulam na lang ako ng walang kamatayang tuyo na naka stock sa nakasabit na basket namin doon sa bubong kesa mag ulam ng panabong na manok. Girl, wala pang selan noon ang tao hindi pa aware na masamang kumain ng doble dead na manok tapos puno pa ng injection sa katawan sa dami ng itinuturok para maging health sa labanan ang tandang. Pero ako sa murang edad inaayawan ko talaga dahil kahit ako'y mahirap at dukha pero may layang pumili ng ilalaman sa sikmura. Makwento ko lang naman, naalala ko lang dahil sa manok na picture ko sa content na ito. Bakit kase sa dinami-dami nang papasok sa isip ko ay 'yung manok na tandang pa ang na share ko sa inyo. Mga 25 to 27 years ago naman na iyon mga mare. Matagal na, ewan ko kung meron pang gumagawa nito, pero kung meron pa at okay lang sa kinaugalian, gora lang. May freewill tayo. Thought for the day Kahit ako'y mahirap at dukha pero may layang pumili nang ilalaman sa sikmura. 5:13 pm October 9, 2022 Tandang

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.