Stress ata ako ngayon dahil yung ipon ko naubos ko na pambayad sa Lazada 🤧, tatlong item yung binayaran ko ngayon. Natuwa yung nagdala ng order ko dahil ang binayad ko ay puro 20 pesos na coins, sakto daw iniipon ng misis niya yun. Sabi ko naman, "ayos boss galing yan sa ipon ko na ngayon ala na". Pambili ko sana yun ng pangarap kong heavy duty na mixer. Haiist, ipon na lang ulit ako. Minsan talaga sa buhay dumadating yung mga dumaan at tumatambay ang naglalakad, basta gets nyo na yun. Nang dahil sa stress ko napilitan akong mag post ng ititinda. Minsan talaga nakakagawa tayo ng mga desisyon at plano na di mo alam kung dadagdag sa stress o nakakatulong ba. Tinigil ko talagang mag paorder ng dessert dahil nasosobrahan ako sa pagod, minsan kase yung mga organ ko sa katawan naghahalo halo na sa dami kong kaabalahan sa buhay. Gusto ko lang maglabas ng lamang-loob dito. Tutal mas mainam na dito kesa sa socmed. Tsaka masarap magsabi ng niloloob kapag tagalog. Hindi ko rin naman masasabi sa english at ang haba nakakadugo ng ilong. Yun lang. Sana nasiyahan ka. 7:33 pm September 6, 2023 Wednesday 1st post Makinig ka lang
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
3 comments
Natawa nmn ako sa naghalo halo na sa organs
Oo ses, lagi ako lutang sa dami ko ginagawa kaya namahinga ako. 🤧 pati lamang loob ko ng hina 😅
Hinay hinay baka maubusan ka ng gagawin haha