Nakikiuso sa trending sa social media ngayon, bumabaha nang chocolate pati my day ko dahil sa Teacher's Day celebrations. Post ko na rin itong Choco Mallows na baon ng mga anak ko,ahe. Hindi namin gift ito kay teacher ha, baon ito ng mga anak ko. Tinipid ko pa yan, abot pang 3 days ang 9 pcs na choco mallows. Uwi ni hubby ito, bigay sa kanya ng katrabaho niyang tinulungan niya sa gawain. Ang bilin ko sa mga bata maghinay sa pagkain lalo na sa matatamis. Iwasang kumain ng isang upuan lang laging magtira para sa susunod. Nasunod naman ako. Dati kahilig ko sa tsokolate, si hubby noon lagi akong inuuwian ng chocolate. Kaso lately napansin ko na ang sobrang tamis na pag-ibig pala ay nakakasama. Tumaba ako mga Bessie! Sa takot ko na bumili ng bagong damit,short at panloob dahil nagsisikipan na ang mga gamit ko eh, nag diet na lang ako. Sabi ko ke hubby wag na niya ako uuwian ng chocolate o sitsirya. Sabi kase ng doctor ko (si facebook) nakakataba ang pagkain ng sitsirya, tinapay, biscuit na may palaman, mayonaise, chocolate, softdrinks, juices na tinitimpla. At dapat na iwasan ito ng mga nais magpapayat. Dahil masunurin ako sinunod ko ito. After a month effective mga mare! Ang hirap lang ng cravings pero tiniis ko ang lahat wag lang akong gumastos ng damit. At matapos ang tatlong taon, na maintain ko naman. Kumakain ako ng 3 times a day ng saktong dami at hindi ako nagmemeryenda. Kaya wala akong maibabahaging pagkain sa inyo mga mare dahil hindi ako mahilig magkakain. Kumakain ako ng sitsirya pero madalang lamang. Sa kaka diet ko pati si hubby nahahawa na sa akin, buti naman. Thoughts for today: Ang sobrang tamis na pag-ibig ay nakakasama. 7:10am October 7, 2022 Tsokolate
12 comments
Tama ang mga payo mo friend.
Yes friendship para masanay silang magtiis
Ang inuuna ko dyan kainin yung chocolate coating haha.
Ganyan din ako noon sissy,ahaha
Sarap yan sis
Yes sissy, lumiit na nga to ngayon
Inflation is real sis
Kami mate subrang tamis din siguro. Hehehe Ang tataba na namin eh.
Ahaha, puno kayo sissy ng pagmamahalan
pahingi sis mukhang masarap yan ah
Tara sissy meron pa dito
sige salamat sis.enjoy