read.cash Log in
@charol09 more from that month

I thought we would have gloomy weather today, but instead, the sun rises high. This is the other part of my place, a large part of our town is fields and the common crop is rice. Despite this, our town is prospering economically. Marami itong tindahan at pamilihan. Marami din ditong mapapasukang mga trabaho at lugar na maaaring pasyalan. Noon hindi pa ganito kaunlad ang lugar ng aming bayan. Wala pa noong Sm, Robinson's, Puregold. Ang tindahan ng gamot noon sa palengke ay tatlo pa lamang. Ang pinakasikat na planetang "Mercury" ang takbuhan ng gamot kung nangangailangan. Ngayon marami ng nagsulputang tindahan ng botika , kahit umiikot ka kada baranggay ay may makikita ka na. Kabi-kabila din ang mga kainan na nag offer ng unli kaya ang seiste marami ang nagsitabaan. May grill and resto, Ramen house, Pizza store na bukod kay Greenwich, Pizza Hut, Yellow Cab at Domino's ay marami pang iba. Sa unlad ng aming bayan matutuwa ang mga manginginom dahil kada baranggay may 7/11 na pwedeng tambayan. Kung tindahan ng Cake ang pag uusapan hindi ka kakabahan na baka ikaw ay maubusan dahil sa bayan may tatlong store ng cake na pwedeng pagpilian, ang totoo may extra pang isa dahil dalawang Red Ribbon na shop ang pwede mong pasyalan, isang Goldilocks at isang cake store na tumatanggap ng customize cake sa handaan. May SM pang bilhan kung gusto mo ng mahaba-habang lakaran. Bukod dito ay marami pa sana akong ikwekwento kaso hahaba ng husto. Basta ang importante maulad man o hindi, ang mahalaga ay "buhay tayo." 4:44 pm October 4, 2022 Kwentong Bayan

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.