Habang nabubugnot na ako sa pinanonood kong "di umano" ni mareng Jessica dahil sa paradang patalastas nakipag chikahan muna ako sa mga mommy ko sa grade 2. Plano kase ng aktib na president namin na pagtulong tulungan yung t.v para sa room ng mga anak namin. Kaso yung kilay ko biglang sumakit ng makita ko yung presyo ng t.v Canvass pa lang naman ito at wala pa talagang desisyon kung ano at magkano ang ambagan. Sabi ni press mag pm daw ng suggestion kaya nag pm ako (second picture, paki click) Masunurin ako e. Ang inaalala ko ngayon e yung pinanonood ko na "di umano", na hangganga ngayon hindi pa ume ire kahit malapit ko nang matapos itong 5th post ko ngayong araw. Huh, pambihira si mare! 15 mins na ata ang lumipas. Nakipagchikahan na ako't lahat wala pa din. Naalala ko yung kakilala kong mahilig magpasa na hanggang ngayon paasa pa rin. 10:20 pm October 16, 2022 Di umano
3 comments
Pabitin si jessica kanina pa sana ako humiga ng dahil sa di umano
paasa ba lagi sissy hehehe Di umano ang famous line ni mareng jessica tlga hahaha tulog ka na lang nde pa tapos yan sissy
mag projector na lang kaya sis parang sine😂 mahal ang tv ngayon huh