read.cash Log in
@charol09 more from that month

Ang puso ay higit na mapandaya sa lahat kaysa sa ano pa mang bagay Maari mong maramdamang gusto mo siya Pero ang totoo ay humahanga ka lang pala. Ang pagkahumaling, paghanga, pagkahibang at pag-ibig ay magkakaiba. Gusto mo bang malaman kung ano at paano? Hayaan mo minsan at ikwekwento ko dito. Pero sa ngayon hayaan mo munang magkwento ako Tungkol sa isang damdaming mahiwaga at may kahirapang ipaliwanag pero nararamdaman ng tao. Mula sa sinauna, noong umpisa Isinulat sa aklat na madalas mong makita, Isang kwento nang kahapon na alam natin ngunit dinaanan lamang ng mata, narinig ng tenga ngunit ikinibit- balikat ng iba. Nasawari ay hindi naman talaga mahalaga pero ang totoo isa itong kwento ng kahapon na maraming aral na matututunan ka. Interesado ka bang malaman kung anong kwento ito? Hindi ito chismis sa kanto kaibigan baka akala mo. Pero tingin ko kapag narinig mo kung kanino baka ikataas ng kilay mo at masambit mong, " iyon lamang pala! Ano bang mahalaga? Mukhang wala naman di ba?" Pero nagkakamali ka, hayaan mo mamaya sasabihin ko kapag libre ang inday chucha ninyo! Dahil kung ngayon ko ikwekwento baka abutan ako ni hubby at mapalo ako. To be continued .. 5:19 pm October 12, 2022 Isang kwento

15 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.