Tagal ko palang absent. Anong ganap dito? For today's post kwento ko na lang ang ganap ko sa buhay nitong nagdaan na araw. May nagpagawa ng sandwich kaya na busy ang person. 350 pcs ng chicken sandwich. May mga kasama naman ako guys. Sila talaga nag timpla timpla at may karamihan ang gagawin. Di ko keri ang ganung karami. Inasikaso lang namin ni hubby yung loaf bread para sa 350 pcs na sandwich tatlong patong ng slice bread ang ilalagay. Bumili kami ng breast chicken, lettuce, carrot, white onion, cheese at mayonnaise. Nag order din ako kay Lazada ng brown parchment paper para sosyalin ang wrapper 400 pcs nga pala yun. Sinubrahan ko na para maganda. Enjoy naman ang paggawa lalo na ang paghiwa sa white onion. Talagang luluha ka sa saya🤣. Muntik na kaming hindi umabot sa oras pero salamat naman at nakatapos na. Salamat sa pakikinig. Yun lang, love yah! 10:07 pm 1st post April 5, 2023 Wednesday Kwento ng 2 days absent
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
same tayo sis halos ilang buwan din akong wala dto