Matapos nang lahat ng ganap sa maghapon ko. Inaasahan ko na mamahinga ako ng maaga. At ang nangyari ay kabaliktaran sa nais ko.. (Background music please) Dear Charo, 4 am ay gumising na ako para mag asikaso ng almusalan at baon ng mag-aama ko. 6:30 ng umaga nang makapasok sila sa eskwela habang ako naman ay naghanda nang maglaba. Sa kabila Charo nang pag-ulan hindi ko inalintana ito at tuloy lang sa paglalaba taglay sa isip na matatapos din ang lahat. Dahil isa akong ina Charo ginawa kong mag multi-tasking. Nagpaikot ako ng washing habang naghuhugas ng pinggan at nagwalis pakanan, pakaliwa, at paikot-ikot. Matapos ng mahabang ikutan nakayari ako Charo. Tandang tanda ko ang oras, saktong alas-dose ng tanghali noon at muntik pang maiyak ng makitang isang sandok na kanin na lamang ang laman ng kaldero. ( nalimutan kong magsaing, sabi nga pala ni hubby paubos na😅) Sakabila nito tinatagan ko ang loob ko Charo, sa karampot na pagkain ay nakontento na ako ( na ang totoo ay kinatamaran ng lumabas para bumili). Lumalakas ako dahil sa sobrang sabik ng ihiga ang likod sa malambot na kama. Parang nasa cloud 9 ang feeling dahil sa wakas pwede ng matulog sinta. Pero saglit lamang pala ang saya dahil ang lungkot at dagdag pagod ay malapit na. Nag bake ako ng cake Charo, tapos nagsundo ng anak. At nang papadilim na may baby na iniwan s akin para alagaan, nakakaiyak pero hindi ako tumanggi. At ng kunin ang bata ay alas-nuebe na ng gabi. Ang saya ng araw ko Charo. Tipong ayoko ng maulit pa. FYI alas-nuebe na rin ako nakapaghapunan. 9:50 October 3, 2022 Dear Charo
13 comments
Hahahaah, di ko alam kung maaawa ako o matatawa sa kwento mo kay Charo. Pero nakakapagod nga yan. Dinner ka na at pahinga. ❤
Ako din sissy ganun di n ang feeling ko
Kaninong baby yan? Hahahha MMk lang ang peg
Apo ko sa pamangkin, pumuntang sm silang mag asawa may binili. Ang tagal ng bili nila sissy
Nako, di ko kakayanin yang ilang oras na baby ang binabantayan. Nakakatakot yan eh.
Sinampal sampal ko sissy para lang makatulog
Kalurke ka. Hehehje
Pahinga ka na. Tulog ka na
Pwede palang gawing diary natin itong platform. Pahinga ka na at magpatanghali ng gising, wala nmang pasok mga bata bukas.
Oo ma, sumulat ka.lang kay Chahro. Makikinig yun
Ang ganda ng kwento mo sis heheheh Natwa ako sa huli, yong ayaw mo ng maulit pa😂
Nakakadala sissy.
Hala grabe, kapagod ng buong maghapon mo sis, bakit ang tagal kinuha ng baby?