read.cash Log in
@charol09

@charol09 in December 2023

@charol09

Akalain mo ba namang tumaas ang Ronin sa ganito? Nag sell ako ng nasa 50 pesos sa inip 😅 kainis!

@charol09

Ayan nakompleto ko na ang 20 USDC with in 7 days balitaan ko kayo kung me reward akong 5% base sa hold to earn program nila.

@charol09

32 pcs Bibingka Galapong ang order today. Good morning sa lahat. Mga 11 am tapos na ako dito.

@charol09

Do you have an extra invite link in BCHouse? Can you please send me I will send it to @Diasa

@charol09

Darating na yung donut maker ko 2nd order ko to dahil yung una ni refund ko dahil sira, sana naman ngayon ok na ang ibigay. Buti hindi ako nahirapan sa refund. Balak ko kase ngayong linggo mini donut naman ang ibenta. Nakabili na ako ng box, sprinkles na lang ang kulang. Yung picture nga pala handa ni friendship kahapon. Sabi niya kung ano lang daw ang maihanda pero pagdating mo doon binonggahan 😅 me pa videoke pa. Nakapag saharon naman ako ng penoy mga lima, dala ni…

@charol09

@Pencua02 tara na! Gawaan ngayon ng mini donut tas next week kung malayo pa ang 24 bibingka naman ulit

@charol09

Mababa ngayon ang crypto 🤧 kelan kaya ako makaka tyamba ng mataas ang value. Ang dami kong crypto kaso wala pang profit, haii buhay. Buti na lang kahit papaano me pasok na order ng leche at donut sa Dec 24.

@charol09

Pansin ko lang ang konte ng nag paparticipate ng nagpapaulan ngayon sa Cash rain na community, anyare?

@charol09

Konteng kembot pa makukuha ko na yung ipinuhunan ko sa mini donut. May order ako ngayon buti nandito si hubby siya ang nagtuloy maglaba 😅. Bumababa crypto ngayon buti abala ako hindi ko naiisip manghinayang.

@charol09

Totoo nga ang reward sa coins.ph kapag nag hold ka ng 20 USDC, every Monday sila nagpapadala. Next ko naman Bitcoin para magka reward minimum of 2000 Pesos lang naman pwede ng magkareward.

@charol09

Ang tagal lutuin ng kundol. 3 kundol to pero ng maluto 9 tub na 450ml ang nagawa 🤣 tinira ko na ung 1 tub sa mga anak ko ibibigay to bukas ni hubby sa mga kasama niya sa trabaho. Dapat talaga tutuyuin ko ang luto para candy talaga at dried kaso tinuyo ako sa tagal gawin. Dark nga pala siya dahil brown sugar ang ginamit ko ito lang kase ang available sa bahay.

@charol09

2 days ng maaga akong nagigising dahil sa order. Kahapon mini donut tas kaninanang umaga inasikaso ko na din yung mini donut ulit pagkatapos 100 leche flan naman. Nayari ko naman salamat ke hubby. Sakit ng katawan ko ngayon pero bukas pag uwi ko gagawa ulit ako ng mini donut. Samantalahin ko na nandito si hubby at willing gumastos ngayon ng tao 😅

@charol09

Nakuha ko na yung pinuhunan ko sa mini donut. Ngayon hindi ko na mapigilang mag buy ng pang design kahit hindi ko alam kung may bibili pa din after ng New year. Napagpasyahan kong gamitin uli yung page ko sa pagtitinda para di sayang ang effort kaka picture ng mga cute na mini donut gusto ko sana yung page ng reels ko dahil 10k followers na yun kaso nagdadalawang isip pa ako, aheheh. More gastos pa sa design. Ingat kayo parati!!