Hello po, newbie lang po ako dito sa noise.cash . My username is ChuCha kuha sa anak ko na ang pangalan ay ChaCha, inintroduce po ni @granny Nengste / ang aking mahal na nanay ang platform na ito na isang magandang oppurtunidad para magkaroon ng mas maraming kaibigan, bagong kakilala mula sa ibang panig bansa at magandang paraan para malibang at sempre bonus na ang pag-earn. Dami ko pa pong hindi alam pero magmamasid muna po ako sa mahuhusay at dalubhasang mga kanoise dito…
@charol09 in April 2022
Good morning kaingay newbie po ako dito sa noise, 1st post ko po ito dito. Hello po sa lahat! Share ko kaingay itong bagong bedsheet ni bunso, dahil mahilig siya sa dinasaur kaya pinili ko itong design para sa higaan niya. Super happy naman ito kaingay at excited nabuksan ang plastic para makita niya, sabi ko sa kanya lalabhan muna ni mama bago namin gamitin. So ito na kaingay, nailatag na ng mama. Mamaya pa niya makikita ito, sa ngayon kase abala itong naglalaro kasama ng…
Hello kaingay, nagtry akong bumili ng gulay sa isang post sa online dito sa amin. Sa post niya mababa lamang ang tinda niya kumpara sa presyo sa palengke. Sinubukan ko kaingay na bumisita sa tindahan nila at mababa nga ang gulay, kaya eto bumili na ako ng isang kilong sibuyas sa halagang 35 pesos, matagal tagal ko na rin itong magagamit. Meron pang 5pcs buong bawang yan kaingay sa halagang 16 pesos lang. Mura na sa akin ito kaingay, sa inyo po ba magkano ang presyo?
Natawa po ako sa pangalan ng grupong ito. Bagay na bagay po ang lahat dito . Makakarelate ang marami, salamat sa nakaisip. Ito nga palang mga gamit ng anak ko iniisip ko ng idispatya sa pagod kakaligpit. Hindi ko rin maibigay sa iba dahil baklas na ang ibang parte ng laruan. Ganito rin po ba mga anak ninyo kanoise? #MemaLang
Late meryenda po tayo! 1pm nag online class po ang aking bunsong anak , natapos ng 3pm, dahil 6 years old pa lamang kailangan ko pa po siyang samahan sa online class pero para tabihan lang kanoise, hindi kase makikinig kapag walang bantay. Mabuti na lang po at nakatulog ang baby ko pagkatapos ng kanilang online class at sinamantala ko na rin pong matulog, kaya eto late ng makakapagmeryenda. Kain po tayo!
Magandang gabi kanoise! Sino po dito ang nakasubok na uminom ng Barley? Sabi nila maganda daw po ito sa kalusugan dahil nakakalakas ng immune system. Mamaya try ko kung ano ang lasa. Mas maganda po na healthy tayo ngayong panahon na puro sakit. Hindi po ako nagbebenta kanoise ha, pinabili ko lang po yan, ilang piraso lang po pinabili ko at may kamahalan kapag box, di pa afford pa.
Ito kanoise ang aking munting negosyo sa bahay, mantika! Nag pack ako kanina nitong tag sasampung pesos mantika para sa loyal kong costumer, maliit lang ang kita pero pwede na sa nanay na full time na nasa bahay. Mga 7 years ko ng ginagawa ito kaingay wala pa ang bunso ko pero hanggang ngayon mabenta pa rin. Ang totoo nakukuha ko ung budget naming pang load linggo linggo dito tas may natitira pang extra para pang tabi sa tag-ulan. Kaya kung may naiisip kayong negosyo kahit…
Tulog na po ba ang lahat? Mauna na po akong matulog kung marami pa po ang gising. Good night kanoise, so far po, ok naman po ang unang araw ko, Salamat po sa inyong pag welcome. Bukas po ulit,sana marami po akong ma ishare sa inyo. Sana rin po aktibo bukas ang brain cells ko para masaya😅. Good night po!
Ang mahiwagang sandata ngayong umaga! Good morning kaingay. Laba-laba mood si inday ngayon, magandang kompleto ang sandata natin ngayon sa paglalaba para hindi nakakapagod lumabas papuntang tindahan. Mas magaan ang gawain di ba mga mommy kapag ready na ang ating gagamitin? Mag mumulti-tasking muna ako kanoise. Mamaya ulit!
Good morning pet lovers! Hindi ko po alam kung anong tawag sa isdang ito pero gustong gusto ng dalawa naming Puspin. Asawa ko po kase ang bumibili sa palengke ng pagkain nila, 20 pesos ang isang plastic ng isda na yan kanoise. Nag cat food sila noon, pero ng mapansin namin na hindi na pinapansin ang cat food nila kahit iba-iba ang brand kalaunan tinigil namin bumili at ipinalit ang fish. Pinakukuluan muna namin kaingay bago ihain sa kanila. Saglit lang at ipagluluto ko muna…
Naghimay na muna ako ng tinapa kanoise habang nakasalang ang labahin sa washing machine. Inihahanda ko na paunti-unti ang itatanghalian namin. Paborito kong isahog ang tinapa sa lutuin kase malasa siya kaingay sa ulam at sabaw. Ang mga anak ko pa naman halos sabaw ang gusto, tipong nilulunod ang kanin sa sabaw! Tabi ko muna ito para mamaya.
Mabilisang Flex lang kanoise itong gwapo kong pusang Puspin ang name niya ay Negro! Hindi siya malambing kanoise, tapos bugnutin pa, kapag bubuhatin o yayakapin mo nagagalit at parang mangangagat pero love na love namin ito. Paborito niyang higaan ang bed ng panganay ko siguro dahil nasa taas ang pwesto nito dahil double deck . Good day sa lahat!
Break muna ako saglit kaingay, bakit ba kapag ang dami mong ginagawa naghahanap ka ng makakain. Buti may natira pang V cut ang mga anak ko sa kabinet, ang palad ko ngayong araw, haha, karaniwan kase halos sila na lang lagi ang umuubos ng stock sa bahay. Kayo po kamusta ngayon? Ito ang salitang gamit na gamit ng lahat 'kamusta'. Tapos ang karaniwan namang sagot sa 'kamusta' ay 'ok lang'. Sinong relate?
Good morning po sa lahat, makailang beses po akong nagcheck kahapon kung ok na ba si noise, sana mapost na ito ngayon. Na miss ko po ang isang araw ng wala si noise. Buti po may pending post lang na naiwan kahapon kaya may pumasok na post sa akin dito noong mga panahon na hirap ng magpost at mag comment. Kamusta po kayo? Kamusta po experience ninto? Ito nga pala ang alaga naming pusa na nag ha 'Hi' sa inyo!
Magandang morning kanoise! Share ko po itong gawa ng anak ko para sa Earth Day noong lunes. Poster ang napili niyang gawin, sabagay pagguhit talaga ang isa sa gusto niyang ginagawa hindi kase ito sanay gumawa ng tula o gumawa ng kanta. Bilang nanay na appreciate ko naman ang gawa niya, good job! Taon-taon gumawa sila ng ilang activity para Earth day para na rin aware sila sa kalagayan ng Earth natin at makiisa bilang bata sa pag-aalaga nito. Sana nagustuhan ninyo kanoise!
Tingnan po ninyo kaingay itong si Negro nakasilip sa bintana at nag-uusyoso sa labas. Gusto pa atang lumabas kagabi at makipaglaro sa pusa ng kapit-bahay, sabagay kaingay hindi naman kase ito nakakagala sa malayo dahil nakatali. Nanigurado na kami na hindi ito makakalayo dahil ilang araw ang itinataggal bago umuwi pero kapag gabi na tinatanggal naman namin sila sa pagkakatali. Ingat sa maghapon!
Wait ko lang kaingay ang biniling slice bread para mabuksan ko na itong all time favorite na Eden cheese. Ilang araw nang nagrerequest ang anak ko nito, baka magtambling ito sa saya paggising dahil makakain na niya ang gusto niya. Madalas na itong brand na ito ang ginagamit ko sa magluto ng spaghetti, cheese stick, at puto. Ang lasa kase niya! Kayo kanoise, anong brand amg favorite ninyo?
At dahil laba-laba day kahapon, tiklop day naman ngayon. 11am na ako natapos maglaba kahapon, nakuha ko naman bandang 5pm ang mga na tuyo ng sampay, kaya ngayon ko naman aasikasuhing tiklupin lahat. Ito ang pinakaayaw kong gawin sa lahat ng gawain kamema ang tagal kaseng matapos. By color nga pala kamema ang paraan ko ng pag aayos ng tiklupin, para madali ko makita ang damit na kailangan ko. #MemaLang
Anong uri po kaya ng suso ito? Bigay lang po sa akin kanoise ngayon lang, kumakain naman ako ng suso kaso po pilipit lang po ang alam ko haha. Gusto ko po ang susong pilipit sa ginataang gabi o ung laing na tinatawag nila tapos lagyan ng maraming sili, yown! Mamaya titikman ko ito! Kumain na po ba kayo kanoise? #Mema Lang
Nainitan si Negro kanoise at nagpapahangin sa bentilador. Ang init nga naman bakit siya magtitiis matulog sa sahig. Eh, sa higaan malambot na ang kama may bentilador pang nakatapat 😄. Kacute tingnan ng alaga mong kampante sa loob sa loob ng bahay. Mamaya pagkatapos ni bunso sa online class tsaka kami tatabing matulog kay Negrong gwapo. Magandang tanghali!
Hot Pandesal with Cheese Meryenda muna po tayo kanoise, Nagising ako sa init ang sarap sanang matulog pa, 2 pm na ako nakatulog dahil nag online si bunso. Ang panahon talaga hindi maintindihan. Kamusta po kayo? Nagmeryenda na po ba kayo? Tara po at kumuha na kayo ng hot na hot na pandesal. Pamaya-maya gabi na naman ang bilis ng oras.
Good evening kamema! Movie time namin ngayon ng pamilya. Manood kami ng Uncharted . Ang bida ay si Tom Holland na bida sa sikat na palabas na Spider Man. Bagong movie ngayong 2022. Salamat naman at makakapag relax din! Walang kasamang snack ang movie ngayon kase diet ang bulsa. Tara nood tayo. #Mema Lang
Hi noise fam! Kamusta po ang tulog nyo? Mabilisang flex lang po dahil malelate ang hubby ko kung hindi ko pa lulutuin ang gulay niyang ibabaon. Na prito ko na po ang daing na galunggong. Maggigisa na lang ako ng gulay with oyster sauce. Good morning po sa lahat. Mamaya na lang po ulit! Ingat po sa mga papasok at ba byahe pa.
Nakapagluto na po ako at umabot naman sa oras para hindi malate ang papasok. Nag almusal na po ba ang lahat. Hanggang tanghalian na namin ito para makatipid naman sa pagluluto at oras, ang dami pang kailangang gawin. Muntik na akong tanghaliin dahil ang tagal kumilos ng tindera sa kanto, may pinagdadaanan siguro.😄 mag iinat-inat na ako para makapagsimula ulit gumawa tamang tambay muna dito sa noise at makipagchika.
Nag try po akong mag design gamit ang apps na Canva sa dami kase ng ads para sa Freelancing nakakaenganyong matuto. Aminado ako na kailangan ko pa ng maraming praktis kanoise ang hirap lang tutukan kase kumakain talaga ng oras, kala ko nga noong una madali lang. Hindi pala! Natutunan ko na wala talagang madaling gawin na trabaho ngayon. Kapag nakabili ako ng mataas na specs ng desk top at akma sa panahon uupuan ko 'tong career na ito. Haha, libre daw mangarap at bumuo ng…
Kakauwi ko lang kanoise galing sa School para kumuha ng module, sarap sanang matulog ng ganitong oras. Pinatulog ko muna si bunso bago ako umalis kanina. Bigayan na rin ng card ng grade 1 at bukas naman ang grade 5 kaya balik uli ako bukas para sa card at module ng grade 5 ko. Mula sa amin nilakad ko lang kanoise, sayang ang 60 pesos balikan kung mamamasahe pa ako. Matatag pa naman ang binti ko sa lakaran, sabi ko bibili ako ng buko juice sa daan kaso nagbago isip ko mag…
Non-stick Crepe Pan Sa tuwa ko kanoise napabili tuloy ako sa Lazada ng Crepe pan, kase naman lakas makahikayat ng buy 1 get 1 sa halagang 279 ng store na ito. May order kase akong Lumpiang Sariwa nagustuhan nila ang luto ko kanoise, ang gamit ko pa nun ay tipikal na lumpia wrapper pero kapag dumating ang order ko na ito, ito na ang gagamitin ko. Meron na itong kasamang bowl at wrisk kanoise. Excited na ako, sana ok siya🙏
Ang mga anak ko kahit makailang beses na nilang napanood ang palabas, inuulit-ulit pa din. May mga pagkakataon na maririnig mo na sinasabi na nila ang susunod na sasabihin ng bida sa palabas. Pati kanta alam na nila kantahin. Galing nila magkabisa, sana sa module ganun din😅. Tahimik nga sila ngayon walang nagkakalat ng laruan dahil mga nanonood. Ayos naman para makatambay ako ng tahimik dito. Busy din naman si hubby nanonood ng youtube, makabagong panahon nga naman,…
Good morning noise fam! Family talaga noh? Paano naman sa loob ng 4 days di ko na nabubuksan fb account ko at hindi na ako nanonood ng fb watch para mag kdrama kakabukas kay noise.cash. Ganito pala ang feeling kapag sumali dito hindi mo maiwasang magbukas at mag update. At dahil morning na naman sumilip lang muna ako dito kahit 15mins kase magluluto ako, wait ko lang si hubby at pumuntang palengke para bumili ng uulamin. Good morning po sa lahat!
Nag almusal na kami kaingay, Sana kayo rin po? Update muna ako uli dito tapos alis na naman papuntang skul. Schedule ng pagbabalik ng module today ng grade 5 at bigayan ng card. So ito po, share ko ang uwing suman ni hubby kanina, craving satisfied po ako kaingay kase naman kahapon may nagpost ng suman antala namiss kong kumain. Ang hirap palang tumambay kay noise kapag panahon ng kainan ang daming menu sa screen ng phone ko nakakapaglaway. 🤣 Kase naman ang sisipag ng mga…
Init kanoise! Nga pala nagluto ako kanina ng adobong manok, request lang ng panganay ko dahil may nakita pa siyang manok sa refrigerator, pangsahog ko sana ito sa lulutuin kong gulay. Pinagbigyan ko na at sandali lang naman lutuin, gusto kase niya sa adobo ay tuyo. Mas feel ko rin na kainin ang adobong tuyo kesa may sabaw😅 kaya ayan napicturan ko ang paggisa. Ganito ako mag adobo kanoise, ginigisa ko ung manok sa maraming bawang, sibuyas, pamintang durog at pamintang buo…
Pop Corn Maagang umuwi si hubby at meron itong uwing pop corn. Yehey! Para talaga yan sa dalawa naming anak isinasama lamang nito lagi ako sa bilang, karaniwan kanoise limang pisong mani sa tindahan uwi niya straight 5 days galing trabaho. Nag upgrade ngayon. 😄 Kamusta kaingay? Sumilip muna at 3pm may PTA meeting ako online. Meryenda po tayo ng pop corn🤩
May naisip ako kanoise dahil sa init ng panahon. Ang bubong kase namin sa kusina mababa kaya napakainit talaga. Naisip ko, try ko kayang magmasa ng tinapay tapos iwan ko sa kusina . Aba e pwede nang magpaalsa ng tinapay sa init! Ba't naman ganito nangyari kay earth 😢 Nakakadismaya ang init, maalinsangan pa. Kaya ang tao hindi maiwasang magkasakit. Ma strees ka na sa ginagawa mo sabayan pa ng mainit na panahon. Ingat po tayo ngayon kanoise. Alis muna si inday ngayon.
Umagang kay ganda sa inyo kamema😍 Start uli ng araw natin, trabaho nanaman! Pinicturan ko nga pala ang tumataas ng halaman sa bakuran namin, nagustuhan ng inlaws ko itanim. Nakalagay lang yan kanoise sa sirang galon ng wilkins yung bilog tapos hinati lang sa gitna. Last year lang nya ito itinanim hanggang ngayon buhay pa rin, katuwa naman, dito kase sa sa amin semintado na ang lupa kaya ang mga tanim ng may edad kung byenan lahat nasa paso nakalagay. Marami kami dating…
Ang sarap naman ng bagong lutong mais kanoise, dati maraming naglalako sa amin nito. Ngayon makakabili ka na lang kung pupunta ka sa bayan para makatikim. Bigla na naman akong nagcrave,😋 bagong lutong mais tapos lagyan ng butter🤩 sherep.. Nakita ko lang tong picture sa gc namin , kasagsagan ng pandemic nag aalok ang kananay ko ng mais noon. Hindi ko na maalala kong nakabili ba ako sa kanya😅
Dahil na miss ko kahapon ang fries kaya pinagbigyan ko naman ang cravings ko. Walking distance lang sa amin ang mga kainan, kainitan nga lang ng umalis ako ng bahay para ibalik ang module ng anak kahapon. Ayos at nakalaya saglit sa bahay, sinamantala ko ng kumain ng walang kasamang bata😄. Minsan kailangan din nating itreat ang sarili mag-isa🤣 So yun nga nag- enjoy ako kahapon sa fries and drinks. Sana maulit muli.🥰
Mag vitamin C muna tayo kanoise! Sa init ng panahon heto at gagawa ako ng calamansi juice. Ang daming uwing calamansi ni hubby bigay ng katrabaho niya dahil nagkakalaglagan lang ang kalamansi sa bakuran nila sa dami. Salamat at naisipan nitong magbigay hehe meron kaming juice ngayon. Durugin ko ang yelo kapag ilalagay sa pitsel para madaling lumamig tas lalagyan ko lang ng konting tubig para di mawalan agad ng lasa. Ihanda ko lang ito kanoise. Malamig na juice sa lahat🤩
Nakabili ako kanoise ng toge sa labas para ito na lang ang ulamin ko. Meron namang ulam sa bahay kaso sa mgs bata na lang at mukhang kukulangin pa sa amin. Sana masarap ang luto ni ate sa tinda niyang toge. Kamusta po maghapon ninyo? Mga kapitbahay ko apura daing sa init ng panahon, malamang po kayo rin. Saan po ba sa parte ng pilipinas ang umuulan ngayon? Dito po sa amin walang kaulan-ulan. Magandang gabi po sa lahat.
Good morning kanoise. Aalis kami today, kaya mabilisang almusal at gayak lang gagawin namin, 6:30 alis na kami. Share ko muna itong drawing ng anak ko sa inyo dahil hindi ko alam kung anong oras kami makakauwi. Ala pa namang load ang selpon ko para makasilip dito sa noise. Drawing nga pala ito ng anak ko na grade 5, kapag naiinip, ang ginagawa niya lagi ay ubusin ang gamit namin😅. Hilig niya ang arts at gumawa ng mga crafts kaya laging nauubos ang stock naming scotch tape ,…