Ikaw ang Paksa
***Heto nanaman ako*** ***Maingay ang isipan at tila may ideyang gustong kumawala*** ***May hawak na ilang pirasong papel at panulat*** ***Nakatingin sa kawalan at umiisip ng magandang pamagat*** ***Imahe mo ang bigla kong nakita*** ***Hindi na ako nagdalawang-isip pa*** ***Ikaw, ikaw ang magiging paksa*** ***Sa muli kong isusulat na tula*** ***Nasabi ko na ba sa 'yo?*** ***Napakaganda ng mga mata mo, mahal ko*** ***Patuloy pa rin akong humahanga at natutunaw sa paraan ng pagtitig mo*** ***Tila mahirap nang alisin ang binibigay mong kakaibigang epekto sa sistema ko*** ***Mahal kita at ang lahat ng bagay tungkol sa 'yo*** ***Mula sa pinaka-korni mong mga biro*** ***Mula sa pagtawa mong madalas ay nadadala ako*** ***At lalong-lalo na sa patuloy mong pagpapakatotoo*** ***Mapagod man ako sa pakikipagsapalaran sa mundo,*** ***Mayroon naman akong ikaw na laging pahingahan ko*** ***Makasalubong man ako ng hindi mabilang na temptasyon at tukso,*** ***Patuloy mong tandaan na ikaw — ikaw lang ang tahanang uuwian ko*** ***Kaya mga pagdududa at pangamba mo ay iyong alisin*** ***Dahil hindi mo man minsan napapansin*** ***O hindi ko man madalas na bigkasin*** ***Mahal kita ngayon, at patuloy pa ring mamahalin*** ***Hindi man sang-ayunan ng lahat ang nararamdaman ko*** ***Hindi man paniwalaan ng marami na ikaw lang ang gugustuhin ko*** ***Mahal, walang saysay ang opinyon ng ibang tao*** ***Ang mahalaga at dapat na panghawakan mo ay ang ikaw at ako — tayo.*** Sinulat ni: @charmingcherry08 *Ang Lead Image na ginamit at mula sa libreng mga litrato sa Unsplash. —————————— Sana nagustuhan ng lahat! Salamat sa pagbabasa. This is my first ever Tagalog poem published in this site. I hope you guys also suggest some topics! 😍🤗 —————————— UPDATE: I already published the English version of this one. If you are interested, here is the link: https://read.cash/@charmingcherry08/a-poem-for-you-fd203848 ——————————
24 comments
You should try to publish it in English too. You can reach more audience if you do that.
Yes, I will. Maybe tonight.
https://read.cash/@charmingcherry08/a-poem-for-you-fd203848 Here it is.
Magandaaa sya sweet pero hhindi korni thumbs up❤❤❤
Omo. Thank you so much! 🤩🤗
Welcome;)
Omyyyy ang galingggg🥰🤗Gusto ko sanang dugtungan kaso natutuyo utak ko HAHHAHAHAHHAHA
Hahahahaha! Try mo nalang dugtungan. Thank you so much! I really appreciate that.
Ang mahalaga at dapat mong panghawakan ay ikaw at ako-tayo, Magbago man ang ikot ng mundo, Kumulubot man ang mukha mo, Ikaw pa rin ang iibigin ko. Dumating man ang panahon na tayo'y subukin, Nais kong malaman mo na puso mo'y di ko dudurugin, Magkaroon man hindi pagkaunawan, Tandaan mong ikaw lang ang aking kanlungan. Ikaw,ikaw kahapon, Ikaw ngayon Ikaw kinabukasan, Ikaw at ikaw magpakailanman. WALA NA TALAGA AKO MAISIP ATE @charmingcherry08 HAHHAHAHAHHA grrrrr
Galing! ❤️ Ang ganda ganda! Hays. Sa susunod uli. 😁
Yieeeeeee galing mo dinnn huhu proud ako sayo🥺❤️
Hoy! Kinikilig akoooo! 😍😍😍 Hay nako naman. Salamat! Proud din ako sa 'yo at sa mga works mo. ♥️♥️♥️♥️
GOODNIGHT ATE!❤️THANK YOUSO MUCHHH
Ang gandaaaa 🤗💕💕. Galing mo palang sumulat ng tula. Isa kang makata binibini. Sana ako'y mahandugan ng kahig katiting sa iyong talento. hahahhaa trying hard ako ah. Pero ang ganda talaga. Please keep on writing and sharing your poetry ❣️Pumapag ibig tayo jan ah 😂.
Salamat, magandang binibini. 🤩 Hay, kinikilig ako sa mga comments mo talaga. Medyo may inspirasyon lang tayo ng konti sa pagsusulat ng tula kaya ganyan, hehehe.
hoy hinay hinay ah hahahha. Sigurado ka magandang binbini ako? hahahah juk lang. Ang galing mo talaga magsulaaat. Sana all 🤧❤️❤️
HAHAHAHAHAHAHA maganda ka man o gwapo o ano, basta good-looking! HAHAHAHAHA salamat talaga sa suporta, kaibigan!
HAHAHAHAHHAHAH oy babae ako ah 😂. Hala ano ba tagalog ng you're welcome? nabobobo ako these days ah 🤦
HALA EWAN KO RIN HAHAHAHAHAHAHA "walang anuman" yata?
Ay oo tama tama. Makata ka talaga ghorl hehehe
Mayroon kang talento sa paglikha ng tula. Maari mo itong ibahagi sa nakakarami dahil maaari kang maging isang manunulat sa hinaharap.
Maraming salamat po! Sobrang saya po na mabasa yung komento ninyong ganito. Mas lalo akong ginaganahan na sumulat pa ng sumulat dahil dito! 😍♥️
Yes hasain mo pa ang iyong talento kasi madami akong mga nakikilala dahil sa kanilang pagpupursige at pagmamahal sa kanilang mga ginagawa ay nagiging kilala o narerecognize ng eksperto..keep it up😊
Salamat! Sana isa ako sa mga nakikilala dahil sa pagsusulat. 🤗