Ikaw ang Paksa

29 224
Avatar for charmingcherry08
3 years ago

Heto nanaman ako

Maingay ang isipan at tila may ideyang gustong kumawala

May hawak na ilang pirasong papel at panulat

Nakatingin sa kawalan at umiisip ng magandang pamagat

Imahe mo ang bigla kong nakita

Hindi na ako nagdalawang-isip pa

Ikaw, ikaw ang magiging paksa

Sa muli kong isusulat na tula

Nasabi ko na ba sa 'yo?

Napakaganda ng mga mata mo, mahal ko

Patuloy pa rin akong humahanga at natutunaw sa paraan ng pagtitig mo

Tila mahirap nang alisin ang binibigay mong kakaibigang epekto sa sistema ko

Mahal kita at ang lahat ng bagay tungkol sa 'yo

Mula sa pinaka-korni mong mga biro

Mula sa pagtawa mong madalas ay nadadala ako

At lalong-lalo na sa patuloy mong pagpapakatotoo

Mapagod man ako sa pakikipagsapalaran sa mundo,

Mayroon naman akong ikaw na laging pahingahan ko

Makasalubong man ako ng hindi mabilang na temptasyon at tukso,

Patuloy mong tandaan na ikaw — ikaw lang ang tahanang uuwian ko

Kaya mga pagdududa at pangamba mo ay iyong alisin

Dahil hindi mo man minsan napapansin

O hindi ko man madalas na bigkasin

Mahal kita ngayon, at patuloy pa ring mamahalin

Hindi man sang-ayunan ng lahat ang nararamdaman ko

Hindi man paniwalaan ng marami na ikaw lang ang gugustuhin ko

Mahal, walang saysay ang opinyon ng ibang tao

Ang mahalaga at dapat na panghawakan mo ay ang ikaw at ako — tayo.

Sinulat ni: @charmingcherry08

*Ang Lead Image na ginamit at mula sa libreng mga litrato sa Unsplash.

——————————

Sana nagustuhan ng lahat! Salamat sa pagbabasa. This is my first ever Tagalog poem published in this site. I hope you guys also suggest some topics! 😍🤗

——————————

UPDATE: I already published the English version of this one. If you are interested, here is the link: https://read.cash/@charmingcherry08/a-poem-for-you-fd203848

——————————

Sponsors of charmingcherry08
empty
empty

9
$ 0.01
$ 0.01 from @kli4d
Sponsors of charmingcherry08
empty
empty
Avatar for charmingcherry08
3 years ago

Comments

Mayroon kang talento sa paglikha ng tula. Maari mo itong ibahagi sa nakakarami dahil maaari kang maging isang manunulat sa hinaharap.

$ 0.00
User's avatar lea
3 years ago

Maraming salamat po! Sobrang saya po na mabasa yung komento ninyong ganito. Mas lalo akong ginaganahan na sumulat pa ng sumulat dahil dito! 😍♥️

$ 0.00
3 years ago

Yes hasain mo pa ang iyong talento kasi madami akong mga nakikilala dahil sa kanilang pagpupursige at pagmamahal sa kanilang mga ginagawa ay nagiging kilala o narerecognize ng eksperto..keep it up😊

$ 0.00
User's avatar lea
3 years ago

Salamat! Sana isa ako sa mga nakikilala dahil sa pagsusulat. 🤗

$ 0.00
3 years ago

Napakahusay ng pagkakasulat aking kaibigan! Tila ba nagpapatunay na ikaw ay umiibig sa isang tao lamang. Napakaswerte ng taong iyong mamahalin dahil sa iyong kagalingan sa pagsulat ng tula. Nawa'y marami pang taong katulad mo na may pusong sa isang tao lang tumitibok😍 Aming aabangan ang iba mo pang isinulat upang kami ay mabigyang inspirasyon upang maipahayag din namin ang aming nararamdaman at saloobin sa aming mga minamahal gamit ang tula😍

$ 0.00
3 years ago

Maraming salamat, kaibigan! Batid kong dapat na pasalamatan ang pagbibigay mo ng oras sa aking isinulat na tula.

Sumulat ako ng tula para sa aking mahal dahil sa tingin ko ay kakaiba ang magiging dating nito. Iilan na lamang ay may kayang sumulat ng tula para sa isang tao ng mula sa puso. Ikagagalak kong makabasa ng iyo ring mga sariling tula sa mga susunod na araw.

$ 0.00
3 years ago

Walang anuman kaibigan! Akin din susubukang sumulat ng sariling tula para sa mga taong mahala sa akin. Ang iyong tula ang aking gagawing inspirasyon upang makapag-sulat ng detalyado at magandang tula💕 Magandang umaga kaibigan!😊

$ 0.00
3 years ago

Magandang umaga! 🤗😍

$ 0.00
3 years ago

Ang gandaaaa 🤗💕💕. Galing mo palang sumulat ng tula. Isa kang makata binibini. Sana ako'y mahandugan ng kahig katiting sa iyong talento. hahahhaa trying hard ako ah. Pero ang ganda talaga. Please keep on writing and sharing your poetry ❣️Pumapag ibig tayo jan ah 😂.

$ 0.00
3 years ago

Salamat, magandang binibini. 🤩 Hay, kinikilig ako sa mga comments mo talaga. Medyo may inspirasyon lang tayo ng konti sa pagsusulat ng tula kaya ganyan, hehehe.

$ 0.00
3 years ago

hoy hinay hinay ah hahahha. Sigurado ka magandang binbini ako? hahahah juk lang. Ang galing mo talaga magsulaaat. Sana all 🤧❤️❤️

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHAHAHAHA maganda ka man o gwapo o ano, basta good-looking! HAHAHAHAHA salamat talaga sa suporta, kaibigan!

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHAHHAHAH oy babae ako ah 😂. Hala ano ba tagalog ng you're welcome? nabobobo ako these days ah 🤦

$ 0.00
3 years ago

HALA EWAN KO RIN HAHAHAHAHAHAHA "walang anuman" yata?

$ 0.00
3 years ago

Ay oo tama tama. Makata ka talaga ghorl hehehe

$ 0.00
3 years ago

Omyyyy ang galingggg🥰🤗Gusto ko sanang dugtungan kaso natutuyo utak ko HAHHAHAHAHHAHA

$ 0.00
3 years ago

Hahahahaha! Try mo nalang dugtungan. Thank you so much! I really appreciate that.

$ 0.00
3 years ago

Ang mahalaga at dapat mong panghawakan ay ikaw at ako-tayo,

Magbago man ang ikot ng mundo,

Kumulubot man ang mukha mo,

Ikaw pa rin ang iibigin ko.

Dumating man ang panahon na tayo'y subukin,

Nais kong malaman mo na puso mo'y di ko dudurugin,

Magkaroon man hindi pagkaunawan,

Tandaan mong ikaw lang ang aking kanlungan.

Ikaw,ikaw kahapon,

Ikaw ngayon

Ikaw kinabukasan,

Ikaw at ikaw magpakailanman.

WALA NA TALAGA AKO MAISIP ATE @charmingcherry08 HAHHAHAHAHHA grrrrr

$ 0.00
3 years ago

Galing! ❤️ Ang ganda ganda! Hays. Sa susunod uli. 😁

$ 0.00
3 years ago

Yieeeeeee galing mo dinnn huhu proud ako sayo🥺❤️

$ 0.00
3 years ago

Hoy! Kinikilig akoooo! 😍😍😍 Hay nako naman. Salamat! Proud din ako sa 'yo at sa mga works mo. ♥️♥️♥️♥️

$ 0.00
3 years ago

GOODNIGHT ATE!❤️THANK YOUSO MUCHHH

$ 0.00
3 years ago

Magandaaa sya sweet pero hhindi korni thumbs up❤❤❤

$ 0.00
3 years ago

Omo. Thank you so much! 🤩🤗

$ 0.00
3 years ago

Welcome;)

$ 0.00
3 years ago

You should try to publish it in English too. You can reach more audience if you do that.

$ 0.00
3 years ago

Yes, I will. Maybe tonight.

$ 0.00
3 years ago