Ngayong gabi ay naisipan kong magtipa at ibahagi ang aking saloobin sa pamamagitan ng aming pambansang lenguwahe na Wikang Filipino. Marahil karamihan sa inyo ay maninibago ngunit nais ko lang ipabatid na akin pa ring tinatangkilik ang sariling atin.
Ayon sa aking pamagat ay ilalahad ko kung ano nga ba ang aking talento. Minarapat kong gumamit ng salitang ito upang mas madali kong maipaliliwanag kung ano talaga ang nararamdaman ko at kung ano ang nais sabihin ng puso ko.
Ano nga ba aking talento?
Bata pa lamang ako noong ako ay namulat sa mga gawaing bahay, kami ay inaasahan na matuto bago makapag tapos sa ika-anim na baitang. Pinaka paborito ko ang pagluluto at natutuwa ako kapag may mga bagong putahe akong natutunan at mas ikinagagalak ito ng puso ko sa tuwing ang aking pamilya ay labis ang papuri rito.
Hindi nagtagal ay mas minahal ko ito at minsang pinangarap na ako'y maging isang mahusay na tagapagluto, makapagtayo ng sarili kong restawrant upang makaahon sa kahirapan. Ngunit may mga pag kakataon na hindi sumasang-ayon ang panahon na tila ba pilit na sinasabi na hindi ito ang para sa akin.
Lumipas ang mga ilang taon nang kinailangan kong mag aral sa bayan sapagkat sa aming barangay ay walang sekondaryang paaralan. Dito ako mas nahubog pa at mas dumarami ang aking nakahalubilo. Nag-aral ako sa isang pampublikong paaralan ngunit napakalawak nito, ang bawat baitang ay mayroong dalawanpu na silid aralan. May mga silid na para sa mga sadyang mahuhusay na kung tawagin namin ay "Science section" kung nais mo na mapabilang sa kanila ay kakailangin mong kumuha ng pagsusulit at siguraduhin na mataas ang iyong grado, sila ang mga estudyanteng tinitingala at sa tuwing may mga patimpalak sa patalasan ng utak, paniguradong nasa kanila ang huling halakhak.
Mayroon ding silid na inilaan para sa mga mag aaral na may angking galing sa paglikha ng arts, kadalasan sa silid na ito ay nandirito ang mga mag aaral na mahusay sa pag-awit, pag-sayaw, pagpinta, pagkuha ng mga larawan at iba pa.
Sa silid aralan na aking nabanggit ay hindi ako kabilang, isa lamang akong normal na mag-aaral at hilig ko ang magbasa ng mga bagay na kabuluhan patungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay.
Kung aking aalamin kung ano nga ba aking talento, balikan atin ang mga sinabi ko. Sa pag-awit ay marunong ako, hindi naman ako sintunado kahit papaano ngunit likas naman sa mga pilipino ang ganito kaya hindi ko rin masasabi na ito ay aking talento. Mahilig ako makinig sa musika at pangarap ko ang tumugtog ng gitara kasama ka.
Sa pagsayaw ay nakakasunod naman ang mga paa ko pero kung sa husay masasabi kong isa lang akong normal na tao na kayang iikot ng tama ang baywang ko. Hindi ko hilig ang pagsayaw, mas gugustuhin ko pang matulog na lamang kaysa balii angkatawan ko.
Marunong din ako magtahi ng sarili kong damit ngunit dahil sensitibo ang kamay ko, nahihirapan ako sa tuwing matutusok ng karayom ay sumusuko na ako.
Ang pag guhit at pag pinta ng mga larawan ay isa sa mga hinangaan ko at pinangarap na sana ay nabibiyayaan ako ng kamay na kung ano ang taglay na meron sila, ngunit sadyang pinagkait sakin ang ganitong talento. Sumubok ako ngunit sa huli ay umiyak lamang ako.
Minahal ko ang mga papel na laging aking nahahawakan, dahil sa pagbabasa ng mga libro, isulat ang kwento ng buhay ko ang isa sa mga naging libangan ko. Sa mga papel at aking imahinasyon ay nakagagawa ako ng mga bulaklak gamit ito. Hindi ko maipaliwanag ngunit ang mga bulaklak ay parang nagsisilbing katulad ko, may mga panahon na nakatiklop ito pero alam ko na darating ang araw na ito ay mamumukadkad ng napakandanda at napakaaliwalas sa mata.
Ang dami kong gustong sabihin ngunit sa tuwing ako ay masisimula ay tila naputol na ang aking dila. Dinadaan na lamang ito sa mga salita, mga hinaing na gustong ilathala dahil sa sarili ay walang tiwala.
Sa huli ay naisip ko ang buhay ay isang napakahalaga, may mga bagay na gusto nating makamit ngunit tila ito ay ipinagkakait sa atin ng tadhana. Kung magsisikap ay makakamit mo rin ito, sabi nga sa librong nabasa ko, palaging may nakalaang daan sayo patungo sa kung ano talaga ang gusto mo. Sa pamamagitan ng dedikasyon ay masasabi kong darating din ang araw na makakamit mo ang ninanais mo. Sa ngayon ay magtiwala ka sana muna sa proseso, huwag mong mamdaliin at paniguradong ikaw ay madadapa. Ngunit sa pagdapa ay alam kong makakangonka rin hanggang marating ang dulo ng daan kung saan ang pangarap mo kumakaway sayo.
Gusto kong sabihin na sana ay huwag mong pagkumparahin ang mga nakamit ng iba sa kung ano ang meron ka, bagkus gawin itong inspirasyon upang mas umunlad ka pa. Maging kontento sa meron ka at magpasalamat sa mga bagay na meron ka ngunit wala sa iba.
Lahat tayo ay naiiba, may kanya-kanyang husay at karisma. May kani-kaniyang buhay na dapat ay iniingtan at pinahahalagahan dahil ang tulad mo ay walang katumbas na halaga, katangi - tangi ka, kagaya ng isang bulaklak na mamumukadkad pa.
Sa tingin ko, hindi ko pa rin alam kung ano ang talento na mayroon ako, isa akong pilosopo ngunit disiplinadong tao.
Sa tingin ko ay napahabana rin ang kwento ko. Sana ay nagustuhan mo ang mensahe ko para sayo. Tatapusin kona ito rito.
Liham mula sa manunulat:
Salamat sa pagbabasa, nais ko ay sana napangiti kita!
Ipagpaumanhin kung ito man ay maraming pagkakamali sapagkat ang aking mata ay pumipikit na rin talaga.
Itong aking artikulo sa bilang na #69
July 02, 2021
Want to be connected with my nonsense life?
You can always find me at:
Noise.cash: Carisdaneym
Twitter: carisdaneym
Instagram: Carisdaneym
Reddit: Carisdaneym
Publish0x: Carisdaneym (inactive)
Facebook: Carisdaneym Lazy blogger
Telegram: carisdaneym2
Facebook page by Yen Bitcoin cash Nueva Ecija
Facebook group by bmjc Bitcoin cash Earn and Learn
Nakakatuwa ang pagtatagalog mo. Ako, alam ko ang talento ko pero hindi ko ito masyadong naipapakita dahil hindi aakp kampante sa aking sarili. Maraming tao ang nagsabi na magaling akong sumayaw pero dahil sa mga insekyuridad ko sa aking sarili, hindi ko nalinang ang aking talento. Kaya nagsisisi ako ngayon sa panahon na nasayang ko.