read.cash Log in
@calvy28 more from that month

Haha binasa ko talaga hanggang dulo SHAMPOO Kumuha ako ng tuwalya sa cabinet ko dahil maliligo na ako. Pagkapunta ko sa banyo, nakita kong wala nang laman 'yung sachet ng shampoo sa lalagyan. Jusmeyo! Daig pa nila si Rapunzel gumamit ng sunsilk ah! "MAAAAA! UBOS ULIT 'YUNG SHAMPOO?!" "Oo! Bili ka na lamang doon kina Jimmuel!" Sigaw ni mama. Lumaki 'yung teka ko pagkarinig sa pangalan ni JIMMUEL. Ohoho. Si Jimmuel, ulimate crush ko siya simula pa noong mga bata pa kami, kapitbahay ko siya at may sarili silang tindahan sa tapat ng kanto. Tadhana nga naman. Halos alam na lahat ng mga ka-batch ko na may crush ako sa kanya, kaya ayon, todo iwas 'yung bebe ko sa'kin. Humarurot ako papalabas ng bahay para makita ko na siya, naiwan pa nga 'yung tsinelas ko kakamadali. Kinuha ko 'yung pera at nag-liptinit na rin kahit wala pang ligo. Hirap talaga 'pag inlove! Pagkaapak ko sa tindahan nila, saktong sakto si Jimmuel 'yung nagbabantay! Hoho baby, here I come! Inayos ko 'yung damit ko at ipinakita 'yung strap ng bra ko para naman maakit siya mga beh. Nung nakita niya ako, lumaki bigla 'yung mga mata niya. Oh yes, ang ganda ko 'no? "Tao fo?" as if na hindi ko siya nakita mga bebs! "Obvious naman na may tao rito, anong kailangan mo?" Ang rude ha! "Uhm pabili nga po ng sunsilk, 'yung color green." with matching beautiful eyes pa mga beh! Kinuha niya 'yung shampoo, ibibigay na niya sana nang biglang.. "Hintay ka diyan sa labas, pupuntahan kita." HAAAA? Teka nabingi akoooo! 'Di ako nakapaghanda sa sinabi niya kaya tumunganga ako pagkalapit niya sa'kin. Totoo ba toooo? Oo sinasagot na kita Jimmybabee! "Oh." Sabay bigay niya sa shampoo. "Teka ba't ka lumabas? Pwede naman sha loob mo nalang ibigay." Gusto mo na talaga ako makita sa malapitan bebe ko? Tinuro niya 'yung cellophane na lalagyan ng shampoo. Nakita kong may bagay siyang ipinasok. "Libre na 'yang nilagay ko diyan sa supot, 'wag mo na bayaran. Gamitin mo nalang." Ano tooo? Singsing? Teka kakasagot ko pa lang sa'yo ah! Bumalik siya sa loob at isinarado niya ng malakas 'yung pintuhan. Hindi naman ako nagulat. Nagtaka ako sa laman ng supot, kaya kinuha ko 'yung nasa loob nito. Nagulat ako sa binigay niya.. REXONA?! TAE MABAHO KILI-KILI KO? Inamoy ko 'yung kili-kili ko.. at mabaho nga talaga. Tumakbo ako pauwi na may dalang pighati. Nawalan na ako ng gana maligo, lesson learned. -Lyre

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.